EPILOGO

196 7 3
                                    

EPILOGO

 

AYY's P.O.V

 

     Dumating ang isa sa araw na pinakahihintay naming lahat- ang Graduation Day. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon at isa ako sa mga nakasuot ng puting toga ngayong araw na ito. Samantalang noon ay akala ko hindi na ako papasa at hihinto na lamang sa pag-aaral simula noong iwan niya ako.

     Sinong mag-aakala na kakayanin ko harapin ang pagsubok sa buhay ko ng wala siya. Naging matapang na ako at naging maingat sa bawat kilos ko. Kung dati ay lampa at patanga-tanga ako, hindi na ngayon.

     Kaya ko naman pala mag-focus sa mga ginagawa ko at lalong lalo na sa pag-aaral ko. Kung noon ko pa naintindihan ang lahat edi sana ako ang honor student ngayon. Pero ayos lang, ang importante natuto ako sa mga leksyon sa buhay. At doon ko narealize na wala palang taong pinanganak na tanga o bobo- nasa saiyo 'yon kung ayaw mong mag aral at mas pipiliin mong maging mang-mang. Naintidihan ko rin na wala palang taong pinanganak na malas. Tayo lang din pala ang gumagawa ng sarili nating mga swerte. Actually wala naman talagang swerte kasi lahat ng iyon ay isang blessing mula sa langit na sinamahan natin ng sipag at tiyaga.

     Umakyat ako sa stage ng taas ang noo habang inaabot ang diploma ko. Ang saya-saya ko dahil ito na ang simula para matupad ang aking mga pangarap.

     Matapos kong tanggapin ang diploma ko ay nagsimula kaming sumayaw at kumanta bilang bahagi ng Graduation Ceremony. Lahat at masaya habang umaawit at nagsasayaw. At sabay-sabay naming hinagis ang aming toga cap sa ere bilang hudyat ng pagtatapos.

     Kanya-kanya kaming posing para makapag-selfie. Ang sakit sa panga dahil walang patid ang aming pag ngiti ng malapad.

"Ayy! Tara selfie tayong apat." Pag-aaya ni Devon

"Sige ba!" Pagsang-ayon ko.

    Maya-maya pa ay bigla akong piniringan ni Chin ng itim na panyo sa mata.

"Bakla ano 'to? Bakit mo ko piniringan?" Nagtatakang tanong ko.

"Diba sabi namin may surprise kami sa'yo?" Sabi niya.

"Pero bakit kaylangan pa naka piring? Pwede namang hindi." Sagot ko.

"Ayy h'wag ka na nga magulo d'yan Ayy. Nerdine, Devon bilisan n'yo kunin n'yo na 'yong surprise natin." Sabi ni Chin.

     Kinakabahan ako ah. Baka naman macho dancer na nakasuot ng boxer shorts ang surprise nila? My goodness!

     Mga ilang saglit pa ay bigla kong naramdaman ang pag-luwag ng piring sa mata ko hanggang sa tuluyan itong natanggal at iminulat ko ang mata ko.

"Surprise!" Sabay-sabay na sigaw nila Chin, Devon at Nerdine.

     Bigla akong napatakbo at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Matt, masaya ako na nakita kita muli." Sabi ko.

"I can't breathe. Ang higpit ng yakap mo." Pagsusungit ni Matt. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Namiss ko 'yang pagsusungit mo." Sabi ko at saka ko siya binitawan.

"Mabuti naman." Sabi ni Matt bigla akong napatingin sa kasama niyang mistisa. Mukha siyang human barbie doll sa sobrang ganda ng mukha at katawan. "Oo nga pala girlfriend ko si Courtney." Dagdag niya.

"Hello nice to see you. Congratulations." Sabi ni Courtney at nakipagbeso-beso sa akin.

"Teka, teka. Mukhang may ibang hinahanap si Ayy ah." Pang-aalaska ni Nerdine.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon