KABANATA 3: Maling Akala

222 7 4
                                    

(pagpapatuloy......)

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhh!"

Yan ang isang makabasag ear drum at matinis kong tili pagdating ko sa pinto ng classroom

May bigla kasing nalaglag na butiki sa itaas ng pinto tapos ayun nagpagapang gapang na sa likod ko paloob sa uniform ko.

"Tuloooong! Tuloooong! Ahhhhhhh kadiriiiiii!" - sigaw ko na parang hindi mapakaling kitikiti sa takot sa butiking pagapang gapang sa likod ko.

"Hahahahaha!" Tawanan ng mga classmates ko.

Tsss ay kabaet ano po?! Di man lang ako tulungan.

"Ahhhhhhhhh! Hindi ko na kaya kadiri! Nakakakiliti! Ang lamig! Aaaaah tuloooooong!" - sigaw ko parin habang hindi parin mapakali dito sa butiking to, kainis na.

Habang busy ako sa pag likot para malaglag yung butiki sa palabas ng uniform ko, bigla nalang may yabag ng paa akong narinig.

"Nakuha ko na." - sabi nung lalaki sa likod ko.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik.

Nilingon ko naman yung boses lalaki na tumulong sakin para mag pasalamat...

Xempre tanga lang ako pero mabaet naman ako hahaha.

"Sa-----" naputol na sabi ko habang naka nga-nga. Laglag ang panga ko sa ginawa nyang pagtulong sa akin.

"Whaat! Magsasalita ka ba o hindi?!" - kunot noo na sigaw nya sa akin.

"Sa---salamat Matt." - nauutal na sabi ko.

Oh gulat kayo noh si mr.siga pala yung tumulong sa akin?

"Ayyy tanga!" Sabi nya sabay iling iling ng ulo nya.

"Ayy Tanga. Ayy Tangarin paki kumpleto ha. Kulang kasi yung sinabi mo." - mataray na sabi ko at naka pamewang pa ko sa harapan nya.

"Hahaha!" - tawa nya ng malakas.

Tiningnan ko lang sya ng masama. Yung look na mautot ka sana hahaha.

"Tss! Akala mo ata tinulungan kita noh?! Hoy babae alaga ko ang butiking to." Mayabang at nakakainis na sabi nya.

Whaaat?! Ansabeh?! Alaga daw nya! Lecheplan naman oh akala ko bumait na sya sa akin.

"Wow ah! Sorry! Hiya naman ako sa pet mong butiki." - masungit na sabi ko.

"Dapat lang dahil nadikitan sya ng balat mo baka magkaroon pa ng rashes si Torkey sayo" - nang-iinis na sabi nya.

Hala josko! Pati butiki may pangalan pa! Nahiya naman yung aking precious name.

"Fine sorry na ulit. Jan ka na nga!" - sabi ko sabay lakad papunta sa desk ko.

Whoooo kaasar kotang kota ako sa katangahan ngayon.

Pagkadaan ko sa pwesto ng aking bff na si Nerdine

"Ayy. May assignment ka na ba? Eto oh?" - sabi ni Nerdine sabay abot ng notebook.

"The best ka talaga. Balik ko mamaya" - sabi ko sa kanya habang inaabot ko yung notebook ng naka ngiti ng malapad.

Naglakad ulit ko ng kaunti palapit sa desk ko

At sinulat ko na yung assignment namin. Swerte ko talaga at late si ma'am.

---------------

<Gynn POV>

Tss ano bang studyante meron tong school na papasukan ko.

Kanina yung babae galit na galit sa akin at bigla akong sinugod.

Tapos pag baba ko naman at nakita nya ako akala mo naman nakakita ng artista.

Hehehe di ko sinabing artistahin ang kagwapuhan ko, kayo naman oh!

Nga pala andito ako sa labas ng office ng principal.

Late yun syempre filipino time eh.

Habang naghihintay ako dito sa upuan may narinig akong yabag ng paa.

At ayun na nga dumating na yung principal.

"Good morning sir" - masayang bati ko.

"Goodmorning pasok ka na lang. Pasensya ka na kanina ka pa naghihintay." - sabi nung principal habang binubuksan yung lock ng pinto.

Pag bukas nun pumasok na kaming dalawa sa opisina nya. Binuksan na rin nya yung ilaw.

"Have a sit mr.Orquia" - sabi nya at umupo sa desk na parang may hinahanap ata.

Umupo naman ako at inabot nya sa akin ang folder na nag lalaman ng exam

"Paki sagutan na lang sa answer sheet anjan ang instructions sa taas. May isang oras ka lang para sagutan yan." - pagpapaliwanag nya.

Sinagutan ko yung exam.

After 1 hour.

"Ok tatawagan ka nalang namin if pasado ka sa exam. At kung kelan ang orientation at start ng training mo." - sabi nya habang tinitingnan yung mga sagot ko sa papel.

"Cge po sir salamat." - sabi ko at kinamayan ko ulit sya.

Lumabas na ako ng opisina nya at pumunta papunta sa parking lot.

Pagdating ko sa kotse naramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Naiihi ako. Kaya naglakad ako at naghanap ng cr

Nakakita naman ako ng cr mga ilang hakbang mula sa parking.

Malinis yung cr nila. Tiles may mga cubicle sa gilid at may solo solong ihian tapat ng pinto. May malaking salamin din sa bawat pader nito

Syempre ano pa bang gagawin ko dito ngayon sa cr edi ang umihi.

Di na ako nag abalang pumasok sa cubicle dun na ako agad sa may portalet ihing ihi na ko eh.

Habang nakatayo ako at nasa kasarapan ng pag ihi..

*drrrug! - biglang bumukas yung pinto.

"Aaaaaaaaaaaahhhh!"

********

cut. hahaha bitin ba?

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon