KABANATA 1: Epic Fail

276 5 0
                                    

<Gynn's POV>

*Splash!

"Anak ng!" - sabi ko habang basang basa ang aking blue na polo dahil sa natapong kape ng isang babae na nag pupumiglas sa kasama nitong lalaki.

Kapag minamalas ka nga naman.

Buti na lang iced cold coffee yung natapon sa akin. Dahil kung hindi, malamang mapapaso pa ako nito.

Gusto ko lang bumili at uminom ng kape bago pumunta sa school kung saan iinterviewhin ako para makapag start na ako ng training.

Eto ang nagyari halos mapuno ng mantsa ang polo ko ng kape.

"Ay sorry ayaw mo kasi tumabi jan." - sabi nung batang lalaki.

"Ay sorry naman ha!" - sigaw ko nainis ako eh.

At yung babaeng nakatapon ng kape sa akin imbis na mag sorry ayun nakuha pang tumawa.

Iba na talaga ang kabataan ngayon.

Ay oo nga pala hindi nyo pa ako kilala. Ako nga pala si Gynn Warren Art P. Orquia. Gynn na lang ang itawag nyo para maiksi ang haba kasi ng pangalan ko eh. Twenty Years Old na ako  at nag aaral ako sa University of *** sa kursong BS. Education major in Mathematics. Since graduating student ako kaylangan kong humanap ng school para mapagtrainingan. Sa english term ay intern.

At sana naman hindi tulad nila ng mga batang nakatapon sa akin ng iced cold coffee ang magiging estudyante ko.

Bumalik ako sa kotse ko para kunin ang extra kong polo at dun na nag bihis.

Pagkatapos ay pinatakbo ko ang kotse ko papunta sa school kung saan ang interview ko.

Mahirap na bumalik sa starbucks ayokong matapunan ulit ng kape.

*Mata Lino High School*

Andito na ako sa parking lot ng school kung saan ako iinterviewhin at soon pag tretrainningan ko.

Napansin ko na walang studyante marahil ay kanina pa nag uwian.

Nag lakad ako papunta sa office ng principal.

Pagkadating ko ay kinatok ko ang pinto

*tok tok tok!

"Tuloy!" - isang sigaw galing sa loob ng opisina ng principal

Agad naman akong pumasok.

"good morning sir." - masiglang bati ko sa principal. Siguro mga nasa 50+ na yung edad. Mejo may puting buhok na. Hindi sya masyadong matangkad nakasalamin at mukang masungit.

"Good morning take a sit." - sabi nung principal.

Napansin ko ang pangalan na naka sulat sa glass na nakapatong sa kanyang mesa Mr. Mata S. Lino, MBA, Ph.D. (Principal / Owner)

"Ahem! Nabigla ka ba?" Biglang sabi nung principal at kunwari pa umubo para makuha ang atensyon ko.

"Ahm no sir." - kinakabahang sabi ko. Muka kasi talaga syang masungit.

"Hahaha. Wag ka matakot iho. Muka lang akong masungit sabi nila pero mabaet ako." Sabi nito at tumawa pa ng malakas.

Bigla tuloy akong naging komportable at panatag dahil sa sinabi nya.

"Sorry sir." Masiglang sabi ko.

"So mag pakilala ka." - sabi nya na syang hudyat na simula ng aking interview.

"Ako po si Gynn Warren Arte Perez Orquia. 20 taon gulang. Graduating student po ako mula sa University of ****. Sa kursong B.S education major in mathematics." - pagpapakilala ko.

"Ah ok. Bakit gusto mo magtraining dito sa school ko?"  - tanong nya.

"Dito po kasi ako nag aral ng high school. Gusto ko po sana ibigay yun bilang pasasalamat." - sabi ko.

"Salamat iho. Alam ko ang tungkol dun dahil maganda ang record mo dito." - nakangiting sabi nya.

"Salamat po sir." - nakangiting sabi ko.

"Bumalik ka dito bukas para sa exam mo. Kahit trainning pa lang to required ka parin mag exam."- sabi nya.

"Yes sir. Salamat po" - sabi ko at tumayo na ko sa pagkakaupo.

Inabot ko ang kamay ko para makipag shake hands kay principal Lino.

Nakipag kamay naman sya sa akin.

"Alas - 6 ng umaga dapat andito ka na. Wag ka malelate ah." - sabi ni principal Lino

Tumango naman ako bilang sagot. At naglakad palabas ng principal's office.

------

*Kinabukasan

<Third Person's POV>

Ika-dalawang araw na ng pasukan malamang regular classes na.

Papasok ako ng school at naglalakad sa kalye walking distance lang kasi ang bahay namin eh.

Patawid na sana ako ng biglang

*Beeeeeeeeep!

Takte naman muntik akong mabangga ng sports car na itim. Di ako maaring mag kamali eto yung sasakyan kahapon na nagpaligo sakin ng putik. Tsss.

"Haaaay nako Ayy Tangarin umpisa pa lang ng araw inatake na naman ako ng pagkatanga." Nanlulumong sabi ko sa sarili ko.

So no choice ako, pinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang school.

Pagdating ko sa school ay nakita ko ang sports car na muntik bungunggo sa akin.

Sino kaya ang may ari nito? Si Matt? Sya lang ang alam kong mayaman dito eh apo kasi sya ng may ari ng school.

Grrrr! Lagot sakin to.

Agad kong nilapitan ang nakaparadang sasakyan na yun sa parking lot ng biglang.

*Blaaaaaaaaag!

*****

Cut ano kayang ingay yun?

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon