KABANATA 11: Devon's kamalditahan

174 3 0
                                    

picture of Devom on the side --->

(pagpapatuloy...)

*Booooooooogsh!

Nakita ko si Chin at si Matt nagkabungguan. Hmm makapag tago nga sigurado ako exciting ang mangyayari sa dalawang to.

Nagtago ako sa hawakan ng hagdan at sinilip ko silang dalawa.

Bigla akong natawa sa itchura ng mula ni Chin halatang nag pipigil sya ng kanya nararamdamang kilig kay Matt.

Halatang gusto nyang sunggaban si Matt at tadtarin ng halik hahaha. Marupok talaga tong si Chin pagdating sa mga gwapong lalaki.

Sabi ko naman sa inyo eh bading talaga yan eh walang duda.

At sabagay gwapo naman talaga si Matt. Ang ganda ng mga mata nya, para nangungusap. Ang gwapo nya at ang lakas ng dating nya.

Haaay Matt.. Sayang lang dahil hindi kita crush dahil ayoko sa sigang katulad mo.  Isa pa may crush na ako at si sir Gynn yun wala ng iba pa. Period no erase!

*snaaaaaaap!

"Ay talong na malaki!" - pabading at gulat na sabi ni Chin dahil sa pitik ng mga daliri ni Matt na nagpabalik sa kanya sa realidad.

Tulalang tulala kasi si Chin sa kagwapuhan ni Matt malamang biglang nag day dream ang loka.

"Whaaat?!" - kunot noong sabi ni Matt kay Chin.

"Ah---- eh--- wala.. sabi ko sorry pare." - sabi ni Chin kay Matt. Sabay nilakihan nito yung boses nya at inangasan nya para mag muka talaga syang lalaking lalaki.

"Cge. Pare." - tipid na sabi ni Matt at nagpatuloy pababa ng hagdan at tuluyan iniwan si Chin.

Shemay! Gusto ko talagang humagalpak ng tawa sa mga nakikita kong reaksyon ng muka ni Chin.

"Hi Chin"  - biglang salita ni Devon na sumulpot sa likuran nya.

Humarap naman si Chin kay Devon.

"Mukang nakita na kita nung isang araw.." - nagtatakang sabi ni Chin kay Devon

Ngumiti lang ng matamis si Devon sa kanya. Akalain mo nga naman yung maldita sa buhay ko ngumiti ng kasing tamis mg candy at nagmukhang anghel.

"Ahhhh! Oo ikaw nga yung natapunan ko ng juice. Ikaw naman kasi tama bang mag laro ng flappy bird habang naglalakad?" - dagdag ni Chin.

Abot tenga naman ang ngiti ni Devon dahil natandaan sya ni Chin. Mukang may crush ata sya kay Chin. Well goodluck na lang pag sumigaw yan si Chin ng DARNA! hahaha.

"Ahm hi class m---" naputol na sabi ni Chin dahil initerupt sya ni Devon

"Call me Devon." - nagpapacute na sabi ni Devon at nagflip hair pa ang loka sa harap ni Chin. Hahaha natatawa ako dahil alam komg hindi uubra ang pagpapacute nya kay Chin.

Si Chin naman naku mukang diring diri na kay Devon hahaha.

"Ah hi ulit De---" - naputol  na sabi ni Chin dahil nagsalita ulit si Devon.

"Ahmmm.. May kasama ka ba?"- nag iinarteng tanong ni Devon kay Chin.

"Wala na----" - naputol na sabi ni Chin.. Pang tatlong beses na yun ah. Hahaha nakakatuwa talaga silang panoorin. Hindi kaya bad breath si Chin Kaya ayaw syang pagsalitain ni Devon? Hmm

"Ahhh kasi yay-----" - naputol na sabi ni Devon. Mukang di na  nakapagpigil si Chin kaya tinakpan nya yung bibig ni Devon ayaw kasi sya patapusin sa mga sinasabi ni Chin sa kanya..

"Actually hinahanap ko si Ayy dahil bigla syang nawala pagkatapos ng klase kay sir Gynn. Nakita mo ba sya?" - sabi ni Chin habang nakatakip ang palad nya sa bibig ni Devon. Haaay sa wakas nakapag salita rin si Chin ng kumpleto..Hahaha. Infairness na touch akp dahil hinahanap ako ng bebs Chin ko.

"Eean ooh. Ehne oh aam" - magulong sabi ni Devon dahil tinatakpan ng kamay ni Chin yung bibig nya kaya tinanggal ito ka agad ni Chin para maintindihan nya ang sinasabi ni Devon.

"Sabi ko ewan ko. Hindi ko alam. Bakit?" - sabi ni Devon with matching pout. Kabog si Chin hahaha. Mukang gusto nya ng hilahin ang nguso ni Devon. hahaha

"Ok lang sige una na ako." - sabi ni Chin sabay takbo..

Nakakatawa talaga si bebs Chin halatang hindi nya carry tong kalandian ni Devon. Halata sa kilos nya na nandiri sya sa dalaga.

Sorry na lang si Devon dahil hindi napatol si Chin sa kapwa nya babae. NEVER. hahaha

---------

<Devon POV>

Anong nagyari dun?

Iniwan na lang akong magisa. Sayang yayain ko sana mag hotel...

Ay este mag date pala. Ano ba yan nailove lang ako naging comedian na ko? Erase erase erase.

Alam nyo ang bango ng kamay ni Chin nung tinakpan nya bibig ko hahaha kilig much parang nahalikan ko na rin ang kamay nya..

Pero bakit parang amoy pambabae yung amoy hmmm parang strawbery ang weird.

Anyway may something akong naamoy.

Bakit si Ayy ang hinahanap nya?

Sabihin nyo nga sa akin mga readers bakit si Ayy ang hinahanap ng papa Chin ko at hindi ako?!

Di hamak naman na

MAGANDA AKO kesa kay Ayy.

SEXY AKO kesa kay Ayy.

MATALINO AKO kesa kay Ayy.

At higit sa lahat hindi ako shunga tulad ni Ayy.

Arrrrrrrrrgh! Kaines. Ano bang meron sa Ayy na yun pati pinsan ko mukang inlove na kay Ayy pati pa ba si papa Chin ko?!

No way hindi ako papayag na maging kanya si Chin ko. As in never. Gets nyo?!

NEVER!

Ano gets nyo na?!

N-E-V-E-R!

Ayan inulit ko pa ng mas maintindihan nyo. Duh!

Bumalik ako sa classroom na broken hearted ako kay Chin.

Discuss dito

Discuss dun

Wala akong naintindihan dahil sa pagiging broken hearted ko kay Chin huhuhu aken ka na lang kasi..

*Riiiiiiiing! Oh bell yan uwian na.

Naglakad ako palabas papunta sa parking lot kung saan nandun ang aking kotse. Mayaman ako noh!

Nang biglang

*teng! Oh wag shunga ha hindi yan si Jeron Teng. At lalong hindi rin yan si Jeric Teng.

Idea ko yan.. may bigla akong naisip.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ko. Malamang alangan paliparin ko eh hindi naman to eroplano. DUH!

Hanggang sa makarating ako sa tindahan ng sim cards at loading station.

Pinark ko ang kotse ko sa parking nila at bumaba ako. Alangan sumakay ako ulit diba? Ghaaad.

Pag baba ko nag lakad ako ng kaunti at kinausap ko yung tinderang kamuka ni squidword ang laki kasi ng ilong eh.

"Miss na mukang pusit pabili ng sim card" - sosyal na sabi ko dapat lang noh kasi MAYAMAN AKO.

"Ano pong sim ate?" - sabi nya habang naka ngitin what the f*ck ate daw? Ghaaaad.

"Hoy miss wag kang ambisyosya dahil wala akong kapatid na mukang pusit na panis. Globe sim ang bibilhin ko at samahan mo ng konting bilis."- mataray na sabi ko.. Masyado kasing ambisyosya tong pusit na to eh.

Binigay naman nya yung sim at binayaran ko na.

Sumakay ako ng kotse at pinatakbo ko iyon pauwi sa bahay.

Hahahahaha! Humanda ka sa akin AYY TANGARIN.. Let the games begin!

**********

Cut

Ano kayang binabalak nya?

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon