KABANATA 12: Delata

185 3 0
                                    

Dedicated po ito kay @mynameislynlee ang aking baby humble na gumawa ng book cover na ito ang ganda po diba? Sana magkatotoo haha.

Salamat lynlee ^-^

--------

KABANATA 13

<Matt POV>

Sabado ngayon at wala kaming pasok.

Kasalukuyan akong nasa sala at nag lalaro ng pesteng flappy bird nakakainis hindi man lang ako makascore kahit isa..

Kanina pa kami nakapag almusal malapit na kayang magtanghali.. Tsaka bakit ko naman ikwekwento pa pati pag nguya ko ng kanin at ulam baka maboring lang kayo haha.

"Hahahaha!" - isang evil laugh mula sa pinsan kong si Devon habang hawak hawak nya yung cellphone nya. May katext ata sya. Problema naman nito?

"Psst! Problema mo?!" - tanong ko.. at inilapag ko yung galaxy s3 ko sa glass table ng sala namin.

"Ah wala may kausap lang kasi ako at nakakatawa ang text nya. Hahaha." - sabi nya at hindi parin maawat sa pag tawa.

Ngayon ko lang to nakita ng ganito. Dati naman hindi yan nakikipagtext tsaka yan si Devon tumawa?! Naku po eh pinaglihi yan sa katarayan ng nanay nya eh.

"Kilala kita. Ganyan ka lang kapag may pinag lalaruan ka. Umamin ka nga?!" - sabi ko at tumayo ako sa harap nya at tiningnan ko sya ng parang kinikilatis ko.

"Wala! At teka pakialam mo?! Mag laro ka na lang ng flappy bird." - sabi nya at tinaasan pa ako ng kilay. Hay naku pinsan ko nga to pareho kaming siga.

*tenleleng tengteng. Cellphone ko yan nag riring. Paki alam nyo naman sa ringtone ko.

Agad kong pinindot ang accept button kahit na unregistered number ang nakalagay sa screen at itinapat ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello sino to?" - nag tatakang tanong ko.

"Si Ms.Ramos to Matt. Nakalimutan kong sabihin sa inyong mga class officers na gumawa ng decorations para sa classroom natin ." - sabi ng teacher namin.

Decorations...?! Anong okasyon?

"May okasyon po ba ma'am?" - natatakang tanong ko ulit.

"Wala naman. Gusto ko lang presentable ang classroom natin. Sige ayun lang at kayo ng bahala." - sabi nya at biglang naputol ang tawag..

Tsss! Hindi man lang nag paalam..

Teka ano namang alam ko sa pag dedecorate? Eh kahit nga ata mag drawing hindi ako marunong.

Agad akong bumaling ng tingin kay Devon na patuloy parin sa pag tetext para tanungin sya.. I bet mas expert sa ganyan ang mga babae.

"Hoy Devz, tumawag si ma'am Ramos gumawa daw tayo ng decoration para sa classroom natin." Walang emosyon na sabi ko.. Alangan mag drama ako dito diba?

"Ah yun lang ba. Ok. Pero teka tayo lang dalawa? So pano yung secretary?" - nag mamalditang tanong nya habang nag tetext parin. Talent nya talaga ang mag maldita. Di nauubusan.

"Sa ayaw at sa gusto nya kasama sya nating gagawa. Bukas na bukas ay dadalhin ko sya dito. Gusto ko by monday tapos na lahat. Ayokong patagalin pa yan." - bossy na pagkakasabi ko. Xempre ako ata ang presidente ng klase nila.

"Whe?! If i know Matt may gusto ka kay Ayy at nagpapakitang gilas ka lang." - nang aasar na sabi nya at sa wakas binitawan nya yung cellphone nya at nilapag sa glass table.

Teka anong sabi nya ako nag papakitang gilas kay Ayy?!

"Pwede ba?!" - pag dedeny na sabi ko.

"Oo pwede naman kaya lang shunga sya." - sabi nya sabay grin.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon