KABANATA 32: Consequence

89 2 0
                                    

KABANATA 32

AYY's P.O.V

Matapos ang almost a fairytale story sa aming early graduation ball back to normal na naman ako.

Maaga akong gumising at ganadong ganadong pumasok ng school dahil inspired ako.

Well, sino bang hindi maiinspired kapag may love life ka. Ang saya! Ganito pala ang feeling ng may boyfriend na totoo at hindi kontrata lang. Para kong nasa alapaap na may mas mahaba pang buhok kaysa kay Rapunzel. At feel ko rin na super ganda ko dahil alam kong mahal din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Yiih! Cheesy much!

Habang abala ako sa pagrereminise ng nagyari kagabi dito sa akin arm chair ay bigla naman akong ginulat nila Chin at Nerdine.

"Hoy bakit ka nawala kagabi sa party?!" Nakapamewang na sabi ni Chin.

"Oo nga hinahanap ka kaya namin. Pati nga si sir Gynn hinanap ka. Sabi namin kasama mo si Matt. Pero kayong tatlo- hindi na kayo nagpakita sa amin ulit." Hirit naman ni Nerdine.

"Naku! Mahabang kwento. Pero basta h'wag n'yo na lang alamin kasi hindi ko pwedeng sabihin." Sagot ko sabay takip ng bibig gamit ang aking kamay.

"Hoy napakadaya mo! May pasecret secret ka pang nalalaman ngayon." Sagot ni Chin.

"Oo nga ang daya! Sabihin mo na kasi 'yon. Hindi naman namin ipagkakalat eh." Hirit ni Nerdine.

Umiling iling lang ako bilang sagot.

"Ah gan'on hindi mo sa sabihin samin? Tingnan na lang natin." Sabi ni Chin at sinimulan nila ni Nerdine na kilitiin ako sa magkabila kong bewang.

"Hahaha tama na! Hahaha ayaw ko na!" Nakikiliting sabi ko.

"Hindi kami titigil hangga't hindi ka umaamin." Sabi ni Nerdine.

"Hahaha oo na sasabihin ko na. Hahaha tama na!" Saka lang nila ako binitawan.

"Game tell us." Sabi ni Chin.

"H'wag nyong sasabihin kahit kanino. Umamin na sa akin kagabi si sir Gynn. Boyfriend ko na s'ya." Kilig na kilig na bulong ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila sa pagkabigla.

"Seryoso ka ba d'yan Ayy? Hindi mo ba kami niloloko?" Tanong ni Nerdine.

"Oo. Pero sekreto lang natin 'to ha. Pag nakarating 'to sa principal natin naku baka paalisin siya dito sa school. One week lang naman natin 'to isesekreto pagkatapos n'on pwede n'yo ng ipaalam kahit kanino." Bulong na turan ko.

"Ganoon? Bakit malapit na bang matapos ni sir Gynn ang training hours n'ya?" Tanong ni Chin.

"Oo at one week na lang babalik na siya sa university nila. Kaya quiet lang kayo ha? Sa inyo ko lang 'to sinabi. Pag may nakaalam nito kayo lang dalawa ang posibleng nagsabi. Maliwanag ba?" Tanong ko sa kanila.

"Oo secret is secret." Sagot ng dalawa.

Bigla naman naagaw ang atensyon ko ng bagong dating na si Devon. Bakit hindi sila mag kasbay ni Matt pumasok?

"Nasaan si Matt? Bakit hindi kayo sabay pumasok?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagtanog ka pa! 'Diba sinaktan mo siya? Kaya nga niya nagawang pumunta sa Amerika eh." Pabalang na sagot niya.

Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Oh gulat ka?! Don't tell me hindi mo alam!" Hirit ulit ni Devon.

"Sorry Devon hindi ko naman sinasadya na saktan siya." Pagpapaumanhin ko. Hindi ko maiwasan ang hindi ma-guilty sa pag alis ni Matt dahil sa akin.

"Too late for that Shungarin! Umalis na siya. At hindi namin alam kung kaylan siya babalik samin!" Sigaw niya sa akin.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon