KABANATA 21: Ayy Ang Drama!

185 6 0
                                    

KABANATA 22: Ayy Ang Drama!

(pagpapatuloy...)        

Kinaumagahan ay nag paalam ako kila mama na aalis muna ako dahil magkikita kami ni Matt. Pinayagan naman nya ako basta maaga daw akong umuwi dahil linggo ngayon at may pasok na ulit kinabukasan.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa play ground kung saan ako nakitang umiiyak ni Matt nang dahil kay sir Gynn. Suot ko ang isang puting tshirt at skinny jeans na itim. Bitbit ko ang aking maliit body bag na kulay pink dahil doon ko inilagay ang aking high tech na AYY PHONE nokia 3310 at ang aking pitaka na naglalaman ng limpak limpak na 50 pesos. Grabeh hanggang sa may naapakan akong napakadulas na balat ng saging

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Pag sigaw ko ng malakas dahil...

*booooooooooog!

Sa sobrang pagkakadulas ko ay derecho akong nag swimming sa isang tambakan ng mabaho at nabubulok na basura. Kapag minamalas nga naman. Sinapian na naman ako ni katangahan.

Umahon ako sa napakabaho at napakaduming tambakan ng basura. Ang puti kong damit na kanina ay mas maputi pa sa labanos at mas mabango pa sa pabango ni Aling Dyonisia na ngayon ay punong puno ng mantsa at dumi mula sa basurahan. Amoy kalabaw na rin ako sa baho. At may bonus pang bao ng niyog na naging instant sumbrero ko. Hindi lang yun daig ko pa ang nag pa highlights ng buhok dahil sa mga buo buong bubble gum na dumikit sa aking buhok.

Kinuha ko ang salamin sa aking bag na nakasukbit sa aking balikat at tinapat ito sa mukha ko. Kitang kita ko ang repleksyon ko sa salamin para akong taong grasa sa dami ng dumi sa buong mukha ko.

Nakakahiya paano ko naman mapupuntahan si Matt ng ganito ang itsura ko?

*Ting! Ay hab an aydeya!

May isang dalaga na ubod ng ganda, maputi at makinis. Nakasuot ng floral dress at naka suot ng sapatos na napakataas ng takong. Lumakad ito sa gawi ko at sinubukan kong humingi ng tulong.

"Ate tulong. Tulungan mo ako?" Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Ewww kadiri nag sasalita yung basura!" Maarteng sabi nya.

Sa inis ko sa sinabi nya ay ipinahid ko ang aking kamay sa kanyang makinis na braso at tumakbo ito dahil sa diri sa ginawa ko.

Tama bang sabihan ako ng basura? Grabeh akala mo naman ubod ng ganda ng mamaganda lang naman.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ay may dumaan na tatlong binata na naglalakiha ang mga katawan, napaka brusko at parang bato ang katawan dahil sa tigas ng mga muscles at tadtad pa ng piercing at tatoo ang katawan sinubukan kong lumapit para humingi ng tulong. Mukang hindi sila mandidiri sa akin dahil napaka manly nila.

"Mga kuya tulungan nyo po ako." Nagmamaka awang sabi ko.

"Pare yu---yung basura. Na--nag sasalita." Utal utal at naginginig sa takot na sabi nung isa aa kanila.

"Pare monster yan! Monster!"Naginginig na sigaw nung isa pa nilang kasama.

"Takbo!" Sabay sabay na sigaw nilang tatlo na tila takot na takot sa akin. Grabeh ang laki laki ng mga katawan mga duwag naman.

Nawalan ako ng pag asa na may makakatulong pa sa akin pero biglang lumiwanag ang kalangitan sa pagdating ng isang anghel.

"Chiiiiiin!" Nabuhayang sigaw ko.

"Ay nag sasalita yung unggoy? Teka unggoy ba o basura? Confused eh ang dumi mo at ang panget mo." Panlalait nito.

"Gaga ako to si Ayy bebs!" Pagpapakilala ko.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon