KABANATA 6: first kiss

206 4 0
                                    

(pagpapatuloy......)

*Tsssssup!

Shemay!

Nanlaki ang mga mata namin pareho nitong si Matt a.k.a mr.siga dahil aksidenteng naglapat ang aming mga labi.

Eto na yung first kiss ko? Hanubeyen! Kay mr. Siga lang napunta pero infairness ha kinilig parin ako hahaha. Landi ko hahaha.

Bigla kaming napabalikwas ng upo.

"Ah uuwi na ko." - malamig na pagkakasabi ni Matt at tumalikod sa akin.

"Ahm ah ano ah sige sa-salamat. I-ingat ka." - nauutal na sabi ko. Di ko kasi alam paano mag rereact ang akward na nakakakilig ayeee landi ko haha.

"Geh"- tipid na sabi nya at tuluyang umalis.

Grabeh lang kinilig talaga ako ayeeee. Crush ko na ba sya?

Erase erase erase di pwede siga sya inaaway nya ako lagi hindi pwede kawawa lang ako dun.

*KINABUKASAN*

Kasalukuyan ako nakaharap sa salamin at nagsususklay ng aking buhok handa na akong pumasok sa school kahit medyo pilay ang aking paa pero ok lang sayang kasi yung baon hahaha.

Asa pa kayong mag sisispag ako mga readers hahaha.

Oh diba umagang umaga buhay na buhay ang diwa ko paano ba naman hindi ako natulog..

Mali,

Di pala ako nakatulog.

Si Matt kasi di ko makalimutan yung nagyari yun first kiss ko kahapon at sa kanya pa na siga.

Naiirita ako sa pagiging siga nya.

Naku nag iisip na naman ako ng kung ano-ano dito baka malate ako sa school.

Nagpaaalam ako kay mama at papa dahil kaylangan ko ng pumasok sa school.

Lumabas ako ng bahay tatlong hakbang mula sa amin ng may epal na bumusina ng kotse malamang si Matt to.

*Beeeeeeep!

"Sakay na." Tipid na sabi ni Matt habang naka silip sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Ah di na maglalakad na lang ako malapit lang naman." - sabi ko. Ang akward kasi eh. Nahihiya ako hindi ko alam kung paano kikilos o mag rereact dahil sa nagyari kahapon.

"Eh diba may pilay ka sa paa?" - kunot noong sabi nito.

"Oo pero kaya ko na to. Sige na. Salamat na lang." - pagtataboy ko.

Bumaba sya ng kanyang magarang sports car na pula. Napatingin sya sa benda ng aking paa na may pilay.

At ang sunod na ginawa nya ay binuhat nya ako.

Sweet? Anong sweet dito? Eh binuhat nya ako na parang sako ng bigas! Pasaway talaga tong siga na to.

"Uy baba mo ko ano bang nagyayari sayo bigla kang bumaet sa akin?!" - sigaw ko at marahan na nagpupumiglas dahil sa pilay ko sa paa. Masakit kaya infairness.

"Baka kasi atakihin ka na naman ng katangahan. Tsaka wala kang pakialam kung mabaet ako o hindi!" - sigaw nya. Kainis eh namilosopo na naman

Di na ako nag salita pa at isinalampak nya ako sa tabing upuan ng driver's seat.

At nagmaneho na sya papuntang school.

Mga tatlong kanto ay nakarating na kami.

Binuhat nya ulit ako palabas ng koste nya na parang sako ng bigas ULIT. Yung totoo tao ba ako o sako? Tsss.

"Ib---" - naputol na sabi ko.

Pinigilan nya kasi ako sa pag sasalita ko.

"Wag kang maingay!" - pasigaw na sabi nya.

Lakad..

lakad..

lakad...

akyat ng hagdan...

At sawakas, ayan nakarating kami sa classroom.

Sinalampak nya ulit ako sa tabing upuan. Magkatabi kami diba?

May bigla naman nagsalita mula sa harapan naming dalawa ni Matt.

"Wow so kelan ka pa naging prince epal charming nitong certified shunga na to?" - sabi ni Devon na naka taas kilay at cross arms pa habang nakatingin sa akin.

"Wala ka na ron" - tipid na sabi ni Matt

"Bleh! Selos ka lang kasi!" - sabi ko. Infairness bagay sila ni Matt isang siga at isang maldita hahaha.

"Nevermind" - sabi ni Devon sabay balik sabay walk out papunta sa desk nya dumating na kasi si mr. Ramos.

"Class announcement mag kakaroon tayo ng bagong teacher. Acctually trainee lang sya pero gusto ko ituring nyo sya na parang teacher parin. MALIWANAG?!" sigaw ng teacher namin sabay hataw ng kanyang kamay sa desk nya.

Nagulat naman ang lahat sa binalita at inakto nya. Nagsungit na naman si Miss Minchin palibhasa matandang dalaga nag memenopause na hahaha.

"Kaya mag bait kayo at mag sipag sa pag aaral. Ipakita nyong magagaling kayo. Anyway sisimulan ko na ang subject natin. What's the difference between noun and pronoun?"- tanong nya na hudyat na ng english subject namin.

Discuss.

Discuss

Discuss

After 1234567890 hours. Dismissal na.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko. Nag lagay ako ng polbo sa muka ko, sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos at nag spray ng cologne oh diba freshness!

"Ang tagal talaga kumilos ng mga babae ang daming arte. Uuwi na nga lang mag popolbo pa, mag susuklay pa, mag papabango pa. Tsss kala mo naman may date." - kunot noong sabi ni Matt.

"Ano tapos ka na ba?" - kunot noong sabi parin nito. Problema nya? Bakit ba nya ako hinihintay?

"Huh? Oo bakit?"- nagtatakang tanong ko.

Hindi na nya ako pinansin at binuhat ulit nya ako na parang sako ng bigas. Ok ako talaga mukang sako.

"Matt dont tell me di na naman tayo sabay?" - taas kilay na sabi ni Devon na bigla na lang sumulpot sa harap namin.

"Talinuhan mo nga Devon. Malamang dahil kasabay ko si Ayy. Antayin mo na lang yung driver pinasundo na kita." - iritang sabi ni Matt sabay lakad palayo sa kanya. Naiwan naman si Devon mag isa doon at mukang uusok na ang ilong sa sobrang inis.

"Ano ba ibaba mo nga ako." - reklamo ni ko

*Boooooogh! malakas na kalabog dahil ibinagsak nya ako sa sahig.

"Araaaay! Bakit mo ko binaba?!" - reklamo ko habang hinihimas yung pwet ko ang sakit eh.

"Eh diba sabi mo ibaba kita ayan na! Madali akong kausap." - sigaw nya habang nakasimangot sa akin.

"O-oo nga noh. Buhatin mo ko ulit masakit di ko kaya umuwi. Cge na please." - pagmamakaawa ko.

Kaya binuhat nya ako at isinakay nya ako sa kotse nya pauwi.

*********

di ko muna kayo bibitinin haha pero wait there's more ^-^

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon