KABANATA 31-B: Early Graduation Ball

74 3 0
                                    

KABANATA 31-B

AYY's POV

"Sir Gynn?" Gulat na gulat na banggit ko sa pangalan niya. Siya pala ang humawak sa braso ko at pumigil sa paghabol kay Matt.

"H'wag mo na siyang habulin." Sabi niya sa akin.

Napalingon muli ako sa sa aking harapan at nakita ko si Matt tumigil siya sa pagbaba ng hagdan.

Ano bang gagawin ko? Ano ba ang tama? Ang pigilan si Matt na siyang kaybigan ko na alam kong mahal ako o ang piliin si Sir Gynn na siyang mahal ko.

Naawa ako kay Matt at nararamdaman kong namumuo na ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa kanya.

Pero mahal ko si Sir Gynn. At masaya akong makita siya dito sa venue ng gaduation ball.

"Matt bumalik na tayo doon sa loob." Sabi ko sa kaniya. Hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Sir Gynn, ikaw ng bahala kay Ayy. Pag sinaktan mo siya kukunin ko siya sayo." Sabi ni Matt. Hindi man lang siya humarap sa aming dalawa ni Sir Gynn.

Nagsimulang tumulo ang luha ko dahil sa nasakatan ko na naman ang damdamin niya. Isang mabuting kaybigan na minahal ako ngunit hindi ko masulian man lang.

"Lagi kang mag-iingat Ayy. Lagi mong tatandaan na mahal kita." Dagdag ni Matt at tuluyang umalis.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. At hindi ko na namalayan na niyakap ako ni sir Gynn mula sa aking lukuran.

"Bakit kaylangan pang masaktan ng ganito ni Matt? Ganoon ba ako kasamang kaybigan?" Tanong ko sa sarili ko.

"Hindi ka masamang kaybigan Ayy. Kasama sa pag-ibig ang masaktan." Turan ni Sir Gynn at saka bumitaw ng pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko gamit ang kanyang thumb finger.

"Kaya pala nasaktan din ako noong nalaman kong may mahal kang iba Sir Gynn." Napayuko na lang ako sa sinabi ko.

"Hindi ka na masasaktan mula ngayon." Halos manlaki ang mata ko sa sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin sir Gynn?" Tanong ko.

"Ito na siguro ang tamang panahon para malaman mo... Ayy mahal kita. Hindi ko alam kung paano nagyari at kung kaylan- basta ang alam ko mahal na kita. At masaya akong nagpaubaya siya sa akin." Pag amin ni Sir Gynn.

"Seryoso ka ba talaga Sir Gynn? Totoo na ba talaga 'to o pinaglalaruan mo na naman ako?" Tanong ko.

"Seryoso ako sa'yo Ayy. Mahal kita... Mahal na mahal. Mahal mo rin naman ako diba?"

Pakiramdam ko para akong nakasakay sa roller coaster na may halong lungkot, kaba at saya. Lungkot sa pag alis ni Matt. Kaba na hindi ko maipaliwanag kung bakit. At saya na nalaman kong mahal din ako ni Sir Gynn.

"Oo sir Gynn mahal din kita...Matagal na." Turan ko. Parang may lumilipad na paru-paru sa tiyan ko. Ang init sa pakiramdam ng mukha at tainga ko. Alam kong namumula na ako ng parang kamatis ngayon. Kaya naman napayuko ako.

Pero bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko at inangat niya ang mukha ko. Bigla na ko na lang naramdaman ang malambot at mapupula niyang labi na nakadikit sa labi ko. Hindi ako makahinga sa halik niya. Parang uhaw na uhaw siya ng maramdaman ang halik ko. Kaya gumanti din ako ng halik sa kanya.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa sarap at tamis ng halik niya. At lalo akong namula sa halik na 'yon. Hanggang sa dahan dahang niyang pinakawalan ang labi ko.

"Ibig bang sabihin nito tayo na?" Tanong ni Sir Gynn na namumula na rin ang mukha.

"Oo." Masayang sabi ko. At niyakap niya ako ng mahigpit naramdaman kong hinalikan niya ang bumbunan ko.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon