KABANATA 23: Nakakabiglang 2nd Periodical Exam

131 3 0
                                    

KABANATA 24: Nakakabiglang 2nd Periodical Exam

(Pagpapatuloy..)

*Kinabukasan..

"Ayy Tangarin + Umaga = Magandang Umaga"

Punong puno ako ng good vibes para pumasok sa minamahal kong paaralan ang Mata Lino High School.

Sabi nga nila mga matatalinong estudyante lang ang pwedeng pumasok sa paaralang iyon. So wat ken chu say abawt may brayn? Im sooooo matalino devah!

Anyway marcos hiway, masaya ako dahil balik eskwela na si Matt ngayong araw kaso hindi nya ko sinundo eh. Yung siga na yun talaga oh! Nagkasakit lang hindi na sinundo ang girlfriend nya...

Teka anong sabi ko? Girlfriend? Oh mey gesh! Oh mey goodness! Erase! Erase! Ang ibig kong sabihin na girlfriend, as in sa tagalog ay kaybigan na babae. At sa salitang korean ay hindi ko alam. Bakit ba? Eh hindi naman ako koreana noh! Wag kang epalugs dyan ah.

At syempre makikita ko si sir Gynn kahit may mahal na syang iba..

Oo na, aminado na ako broken hearted na ako. Ang hirap palang mabasted shete, otso, nuebe, dyis! Oo, gustong gusto ko talaga si sir Gynn. Eh sino ba namang hindi magkakagusto sa teacher na saksakang ng gwapo, mabango, matcho at mabaet na gaya nya. Kahit bored na bored na ako subject na math natututunan ko na ring mahalin dahil sya ang teacher ko eh.

Kaso ang sakit lang talaga sa heart heart you know? Yung feeling na nagmamahal ka lang ng tapat tapos ayaw naman nya sayo? Sabagay malay mo naman soon mahalin din nya ako. Malaman ko lang talaga kung sino ung babaeng gusto ni sir naku ikocongratulate ko sya. Insert sarcasm dito sa heart heart ko.

Basta fight lang ng fight sabi kasi nila kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo. Makabili nga mamaya ng baril pagkatapos ng klase ko hahaha. Hmm di bale na nga lang mag iimagine na lang ako na kasama ko si sir Gynn.

*beeeep! Busina ng kotse

"Ay talong ni sir Gynn!" Gulat na sabi ko.

"Bakit pati talong ni sir Gynn iniisip mo?" Taas kilay na sabi ni Matt. Habang nakadungaw ang kanyang ulo sa pinto ng sasakyan nya. Nakabukas kasi yung bintana ng sports car nya eh.

"Ah.. Sinabi ko ba yun? Baka nagkakamali ka lang ng dinig." Natatawang sabi ko.

"Sakay na. Nalate ako ng gising eh mabuti na lang nakita kita." Sabi nya sabay kamot sa ulo. May kuto na yata sya.

Sumakay naman ako sa kotse ni Matt dun ako umupo sa passenger seat. Pagsakay ko ay saka nya pinaandar ang kotse. Isang kanto na lang malapit na kami sa school. Oh diba parang tanga lang useless din ang pag sakay ko sa kotse nya.

"Ayy paano mo pala ako nadala sa ospital nung gabing inaapoy ako ng lagnat?" From out of the blue nyang tanong.

Naku sasabihin ko ba ang totoo o hindi? Nangako ako kay sir Gynn na hindi ko sasabihin kay Matt ang tungkol sa bagay na iyon. Pero kung magsisinungaling ako baka hindi sya maniwala. Haaaay bahala na malay mo makalusot kapag nagsinungaling ako.

"Ako syempre. Wala namang iba eh. Ambigat bigat mo pa nga. Mas mabigat ka pa ata sa balyena. Halos sumakit ang buong katawan ko, likod ko, braso ko sa kakabuhat ko sayo. Maihatid ka lang sa ospita---." Pagsisinungaling ko pero biglang itong pinutol dahil nag salita sya ng hindi ko inaasahan.

"Nagsisinungaling ka." Walang ganang sabi ni Matt.

Nagtaka naman ako paano nya nalaman na nagsinungaling ako. Ano sya mind reader?

"Halata sa kilos at expression mo na nagsisinungaling ka. Alam ko si sir Gynn ang nagdala sa akin sa ospital. Narinig ko yung boses nya." Walang ganang sabi nya pero bakas sa mata nya na nalulungkot sya.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon