KABANATA 25: Ligawan Portion?

67 3 0
                                    

Chapter 25: Ligawan Portion?

<Chin's POV>

Kasalukuyan akong naglalakad... Ay wait mali pala.. Kasalukuyan akong RUMARAMPA papuntang men's locker. Dahil alam nyo na.. It's raining men. Ay wait let me rephrase that.. It's raining hot, sexy and handsome men. Yiiiiih! Naeexcite tuloy akong makarating doon para masilayan ang kanilang sexy six pack abs at mga hot biceps ng mga poging guy doon.

"Aaaaaaay kakaexcite! As in pak na pak! Spaghetting pababa pababa ng pababa. Spaghetting pataas pataas ng pataas... Get get aww!!!" Masayang sabi ko habang hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang saya dahilan para mapasayaw ako.

"Hoy pare ano yang ginagawa mo?" Tanong ni Matt na bigla na lang sumulpot sa likuran ko... May sa-multo ba to nakakaloka.

Hanggang sa unti unting tumakbo sa isip ko na.....

Wait.....

Oh my Geee!

Di kaya nakita nya kong sumasayaw ng..... Ghaaaaad no! Hindi to pwede. How could he do this to me?!

Ay teka over acting ka masyado Chin. Tama na yun maganda ka na wag mo ng masyadong icareer.

"Hoy? Ano tulala ka na dyan? Sabi ko anong ginagawa mo?" Pag uulit ni Matt.

"Ah ano pare stretching lang. Namiss ko mag excercise pare. Para lumaki ung abs at muscles ng biceps ko." Lalaking lalaki na sabi ko sabay taas ng braso para ipakita sa kanya ang muscles ko.

"Hahaha pare wala ka namang muscles eh. Puro ka buto. Ok lang yan pare magkakamuscles ka rin." Natatawang sabi ni Matt.

"Ano ba yan pogi ka nga tanga ka naman, edi wala rin." Inis na bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun pare?" Tanong ni Matt

"Ah wala sabi ko bingi ka. Ah este ano, ahhm kaya nga ako mag e-excercise para magkamuscles." Sabi ko sabay ngiti kunwari. Grabeh tong Matt na to ah nakakalalaki naku pasalamat ka beki ako!

"Ah sige. Pare una na ko ha? Hinihintay na ko sa locker." Sabi ni Matt at saka tumakbo papunta sa locker.

"Haaay naku! Nakakaloka. Nakakabawas ng ganda. Maaga yata akong mamemenopause sa kakatago ng kapa ni Darna.." Sabi ko sa sarili ko.

"Hmmm teka menopause agad? Never pa naman nagkaroon ng monthly period. Ay di bale na nga basta maganda ako peroid. Okay inhale... hmmmm. Exhale..." sabi ko para mawala ang mga bad vibes.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon