KABANATA 19: A Bittersweet Kiss

165 3 0
                                    

KABANATA 20: A Bittersweet Kiss

(Pagpapatuloy...)

Umuwi ako galing sa school na may magandang balita dahil nakapasa ako sa nakakahilog exam namin. Masaya nga sila mama at papa sa resulta dahil sa unang pagkakataon nakapasa daw ako at hindi pasang awa. Grabeh ang supportive nila diba? Damang dama ko eh! Tss!

Pero ang badnews ang dami kong assignments dahil sa boring na lecture kanina ng mga teacher namin maliban na lang kay sir Gynn syempre crush ko yun eh. Pero yun nga lang dahil sa pag shampoo ko ng dishwashing liquid humahaba ang hair ko dahil pinag aagawan nilang dalawa ni Matt ang aking kagandahang taglay. Di bale ng bobo maganda naman ako sabi ng nanay ko.

At nabanggit ko na rin lang si Matt hinatid nya ako sa bahay at nagmamadaling umalis kaagad dahil may bibilhin daw kasi sya.

"Ayy halika nga dito sa banyo bilis!" - sigaw ng nagbubunganga kong ina pero mahal ko yan haha.

Pinuntahan ko si mama na nakatayo sa tabi ng pintuan ng cr.

"Ma bakit po?" Nagtatakang tanong ko.

"Bakit may joy dito sa cr? Dito ka na ba naghuhugas ng plato nung nawala kami ng isang araw?"  Singhal ni mama sa akin.

"Ah yan ba ma. Shampoo ko yan try nyo ma mas hahaba pa hair nyo kesa sa rejoice." Pagpapaliwanag ko.

"Eh hindi nga?!" Nagtatakang tanong nya.

"Oo mama tingnan mo ko ang haba ng hair ko hinahabol ako ng dalawang yummy. Saka di lang yun mama tipid ka pa dahil sa joy sampung piso abot dalawang linggo." Pagpapaliwanag ko ulit.

"Aba anak bilib na ako sa utak mo tumatalino ka na makakatipid tayo sa joy. May dishwashing liquid ka na may shampoo ka pa." Abot tengang ngiti na ni mama.

"Ma hindi lang yon pwede pa yang sabon sa katawan at panghugas ng flower. Oh diba tinalo pa nyan ang safe guard at ph care mama."

"Aba oo nga ang daming gamit ng joy. Sige eto na ang gagamitin natin simula ngayon. Sige lumayas ka na sa harap ko dahil excited na ako gamitin tong joy." Masayang sabi ni mama. At pinalabas nya ako sa cr upang itry yung bago kong discovery oh sosyal ko diba pwede na akong maging scientist. Talo ko pa si Albert Einstein.

Grabeh feel na feel ko ang pagkagenius ko ngayon dahil sa joy dishwashing liquid slash shampoo slash bath soap slash feminin wash na yan. Ang daming pwedeng pag gamitan eh.

Naglakad ako papuntang sala para manood ng tv syempre alangan namang tambay ganda ako dun sa tapat ng cr habang naliligo si mama diba? Sayang beauty ko dun.

Pagkarating ko sa sala nakita ko si papa at si Isang na nanonood ng tv. Balita ang pinanonood nila. As usual ang boring dahil wala naman akong naiintindihan dyan. Tulad ng meralco tumaas na daw buti pa sya tumaas na samantalang height at grades ko mababa pa rin.

*tok tok tok! Katok yan ng pinto noh hindi yan katok sa utak ko grabeh kayo sakin alam nyo namang wala akong brain.

"Isang buksan mo." Pag uutos ko tinatamad kasi ako eh.

"Eh ikaw malapit dyan sa pinto. Ikaw na!" Naiiritang sabi nya.

"Anong gusto mo ihahampas ko sayo yung pinto o ikaw ang ihahampas ko sa pinto?" Naiinis na sabi ko. Nakakainis naman talaga eh ang shunga nya alam naman na tinatamad ako ipapagawa pa sakin.

Kumamot lang si Isang ng ulo at nakasimangot habang binubuksan ang pinto. Kawawang bata pinaglihi na nga ni mama sa sama ng loob may kuto pa hastag saklap.

Pagbukas nya ng pinto ay kitang kita ko si Matt na napakagwapo at fresh na fresh ang lakas maka wet look. May dala syang isang boquet ng roses na red, malaking teady bear, chocolates na nakalagay sa heart na lalagyan tapos may makukulay na tatlong stick ng lobo, nakakatuwang tingnan.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon