KABANATA 9: Oh chinito!

181 4 0
                                    

<Devon POV>

"Aaaaaaah!" - malakas na sigaw ko.

"Bwisit cellphone ko! How dare you!" Sigaw ko ulit habang nakatingin sa basang galaxy note ko dahil natapunan lang naman ng juice nitong kung sino man na to.

Tanga tanga lang di kasi natingin sa dinadaanan.

"Sorry miss." - sabi nung bwisit na nakatapon sa cellphone ko ng juice.

Agad komg inangat ang muka ko para makita ko yung pesteng lalaking nasa harap ko.

Shemay! I think na love at first sight ako. (insert song: chinito by: Yeng Constantino)

Ang gwapo nya. Chinito at maamo ang kanyang muka. Para sa akin mas gwapo pa sya kay sir Gynn.

Ghaaaad! Ano kayang itsura ko ngayon. Ayos pa kaya yung buhok ko. Oily na ba muka ko. Ghaaad kakahiya naman sa kanya sana hindi.

*tiiiiik! - pitik ng mga daliri nya na nakatutok sa muka ko.

Shemay naman nakatulala pala ako. Tsk! Feeling ko nagbablush na ko.

"Ahm sorry ulit huh sana hindi nasira. Cge una na ako. Nagmamadali kasi ako" - sabi ni chinito my labs. Haaaay! At bigla na lang syang nawala sa paningin ko.

-----

*KINABUKASAN

<Third Person's POV>

Naglalakad ako papasok ng school. Oh diba walang nagbago sa unang sentence ko lagi ganun ang awtor eh haha. Masyado na daw o.a kung pati pagligo ko eh ikwekwento pa nya.

Kembot.

Kembot.

Kembot

Wag makulit. Ganyan nga kasi ako maglakad.

Bigla akong may nakitang karatula sa nadaanan kong tindahan na "ice candy for sale"

Ano yun? Ice tapos candy? Ang gulo ha.

For sale daw.. mukang makakadiscount ako nito ah sale kasi nakalagay eh.

Lumapit ako sa tindahan para bumili ng ice candy

"Pabili..." sabi ko habang dinududok yung barya sa pader ng tindahan.

"Pabile.." pag uulit ko dahil di pa rin magising gising yung tindera na nag babantay ng tindahan. Yung totoo sleeping panget ang peg mo teh?

"Ateee pabili!" Sigaw ko.

At napabalikwas naman ng tayo ung babae sa lakas ng sigaw ko. Akala ko di na magigising to eh.

"Amg ingay mo wala kaming tindang posporo!" Sigaw nung tindera nainis ata at naistorbo ko amg tulog nyang mahimbing.

"Ay ate di po yung bibilhin ko. Ice candy po. Isa." - sabi ko. Habang tinitingnan ko syang kunin ang ice candy sa ref na binibili ko.

Pagkatapos ay nilabas nya ang kulay orange na parang pinaliit na yello.

"Tres yan."- sabi nya at inabot ko yung tatlong piso sa kanya.

Tapos nun ay nag lakad na ako palayo.

Sus eto lang pala yung ice candy. Na hindi naman candy. Sana nilagay na lang nila na yelo juice for sale edi sana naintindihan ko pa.

Agad kong binuksan yung binili kong ice candy nakakatakam kc eh.

Pagkabukas ko ay agad ko na syang...

"Awwwww!Awwww!"

Shemay! Takbo!

Nabitawan ko yung ice candy na dapat sana ay susupsupin ko na pero biglang may tutang nagtatatahol at kasalukuyan akong hinahabol.

Takbo

Takbo

Yah! Malapit na..

Bilis takbo.

Takbo

Takbo.

Hanggang sa nailigaw ko yung tuta. Paki nyo ba kung maliit at cute yung tuta eh takot akong makagat eh haha.

Whoooo kinabahan ako dun.. kakapagod tumakbo.

Teka asan na ako?

Ghaad ang layo ko na sa school.

Tatlong kanto na ako lumagpas arrrrrgh! Naman oh!

Dahil wala akong choice nilakad ko ang kahabaan ng kalsada papunta sa school sayang pamasahe eh otso din yon.

Kembot

Kembot

Kembot

Kembot

At pak malapit na ako sa gate ng school at nadaanan ko ang isang basurahan

*tooooook!

Shemay ang sakit sakto sa noo ko! May dumaan kasi na kotse na naghagis ng coke in can.

Buti sana kung may laman eh kaso wala. Naku sintomas na naman to. Wag sana akong kumota ng katangahan ko ngayon.

Habang himas himas ko ang aking noon ay nakarating ako sa gate ng school.

Derederecho at taas noo akong naglalakad na xempre sayang ang ganda. Yaan nyo na ang bukol ko. Basta maganda ako at yun lang ang maipag mamalaki ko hahaha.

Nag biglang may humatak sa bagpack ko.

"Remember me Tangarin?"

Anak ka ng nanay mo.. Pwede namang Ayy na lang itawag sakin bakit yung apelyido ko pa?

Pero teka pamilyar ang boses na yun ah..

Napaka manly at husky ng boses nya di ako nagkakamali sya lang ang may boses na ganun.

Kaya tiningnan ko sya at nagulat ako sa nakita ko.

Hashtag laglag panga. (insert song: chinito by: Yeng Constantino)

Ang gwapo gwapo parin nya.. Chinito at maamo ang muka nya.

******

Sino sya? abangan nyo.. haha next ud ko irereveal ang picture nya.. haha.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon