KABANATA 33

93 4 0
                                    

KABANATA 33

AYY's P.O.V

     Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at lumabas ng bakanteng classroom kung saan ako iniwan ni Sir Gynn. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto ko ng umuwi at mag kulong na lang sa kwarto.

     Bakit ganito- kung kaylan minahal na niya ako? saka naman humahadlang ang pagkakataon sa amin.

     Habang naglalakad ako pabalik sa classroom namin ay nakapako lahat ng paningin ng mga estudyante sa akin. Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa. Nakakapanliit ang bawat tingin nila. Pero mas nakakapanliit ng sarili ay 'yong ako ang laman ng bawat bulungan nila. Anong nangyayari? Bakit ganito sila sa akin?

     Tatakbo na sana ako palayo sa mga estudyante na walang ginawa kundi pagbulungan ako- nang bigla naman may humarang sa akin.

     Grabe kontrabida ka talaga sa bonggang love life ko. Palibhasa kasi single. Sabi ko sa isipan ko.

"Oh Shungarin buti naman nakita kita na kita. Or should I call you Malandi? Grabe ang lovestory n'yo ni Sir Gynn 'no? Dinaig pa ang fairytale." Sabi ni Devon at naka cross arms pa.

"Bakit ba lagi mo kong inaaway? Ano bang naging kasalanan ko sa'yo para maging malupit ka sa'kin?" Sabi ko. Tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.

"Actually noong una wala. Ang sarap mo lang pagtripan kasi tatanga-tanga ka. Pero ngayon meron na. Sinaktan mo lang naman ang pinsan ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Lahat ng atensyon niya binuhos niya sa'yo na dapat sana 'yong atensyon na 'yon ay para sa amin lang ni lolo!" Galit na galit niyang sinigawan ako.

"Nagpakatotoo lang naman ako ah. Alam ni Matt na hanggang kaybigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. At pinagsisisihan ko na sinasaktan ko siya sa t'wing ipaparamdam ko 'yon sa kanya!" Turan ko sa kaniya. Aalis sana ako palayo sa kanya pero hinila niya ang braso ko.

"Aray! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ako. Pero madiin ang paghawak niya sa braso ko.

     Hanggang sa dinala niya ako sa malapit sa faculty room malapit sa classroom namin. Kitang kita ng dalawang mata ko si Sir Gynn nagmamadaling lumabas ng faculty room dala ang kanyang mga gamit.

     Hindi 'to pwede, paano na ngayon ang pangarap niya? Tanong sa isipan ko.

"Ang dami mong sinaktang tao Shungarin! It's time para ikaw naman ang masaktan." Sabi ni Devon pero hindi ko siya pinansin dahil napako ang atensyon ko kay Sir Gynn at nilapitan ko agad siya.

"Teka h'wag kang umalis. H'wag mo kong iwan dito." Sabi ko sa kanya. Wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

     Tiningnan niya lang ako sa mga mata ko at saka lumakad ng mabilis palayo sa akin.

     Hinabol ko naman ka agad siya.

"Sandali lang naman Sir Gynn. Hintayin mo naman ako." Hinahabol ko pa rin siya hanggang sa makararing kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Agad niyang nilagay ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan.

"Sama ako sa'yo. H'wag mo 'kong iwan." Nag mamakaawang sabi ko. Pero hindi man lang niya ko pinakinggan at sumakay siya ng kaniyang sasakyan. Tuluyan niyang nilisan ang school at iniwan ako.

     Kumaripas ako ng takbo at nagbabakasakali na mahabol ko pa siya pero nabigo ako. Nadapa ako dahil sa pagtakbo at hindi ko na siya naabutan pa.

"Sir Gynn! Mahal ko!" Naghihinagpis na sigaw ko habang nakadapa ako sa matigas at mabatong kalsada. Naramdaman ko ang sugat na kumikirot sa aking tuhod at siko. Dumudugo rin ito. Pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko nabasag ito at nagkadurog durog hanggang sa maging pino.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon