KABANATA 20: Ayy Nakakaloka

162 3 0
                                    

Picture of Nerdine on the side --->

*************

KABANATA 21: Ayy nakakaloka!

(Pagpapatuloy...)

"Sya.. Sya ang gusto ko!" Sabi ni Chin habang tinuro nya ang taong tinutukoy nya na syang ikinabigla namin.

"Whaaaaaat?! Niloloko mo ba ko." Gulat na gulat na sabi ni Devon kay Chin.

"Hindi kita niloloko si Ma'am Ramos talaga ang gusto ko. Wala naman sigurong masama doon diba Devon?" Seryosong sabi ni Chin.

Halos gusto kong tabunan ng aspalto ang muka ko sa kakapigil ng tawa ko sa pinagsasasabi ni Chin kay Devon para lang mapagtakpan ang kanyang pagiging pusong babae at para iwasan na rin sya ni Devon.

Eto namang si Devon sobrang gulat na gulat at mukang toro na nag uusok ang ulo at butas ng ilong dahil hindi sya ang gusto ni Chin.

Napatingin ako kay ma'am Ramos walang duda nagmumurang kamatis na naman si mam.

"Telege geste me ke Chiiin?" Malanding sabi ni ma'am Ramos at hinawi pa ung buhok nyang barber's cut yung totoo mahaba talaga ang hair? Grabeh palibhasa kasi matandang dalaga kaya kilig to the bones sya sa pag aakala na may nagkakagusto sa kanya. Gwapo din kasi itong si Chin kaso good luck na lang sa kanila pag nalaman nilang bakla slash darna slash serena ito.

"Opo ma'am. Sa ganda mong yan sinong hindi maiinlove sayo." Seryosong sagot ni Chin kay ma'am Ramos.

Grabeh gusto ko na talagang tumawa ng malakas dahil sa pang best actress na acting ni Chin. Pati si ma'am Ramos a.k.a Miss Minchin dahil sa pagiging terror nito ay napaamo nya. Pero sa kaloob looban naman ng puso, atay, balunbalunan, apdo, baga, bituka at kaluluwa nito ay malamang diring diri na ito sa mga pinag gagagawa nya ngayon.

Bigla naman ako may narinig na yabag ng paa tila tumatakbo ito. At hanggang sa pumasok si Nerdine sa classroom na may hawak na isang maliit na kulay pulang box na hugis puso at habol hininga ito sa pag sasalita. Ngayon lang sya nalate bakit kaya?

"Sorry ma'am Im late." Sabi ni Nerdine na hapong hapo sa pagsasalita

"Ekey leng set dewn. Peselemet ke key Chin keye megende eng meed ke." Malanding sabi ni ma'am Ramos.

"Huh ano po ma'am?" Nagtatakang tanong ni Nerdine.

"Diba ang nerd matatalino? Bakit amg bobo mo? Ang sabi nya okay sit down magpasalamat ka daw kay Chin kaya maganda ang mood nya!" Singhal ni Devon kay Nerdine.

"Sorry naman Devon. Ano ba ginawa ni Chin?" Nagtatakang tanong nito.

"Haaay huwag ka kasing didikit masyado kay Ayy nakakahawa ang katangahan!" Inis na sabi ni Devon.

Aba 'tong Demon na to dinamay pa ako. Nananahimik na nga ako eh.

Hindi parin naiintindihan ni Nerdine ang sinabi ni Devon kaya tumingin ito kay mam Ramos na tila nanguusap ang mga mata nilang dalawa.

"Cresh eke ne Chin." Namumulang sabi ni ma'am Ramos at kumindat pa kay Chin. Si Chin naman umarte na parang kinilig. Sige lang teh kaya mo yan mananalo ka na ng award haha.

Tumingin ako kay Nerdine kung anong reaksyon nya na syang ikinagulat ko.

Nabitawan nya ang hawak nyang box at umiiyak ito. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nya. Alam naman naming pareho na bakla si Chin pero bakit ganun? Bakit sya umiyak at nabigla? Hindi ba sya natatawa sa pinag gagagawang kalokohan ng kaybigan naming si Chin. Hindi ko maintindihan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para puntahan si Nerdine at alamin kung bakit sya umiiyak pero biglang nagsalita itong si ma'am Ramos.

"Okay class tama na ang drama mag lesson na tayo." Nakangiting sabi ni ma'am Ramos.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon