(pagpapatuloy...)
Lumipas na naman ang limang araw ng klase. Nalalapit na rin ang first periodical test namin.
Pero ako eto nagtetext hahaha. Wag ka ng umasa na magrereview pa ako. Hello Ayy Tangarin is the name na naniniwala sa kasabihan na "Nasa seatmate ang gawa, nasa Diyos ang awa." Oh diba mabuhay ang cheating arrangement hahaha.
*beeeep!
Wag kang badvibes hindi yan busina ng jeep. Message tone yan ng nokia 3310 AYY PHONE ko!
message from my crush:
"Good luck sa exam galingan mo sa subject ko. "
Oh sabi ko sa inyo sulit mag text kesa sa mag review. Uy readers huh secret lang natin na textmate ko si sir Gynn. Wag ko rin daw sasabihin kahit kanino.
Haaaay grabeh kinilig talaga ako ng bongga sa text nya.
Teka as in wait hahaha dami kong alam diba? Maligo lang hindi charing hahaha. Itext ko kaya si sir Gynn na crush ko sya?
Wala namang masama dun diba?
Ay kaya lang nakakahiya.
Pero paano nya malalaman kung hindi ko sasabihin?
Haaaay bahala na. Itetext ko na..
reply to my crush:
"Opo gagalingan ko po.. Sir Gynn wag kang magagalit huh. Promise? Sir crush kita."
Message Sent!
Ayan na nag send na sana mag reply na.
"Crush kita sir Gynn!" - out of this world na sigaw ko hindi ko alam bakit ako napasigaw bigla hahaha.
"Ghaaad ate! May crush ka sa teacher mo?! Hahaha ang sakit mo sa tiyan hindi ka nun magugustuhan noh!" - sabi ni Isang na bigla rin sumulpot sa aking kikay na kwarto.
"Wala kang pakialam. At bakit naman hindi eh? Maganda rin naman ako!" - proud na sabi ko.
"Bukod sayo ate sino pang nakakaalam na maganda ka? Wag kang assumera! Mas maganda ako sayo!" - sagot ni Isang habang nag popose pa! Tsss feeling model ang peg.
"Impak-----" naputol na sabi ko dahil sa (*beeeeeeep!) tunog ng AYY PHONE ko.
Agad kong binuksan ang message na galing kay sir Gynn. Grabe Im so kilig to the bones na hahaha.
message from my crush:
"Okay lang yan. Crush din naman kita Ayy. <3"
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" isang malakas na tili lamang ang nagawa ko sa sobrang kilig ko.
Shemay crush ako ng crush ko!
"Ate ano ba ang sakit sa tenga!" - sigaw ni Isang habang nakatakip ng mga kamay nya ang kanyang tenga.
Hindi ko sya pinansin bahala sya sa buhay nya. Basta ako crush ko si sir Gynn at crush din nya ako!
*blaaaag! biglang malakas na pagbukas ng pinto at iniluwa nito si mama.
"Sunog! Asan ang sunog? Patayin ang sunog!!!" - nagpapanic na sabi ni mama habang suot suot ang aluminum na strainer sa ulo nya at may dala dalang isang tabong tubig.
"Ma! Kalma po. Wala pong sunog!" - sabi ko kay mama habang hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya.
Agad naman kumalma si mama.
"Ma ang O.A mo! Kung may sunog nga kaya ba yan patayin ng isang tabong tubig?!" - pilosopong sabi ni Isang.
(tok!) "Araaaaay!" - reklamo ni Isang. binatukan kasi sya ni mama ng tabong hawak nya na may lamang tubig. Nagtalsikan naman ng kaunti yung tubig.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)
Jugendliteraturcompilation po ito ng story na ginawa ko.. isang epic failed na studyante nag ka crush sa teacher nya.. may pag asa ba?