KABANATA 18: Ang Malanding Resulta Ng Exam

174 3 0
                                    

(pagpapatuloy...)

Matapos ang nakakahilong bar exam este first periodical exam pala hahaha shutang iners naman kasing exam yun napakahirap. Mabuti na lang wala akong buwanang dalaw kung hindi naku baka ma-menopause ako ng hindi oras. Nakakaubos kasi talaga ng dugo eh. Hindi lang nosebleed aabutin mo pati un perlas ng silanganan duduguin din hahaha.

Ang daldal ko diba? Anyway eto na nga andito ako sa aking kikay na kwarto nakahiga at katext ko ang aking textmate na super duper uber over ultra mega kong crush na si sir Gynn. Sila mama, papa at Isang ayun nakuwi na kaninang tanghali. Abala sila ngayon sa baba sa kakapanood ng My Love From The Star nila Kim Soo Hyun at Jeon Ji Hyun.

Oh diba lupit sa plugging ang epal na writer 'to hahaha plugging fee please? hahaha.

*beeep! oh wag tanga hindi yan jeep sinabi ko ng tunog yan ng AYY PHONE ko eh kulit!

*message from sir Gynn.

"Crush mo pa ba ko?"

Oh my ghaaaad! Tinatanong na ni sir Gynn na kung crush ko pa ba talaga sya haaaay kasalan to ni mister slash prinsipe slash hari ng siga na si Matt.

Paano ba to? Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Haaay bahala na nga! (kamot ulo)

*reply to sir Gynn.

"Ikaw talaga sir. Ikaw lang ang nag iisang crush ko."

*MESSAGE SENT!

Pagkatapos magsend ng message ko kat sir Gynn sinubukan kong mag isip kung paano ko ba sasabihin yung totoo sa kanya kaso lang.....

Wag tanga ha? Wala naman ako utak diba hahaha. Assumera much Ayy.

*Krrrrriiing! kriiiiiing! - hindi yan ice cream! AYY PHONE ko yan may tumatawag sa akin.

Tiningnan ko muna sa screen ng aking AYY PHONE nokia 3310 ko kung sino itong tumatawag sa akin.

Pagtingin ko unknown number. Shit nakapag english ang matalino nyong bida hahaha.

So no choice ako dahil ang sakit na sa tenga kaya tinapat ko ang cellphone ko sa aking tenga..

"Hoy! Bakit ba ang tagal mo sumagot?!" - sigaw sa akin ng nasa kabilang linya.

"Wala bang hello muna Matt?!" - sigaw ko nakakabadvibes eh.

"Sorry"- mahinahon na pagpapaumanhin nya.

"Bakit ka napatawag?"- pagtatanong ko.

"Kasi yung resulta ng exam bukas.." - nag aalalang sabi nya.

"Ah yun ba wag kang mag alala hindi ka babagsak dun ang talino mo kaya." - masayang sabi ko.

"Tanga! Hindi ako ang babagsak. Ikaw!"- nabigla na pag kakasabi nya.

"Wow ha?! Sorry naman!" - bwisit na sabi ko.

"Sorry nabigla lang ako. Iniisip ko kasi kapag bumagsak ka baka hindi ka tumupad sa dare natin." - nag aalalang sabi nya.

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi nya ewan ko ba siguro dahil na rin sa tono ng boses nya.

"Itutuloy natin. Ang usapan ay usapan basta tumupad ka rin sa usapan." - sabi ko.

"Salamat I love you Ayy." - masayang sabi nya na syang ikinabigla ko.

"Hahaha nakakatawa naman yang joke mo. Cge na bye may gagawin pa ako." - pagdadahilan ko kahit wala naman akong gagawin talaga.

At saka ko pinatay ang tawag ni Matt. Haaay ang weird lang talaga.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Mahal daw nya ako. Parang ang weird sa pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon