KABANATA 26: NerChin Loveteam (special chapter)

92 3 0
                                    

KABANATA 26: NerChin Loveteam (special chapter)

<Nerdine's POV>

"Haaaay naku tumunog ka na please.."

"Bilisan mo na. Tumunog ka na.."

"Haaaaay ano ka ba naman kelan ka ba tutunog? Kanina pa ko nag hihintay ah.."

"Tuno-----"

Krrrriiiiiiiing! Krrrriiiiiiing! (Tunog ng alarm clock)

"Haaaay! Sa wakas tumunog din yung alarm clock." Sabi ko sa sarili ko habang pinapatay ko yung tunog ng alarm clock.

Oh well ewan ko ba naman sa alarm clock na to. Kung kelang gising na ko tsaka pa lang sya mag aalarm. Parang baliktad nga eh ako yung gumigising sa alarm clock na mantika matulog.

Alas 8 na nag umaga at nag hahanda ako ng susuotin ko dahil may date kami ni Chin. Date as in friendly date. Pero sa bagay kahit friendly date lang yon matatawag parin yung date. Assumera na ang assumera wala na kong magagawa dyan ganun talaga ang love kahit matalino ka nag mumukha ka pa ring tanga.

Anyway daldal ako ng daldal dito makaligo muna baka malate pa ako sa date este sa FRIENDLY DATE namin ni Chin.

*After 1 hour

"Aaaaaaaaaah! Alas 9 na?! Oh my ghaaad! Oh my dhaaaaad! Baka malate ako!" Nag papanic na sabi ko.

Kaya nagmadali akong nagbihis ng susuotin ko. Simple lang naman akong babae kaya simple lang din ang suot ko. Paldang maong na lagpas ntuhod, flat sandals, at blouse na kulay puti. Actually eto yung paborito kong damit palagi ko tong sinusuot kapag nagsisimba ako.

Pagkatapos kong magbihis, mag suklay at mag pabango, nagtungo agad ako ng kusina para kumaen ng almusal na inihanda ni nanay.

Matapos kumaen ay nagpaalam na ako sa kanya para umalis at magpunta sa star city.

Byumahe ako sakay ng jeep. Grabeh ang hangin. Pakiramdam ko mabubura ng hangin yung mukha ko. Pagkatapos ng mahabang byahe nakarating ako sa gate ng star city.

Nilibot ko ang mga mata ko sa palibot ng gate hanggang sa makita ko si Chin na naghihintay malapit sa entrance at hindi na maipinta ang mukha nya. Malamang ay matagal na syang naghihintay sa akin. Grabeh naiisip ko palang kinikilig na ako.

Nilapitan ko si Chin.

"Chin tara na?" Masayang sabi ko sa kanya.

"Huh? Nerdine ikaw ba yan?" Nagtatakang tanong ni Chin.

"Oo ako to Chin ikaw talaga. Ako lang naman ang kasama mo eh." Kinikilig na sabi ko.

"Ah akala ko kasi ikaw yung alambre na tinubuan ng tao. Oh girl eto suklay. Ayusin mo yang buhok mong mas maganit pa sa alambre." Sabi nya sabay abot ng suklay sa akin.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon