KABANATA 22: Period No Erase

145 3 0
                                    

(pagpapatuloy...)

Kumekembot ako papasok ng school namin.

Oh namiss nyo ba ang pagkembot ko?

Sige ikekembot ko pa to all the way!

Kembot... kembot.. kembot..

*booooogsh!

"Erey! Eng seket se pwet!"sabi ko habang hinihimas ko ang pwetan ko dahil napaupo ako sa kalsada at natapilok ako sa kakakembot.

"Whooo! Ang sakit!" Sabi ko ulit damang dama ko ang sakit na nanunuot sa pweratan ko may almuranas pa naman ako ngayon. Shemay ang sakit talaga!

Buti na lang may kotse na tumigil sa harap ko feeling ko tutulungan ako ng taong nakasakay doon. Grabeh iba na ang nagagawa ng maganda madaming gustong tumulong sayo..

At nagbukas ang pinto ng kotse at bumama ang isang babae na ubod ng impakta este si Devon pala pag minamalas ka nga naman.

Akala ko anghel na yun pala kamalasan na naman. Hastag #saklap @dolly_eyes23 on twitter.com (Paraparaan para magplug? Haha).

"Hoy shungarin! Ano inatake ka na naman ba ng kalampahan at katangahan?" Malditang sabi nya.

"Ah ganun? Sige isusumbong kita kay Chin sasabihin ko inaaway mo ako tingnan na lang natin kung magugustuhan ka pa nya Devon." Pambablack mail ko.

"Aba Tangarin tumatalino ka ha! Hindi mo kaylangan magsumbog! Bw*sit!" Galit na sabi nito at sumakay sa kanyang kotse at pinaandar ito.

Grabeh akala ko biyaya na eh yun pala sakit ng ulo. Hindi man lang ako tinulungan. Sabagay may mabaet bang Devonyo? Hahaha.

*Beeeeep!

Isang kotse yan na napakatulin ang takbo at bumusina dali dali naman akong tumayo sa kalsada at tumabi sa gilid para hindi ako masagasaan. Mahirap na noh baka mabawasan ang magaganda sa Earth.

"Oh! Oh!" Sabi ko sabay kagat sa kuko.

*splaaaaaaat!

At nagmukha akong chocolate dahil sa putik na ngtalsikan sa akin dahil sa bilis ng takbo ng kotse! Grrrrr! Kota na naman ako ha!

Bigla naman prumeno yung kotse at bumaba ang may ari nito.

"Ayy! Sorry ikaw naman kasi eh dun ka pa tumabi malapit sa may putik ayan tuloy." Sabi ni sir Gynn.

"Wow sir SORREEY ha! Sana hindi mo pinatakbo ng pagkabilis bilis yan kotse mo ano po?" Sarkastikong sabi ko.

"Sorry talaga Ayy. Excuse ka na lang muna sa klase dahil jan." Sabi ni sir Gynn at hinawakan nya ang kamay ko. Kilig much to death ako grabeh na ito!

"Naku papasok na lang po ako may extra uniform naman po ako sa bag ko eh." Nakangiting sabi ko.

"Ah cge sabay ka na nga lang sa akin papuntang school baka mamaya mapano ka na naman sa daan." Nag aalalang sabi ni sir Gynn at sumakay na kami ng kotse nya.

Habang nag mamanaho si sir Gynn ay nilamon kami ng katahimikan nag bigla syang nag tanong sa akin..

"Kamusta si Matt?" Tanong nito habang tutok na tutok ang mata sa daan.

"Nagpapagaling po sir. Salamat po sa tulong nyo. Kung hindi po namin kayo naoasalubong sa daan ay malamang po wala ng ibang tutulong sa akin para maihatid ko si Matt sa ospital. Ang bigat pa naman nya." Mahabang sabi ko.

"Walang anuman. Basta para sayo." Sabi nito

At sabay kaming napalingon sa gawi ng isat isa at nagkatinginan. Ang akward kaya binawi din namin kaagad ang pagtitinginan na iyon.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon