KABANATA 30:

75 2 0
                                    

KABANATA 30

Kinabukasan habang naglalakad kami nila Devon at Chin papunta sa may canteen ay nadaanan namin ang bulletin board. Nakapaskil doon ang mga grades namin sa exam. Syempre sa aming tatlo ay ako lang ang bagsak. Pero okay lang inaasahan ko naman na hindi talaga ako papasa. Napatingin ako sa isang poster na nakaagaw ng atensyon ko.

"Hoy tingnan niyo ito. Seniors Early Graduation Ball. February 26, sunday. The party starts at 8pm. Wear your best formal attire. See you there." Pagbasa ko sa poster.

"Wow tara punta tayo dali!" Masayang pag-aaya ni Chin.

"Oo nga Ayy sumama na tayo. Mukhang mag eenjoy naman tayo eh." Pag-sangayon ni Nerdine.

"Naintindihan niyo? Paki-translate naman oh. Hindi ko kasi nagets." Sabi ko at saka kumamot ng ulo.

"Loka! Sabi may party daw sa linggo alas-8 ng gabi. Magsuot daw ng gown." Pag-papaliwanag ni Chin.

"Ano Ayy sumama na tayo ha?! Please. Sige ka hindi ka na namin bati pag hindi ka sumama." Pangongonsensya ni Nerdine.

"Oo na sige na. Sasama na ako. Pero Chin ipangako mo aayusan mo kami ni Nerdine." Sabi ko.

"Sure 'yon lang pala eh. Tara balik na tayo sa classroom." Pag-aaya ni Chin.

Bumalik kami ng aming classroom at kalat na ang balitang may magaganap na graduation ball. Naghahanap na rin 'yong mga classmates kong lalaki kung sinong pwedeng makadate. Habang ang mga girls naman nag-iisip na kung anong susuotin nila.

"May susuotin na ba kayo?" Tanong ko kila Chin.

"Wala pa nga eh. Mamaya magpunta tayo sa mall para tumingin ng susuotin." Pag-aaya ni Nerdine. Si Chin naman malalim ang iniisip mukhang nalilito yata kung anong susuotin niya.

Bumalik kami sa kanya-kanya naming upuan. Napansin kong nakatingin sa akin si Matt parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"May sasabihin ka ba sa akin Matt?" Nagtatakang tanong ko. May nilapag lang siyang papel na nakatupi at saka lumakad palabas ng classroom.

Binasa ko naman yung laman ng papel. Nakalagay ay "can you be my date?." Hindi ko alam kung papayag ba ako sa tanong niya. Ayaw ko naman kasi na mamisinterpret niya na naman ako at umasa na naman siya. Ayaw ko siyang saktan sa pangalawang pagkakataon.

Matapos iyon ay balik klase na naman kami dahil dumating si sir Gynn.

"Good day sir!" Bati naming lahat sa kanya.

"Good day class. You may take your sit." Sagot nito.

"Oh balita ko may early graduation ball kayo ah." Panimula ni sir.

"Yes sir. Sama kayo ha." Sabi ng mga classmates ko.

"Tingnan natin. Busy ako eh. Okay our topic for today is about polynomials." Pag-iiba niya ng topic at saka nagturo.

Discuss lang si sir ng disscuss. Pero hindi naman ako nakikinig. Sana sumama si sir Gynn sa graduation ball namin. Okay lang kahit wala akong kadate basta makita ko lang siya. Kahit hindi isayaw basta makita ko lang siya doon solve na ang party. Nang matapos ang klase namin ay agad kaming nagpunta sa mall para tumingin ng susuotin namin. Apat kaming magkakasama dahil andito rin ang boyfriend ni Nerdine. Mabait naman si Man Lee at mukhang inlove na inlove s'ya sa kaybigan ko. Sana ako rin magkalovelife na.

"Ayy tingnan mo oh! Ang ganda diba? Gusto ko 'to." Masayang sabi ni Nerdine habang tinuturo 'yong kulay puting saya.

"Loka! Graduation ball ang pupuntahan hindi SONA. Kahit kaylan talaga wala kang fashion sense. Apat na nga 'yang mata mo eh panget pa napipili mo." Pambabara ni Chin.

"Boyfee oh! Maganda naman diba?" Tanong ni Nerdine kay Man Lee. Kumamot na lang sa ulo ang binata. Halatang hindi rin niya gusto ang damit.

"Eto gusto ko nito." Masayang sagot ko habang hawak ko ang pink gown na tube.

"Aba ang ganda niyan bebs ah. Magkano?" Tanong ni Chin. Tiningnan ko ang tagprice ng gown.

"Putspang Ina! P 9,000?!" Gulat na sabi ko habang nalalaki pa ang mga mata ko dahil sa nakakalulang presyo.

"Ang mahal naman. Lipat tayo sa iba." Pag-aaya ko.

Nilibot namin ang mall pero wala kaming nakitang mura. Kaya ang ending uuwi na lang kami ng nakabusangot ang mukha.

"Teka, naalala ko lang. Meron nga pala akong mga gowns sa bahay papahiramin ko na lang kayo." Hirit ni Chin.

"Talaga s'ya tara sa bahay niyo." Sagot ni Nerdine.

Sumakay kami ng tricycle para makapunta sa bahay ni Chin. Pagkarating namin doon ay wala ang mama at papa niya. Nasa trabaho daw kaya dumerecho na lang kami agad sa kwarto niya. Si Man Lee naman pinauwi na ni Nerdine para daw kasi surprise kung anong susuotin niya. Oh diba nakakaloka ang gulo ng utak niya? Eh kanina pa lang sinama niya si Man Lee para magpatulong pumili ng damit.

Binuksan ni Chin ang kanyang closet tumambad sa amin ang tatlong magagandang gown. Isang kulay puti na tube. Simple lang ito pero napaka-elegante. Ang isa naman ay kulay gold na napaka bonnga. Ang isa naman ay kulay black na halter top. Masyado naman itong revealing at expose ang dibdib.

"Eto girls ayaw niyo ba nito? Ang ganda nito sexy and fierce." Pagmamalaki ni Chin sa black gown.

"Ay ayaw ko yan. Kita ang everything ko diyan." Sagot ni Nerdine.

"Wow teh! As if may boobs ka. Maka-everything 'to wagas! Ikaw Ayy?" Tanong ni Chin.

"Mas gusto ko itong kulay puti. Simple lang kasi. May kasabihan nga tayo simple is.." Pagbibida ko.

"Is ano?" Tanong ni Chin.

"Is..." Sagot ko habang nag-iisip maige.

"Ano nga?! Simple is ano?" Atat na sabi ni Nerdine.

"Teka nga nakakahalata na ko. Bakit nyo sa akin tinatanong. Iniisip niyo ba na bobo ako? Na hindi ko alam?" Pagdududa ko.

"Loka! Ikaw may sabi niyan. Sabi mo kasi kanina may kasabihan tayo na simple is.." Sabi ni Chin.

"Simple is ano Chin?" Nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko sa'yo! Rereglahin ako sa kabobohan mo. Isukat mo na nga lang iyan doon." Inis na sagot ni Chin. Kinuha ko naman 'yong gown at isinukat ko sa kanilang dressing room. Pagkatapos ay lumabas na ako.

"Wow bebs Bagay sa'yo. Nagmukha kang matalino sa gown na iyan." Natatawang sabi ni Chin.

"Bakit hindi naman ako bobo ah. Diba Nerdine?" Pagdedeny ko.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko alam. Ako naman magsusukat." Hirit ni Nerdine. Pumasok ito sa dressing room.

"Kita mo na mas matalino pa ako kay Nerdine. Hindi nga niya alam ang sagot kung matalino ba ako o hindi." Pagbibida ko kay Chin.

"Oo na hindi ka na bobo. Brainless ka lang." Sagot ni Chin.

"Anong sabi mo? Narinig ko iyon. Sabi mo payless ako. Alin doon yung noodless o yung tindahan ng sapatos sa SM?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot at tiningnan lang ako ng masama.

Mga ilang saglit pa ay labas na si Nerdine mula sa dressing room. Bagay sa kaniya ang gown at ang pagkakasukat nito.

"Ayan may isusuot na kayo." Masayang sabi ni Chin.

"Eh ikaw anong susuotin mo?" Nagtatakang tanong ni Nerdine.

"Baka gown. Malamang naka-suit and tie ako." Pambabara ni Chin.

"Suit and tie lang? Baka gusto mo rin mag pantalon at sapatos. Nakakahiya naman masisilipan ka." Hirit ko naman.

"Tara na nga Nerdine. Iwan na natin si Ayy. Ang brainless!" Sabi ni Chin at saka hinila si Nerdine.

"Alin yung noodless o yung tindahan ng sapatos?" Nagtatakang tanong ko.

"Tse! Brainless!" Sigaw ni Chin at saka binagsak ang pinto kasama si Nerdine. Naiwan naman ako sa kwarto at iniisip ko pa rin ang sinabi ni Chin.

Ano ba talaga? Yung noodles o yung tindahan ng sapatos? Hay! Ang hirap mag-isip ang sakit sa brain!

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon