KABANATA 15: Lollipop

153 2 0
                                    

(pagpapatuloy.....)

At ang sumunod na nangyari ay..

*tssssssssup!

Aksidenteng nagdikit ang aming mga labi ni sir Gynn.

Ipinikit namin ang aming mga mata.

Habang hinahalikan nya ako ng marahan. Narararamdaman ko ang kanyang emosyon sa bawat halik na dinadampi nya sa aking labi. Hindi ko maiwasan ang gumanti sa bawat halik nya sa akin.

Ang lambot ng kanyang labi at natural ang pagkapula. Ang sarap nyang halikan.

Inilagay nya ang kanyang kamay sa aking bewang at kinabig nya ang katawan ko dahilan para magdikit ang mga katawan namin. Hindi parin sya bumibitaw ng halik sa mga labi ko. At ganun din ako sa kanya. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang leeg habang damang dama ko ang bawat halik namin.

Mga ilang munuto ay tumigil sya sa pag halik at hinawakan nya ang aking muka at hinaplos nya ito. Sobrang kinilig ako. Ang init sa pakiramdam ng halik nya.

"Mahal kita Ayy." - sabi ni sir Gynn habang nakatingin ng mabuti sa aking mga mata.

"Mahal din kita sir Gynn." - sabi ko.

At dahan dahan kong inilapit ang muka ko sa kanya para halikan syag muli.

Nang biglang.

"Araaaay!" - sigaw ko. Habang itinapal ni sir Gynn ang kanyang makapal na aklat sa muka ko.

"Mag concentrate ka Ayy. Palagi ka na lang nag deday dream.!" - sigaw nya sa akin.

Tinanggal ni sir Gynn ang aklat na itinapal nya sa muka ko.

"Alam mo ba ang ginawa mo? Muntik mo ma akong halikan." - sabi ni sir Gynn sabay ngiti ng nakakaloko.

Naku naman nakakahiya yung ginawa ko bakit kasi nauso ang daydream. Sana lamunin na lang ako ng semento dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"So--- sorry sir. Aalis na po ako." Sabi ko sabay lakad palabas ng pinto.

*blaaaaaaaaag!

"Araaaay!" - sabi ko dahil sa sobrang taranta at hiya ko nakalimutan kong buksan ang pinto dahilan para mauntog ako.

"Ayo---" naputol na sabi ni sir Gynn dahil nagsalita ako bigla.

"Okay lang po. Aalis na ko." - sabi ko sabay labas ng bahay nila.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa bahay ni sir Gynn.

Hanggang sa nakaramdam ako ng pagod.

May nakita akong play ground malapit sa kinatatayuan ko. Pinuntahan ko iyon at umupo ako sa duyan.

Mga ilang minuto tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin dahil sa pag iisip ko ng mga bagay bagay.

Lagi na lang kasi akong napapahiya. Ang tanga tanga ko kasi eh. Bakit ba ako ipinanganak na malas? Wala ba akong karapatang kumilos ng hindi napapahiya. Puro na lang epic failed ang nagyayari sa akin.

Kung ganito ako ng ganito palagi sinong lalaki ang magmamahal sa akin na isang lampa, shunga at epic na tulad ko? Nasasaktan din naman dahil sa walang pag babago ng buhay ko.

Gusto ko lang naman si sir Gynn masama ba yun? Masama ba ang pangarapin at mahalin ang tulad nya? Gwapo sya, matcho at matalino. Halos perpekto na sya hindi tulad kong tatanga tanga. Tsaka bakit sya ganun sa akin palagi? Lagi na lang akong napapahiya pag anjan sya. Pati rin sa klase nya napapahiya ako.

Tapos ngayon ginawa pa nya akong student assistant. Eh alam naman nyang mahina ako sa math. Ano namang magagawa ng epic failed na tulad ko para matulungan sya? Magiging masaya ba talaga to dahil makakasama ko sya kahit paano, o baka naman lalo lang akong mapapahiya sa harap nya? Haaay naku hindi ko na talaga alam..

Kinapa ko ang bulsa ko para kuni ang panyo ko. Pero wala doon. Hindi ko na inabala ang sarili ko at pinunasan ko na lang ang luha ko gamit ang mga kamay ko.

"Wag ka ng umiyak." sabi ng isang boses lalaki na pamilyar sa akin. Hindi ko magawang maaninag ang kanyang muka dahil abala ako sa pag punas ng luha ko.

Nang matapos kong punasan ang mga mata ko.

"Matt?!" - nagtatakang tanong ko dahil hindi ko inaasahan na sya iyon.

Napatingin naman ako sa hawak nyang lollipop.

"Kunin mo na, nangangalay na ako." - sabi nya sabay tingin sa malayo.

Kinuha ko ang lollipop, binuksan ko ito at kinain.

Umupo naman si Matt sa tabing duyan nitong swing.

"Sabi nila lollipop at band aid lang ang kaylangan ng isang bata para tumigil sya sa pag iyak dahil sa sugat na nakuha nya sa pagkakadapa. Pero ngayong matured na tayo sana kahit man lang sa lollipop na yan magkaroon ka ng dahilan para ngumiti ulit." Sabi ni Matt habang nakatingin sa akin.

Nakakatouch naman ang sinabi nyang yon. Hindi ko akalain na si Matt na nakilala ko bilang siga ay mabaet din pala.

"Salamat." Tipid na sabi ko sabay ngumiti.

"Tara mag seasaw tayo?" - tanong ni Matt. Tumayo sya mula sa swing na kinauupuan nya at lumapit sa akin. Inilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko iyon. Tumayo ako at tumakbo kaming magkahawak kamay sa seasaw.

Ang saya namin para kaming mga bata. Sana sya na lang si sir Gynn para hindi na ako nasasaktan. Pero kahit ganun nagpapasalamat parin ako kay Matt dahil pinasaya nya ako.

Maswerte ang babaeng iibigin ni Matt at kung sino man yun masaya ako para sa kanya.

**********

Oh kinilig ka naman? hahaha Hindi ko po muna kayo bibitinin. May mga twist pa akong nakahanda haha.

♥dolly_eyes23♥

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon