KABANATA 17: Ang nakakahilong exam - first grading

167 4 0
                                    

(pagpapatuloy...)

*KINABUKASAN

Umaga na malamang at mas maganda ako sa umaga at mas hot pa ako sa mainit na pandesal hahaha.

Inat... inat... syempte kagigising ko lang eh.. Tumayo ako sa aking kama at humarap sa salamin..

"Mirror mirror on pader. Who's the smartest of them all?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa harapan ng salamin with matching pose pose pa na parang Albert Einstein ang peg.

*crrrrrrkkkk!

Ano kaya yung tunog na yun?

Hindi ko na lang pinansin at tuloy parin sa pagpose sa salamin.. Ginaya ko naman yung pose ng picture ni Isaac Newton dun sa book ko sa science..

Hanggang sa...

*crrrrrrraaaaaaack!

Halos mapulbos yung salamin sa sobrang pagkakabasag nito.. Okay fine ako na bobo nakakahiya naman sa salamin nito akala mo naman may brain. At least ako kahit paano may jutak. Hindi ko nga lang ginagamit wala kasi laman eh haha.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba para mag almusal..

*tok! tok! may kumakatok sa pinto syempre.

Ang aga aga may bisita?

Binuksan ko ang pinto.

Pag bukas ko si Matt.

Grabeh hindi naman sya excited turuan ako noh?

"Bakit ka nakatok sa pinto namin ang aga aga pa ah?" - nagtatakang tanong ko.

"Muka kasing tanga pag kumatok ako sa bintana diba? Papasukin mo nga ako." - pilosopong sabi nya at dederedechong pumasok sa bahay namin at hindi pa nakuntento sumalampak agad sa sala at umupo ma parang prinsipe. Tss.

Tiningnan ko lang sya sa kanyang masarap na pagkakaupo.

"Magsipilyo ka muna bago mo ko titigan. Hanggang dito naamoy ko yang hininga mong amoy panis na laway." - iritableng sabi nya.

Inamoy ko naman yung hininga ko kaya. Hinga ng malalim sabay buga.

Hindi naman ganun kabaho grabe talaga tong lalaking to..

"Hoy hindi naman mabaho ah!" - pagrereklamo ko sa kanya.

"Mabaho nga." - poker face na sabi nya.

"Hoy bobo lang ako pero hindi ako burara noh!Sandali lang mag aayos na ko para makapag simula na tayo." - sabi ko sabay lakad papuntang banyo.

Naligo na ako. Kinuskos ko lahat ng kasingit singitan ko. Tapos nag sipilyo ako nakakahiya naman kay Matt eh. Pagkatapos ay nagbihis na din ako. Wag nyo ng itanong kung anong kulay ng underwear ko dahil hindi ko sasabihin na kulay pink ito, may ribbons at may burda na heart. Ayan na sabi ko tuloy.. Daldal ko kasi eh..

Pagkatapos ng isang oras at kalahati ay natapos na ako sa paliligo. Lumabas ako at pinuntahan ko muna yung hari ng siga na si Matt sa sala.

Pagkarating ko sa sala wow prenteng prente at sarap na sarap ang loko sa pagkakaupo nya naka dekwatro pa.

"Matt kumaen na muna tayo." pag aaya ko.

"Sige." - pagsangayon nya.

Nagtungo kami ni Matt sa kusina para kumaen. Hindi ko sasabihin na hotdog, itlog at sinangag ang kinakaen namin ngayon dahil baka maglaway ka at agawan mo pa kami. Hulaan nyo na lang kung gusto nyo hahaha.

Pagkatapos namin kumaen ay nagligpit kami ng kinainan infairness kay Matt marunong din pala sya sa gawaing bahay kahit na mayaman sya.

"Teka saan mo natutunan yung gawaing bahay?" - nagtatakang tanong ko.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon