KABANATA 7: meet my math teacher

209 5 0
                                    

*picture of sir Gynn on the side

(pagpapatuloy.....)

Naglakad ako papasok ng school.

Inagahan ko na baka sunduin pa ako ni Matt. Di naman sa assuming ako noh.

Hindi lang ako sanay sa ganun kasi nga NBSB ako.

Pag karating ko sa school nag lalakad na ako paakyat ng hagdan ng biglang..

*blaaaaaaag!

Nahulog yung mga props ko este yung mga libro ko pala dahil sa binunggo ako ng lalaki.

Pinulot namin ng sabay ang libro at nahawakan ko ang kanyang maputi, malambot at magandang kamay.

"So-sory." Malanding sabi ko.

Tiningnan ko yung lalaki para naman malaman ko kung sino.

Pak! Makalaglag na pang eto na naman yung gwapo, macho at yummy na nakita ko nung isang araw sa c.r at sya din yung may ari ng sports car na itim na walang ginawa kundi sirain ang araw ko sa kamalasang hatid nito.

"Ikaw?/Ikaw?" - sabay na sabi namin. Na halatang nagulat.

Tiningnan ko lang sya ng masama at tuluyan pumasok sa classroom.

Buti naman di pa ako kota ng katangahan.

Binati ko si Nerdine maaga lagi syang pumapasok kaya hindi ako nakakasabay sa kanya.

Pagkatapos nun ay umupo na ako sa desk ko.

Mga ilang minuto ay dumating na si Matt at Devon sabay sila. Tiningnan lang nila ako ng masama.

Problema ng mga to? Samantalang kahapon todo concern to si mr. sungit sa pag hatid sa akin.

Makapag muni-muni na nga lang.

Asdfghjkl,qwertyuiop

Nasakalagitnaan at kasarapan nq kasi ako ng pagmumuni-muni nang biglang dumating si Ms.Ramos/Ms.Minchin ang peg.

"Andito na yung bago nyong teacher sa Math maging mabaet kayong lahat sa kanya." - sabi nung teacher namin na mukang bumaet ata. Ahh mali pala para syang kinikilig at nagblublush.

Ayyysssh! Naman to si teacher lakas maka PBBteens di naman bagay sa edad ang chaka!

Tapos may biglang pumasok na.

Oh my god nasa langit na ba ako?

Oh my ghad! oh my ghad! Mahihimatay ako! Mahihimatay ako!

Yiiiiii! Ang gwapo kasi nya. Ang hot nya gusto ko ng maghubad hahaha landi ko.

"Sya si Mr. Gynn Warren Art P. Orquia. Ang bago nyong math teacher. Wag nyo syang bibigyan ng sakit ng ulo dahil trainning pa lang nya to"-sabi nung teacher naming si Ms. Ramos na nagpapacute pa at hawi ng hawi ng buhok nya papunta sa tenga nya. Tsss chararat tong si Ma'am kaumay.

"Good morning class tawagin nyo na lang akong Sir.Orquia. 21 years old na ako. Nandito ako para magtrainning magturo. Isa akong 4th year college taking B.S Education major in mathematic sa University of *******." - pagpapakilala ni sir gwapo

Teka famillar muka nito ah.

Harujusko! Sya yung lalaking may ari ng sports car na itim, yung nakita ko sa cr. Yung bumangga sakin kanina. Lagot ako nito.

Isa isa kaming tiningnan ng bago naming math teacher. Grabeh hindi ako makatingin ng derecho sa kanya.

Inaway ayaw ko pa sya sa parking lot noon, sinabihan ko ng bastos sa c.r at ngayon heto sya sa harapan ng buong klase at teacher ko pala sya. Hindi ko to carry grabe!

Sinubukan ko syang tingnan, shemay ang gwapo nya talaga nya.

Bigla syang tumingin sa kinaroroonan ko at ngumiti. Grabeh para akong ice cream na unti unting natutunaw sa kanyang killer smile. Gumanti din naman ako ng ngiti sa kanya. Aarte pa ba ako eh gwapo ni sir. hahaha Landi radar overload hahaha.

Siguro naman sa pag ngiti nya sakin ng ganun eh mabaet sya at hindi na nya naalala ang mga nauna naming pagkikita.

"Gusto ko kayo makilala. Introduce your self in front of the class. So lets start with you." - pagsisimulang sabi ni sir sa klase at itinuro nya ang bestfriend kong si Nerdine.

At isa isa na kaming nagpakilala. Hanggang sa tumayo na ako papunta sa unahan upang magpakilala sa bago namimg guro sa matematika.

Nang biglang....

*Prttttttt!

*********

CUT!

Ano na naman kayang tunog yon?! Hulaan mo hahaha.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon