KABANATA 10: Ayy's savior

203 3 0
                                    

*picture of Chin Nito sa side -->

(pagpapatuloy.....)

Ang gwapo gwapo parin nya.. Chinito at maamo ang muka nya.

"Chin ikaw ba yan?" - nagtatakang sabi ko

"Yes Ayy! Its me." - sabi ni Chin at ngumiti sa akin. Sabay beso beso..

Sya si Chin Nito ang aking kababata. Almost 4 years na kaming hindi nagkita dahil lumipat sila ng bahay sa Manila dahil doon nakadestino ang kanyang mga magulang. Habang kami dito sa Laguna. Si Chin gwapo yan tinitilian ng lahat ng chiks pero wait na malagkit BADING SYA.

Gets mo? BA-DING SYA ayan dahan dahan ha para damang dama ang pagka heart broken nyo haha. Pero kahit gay sya NEVER ko pa syang nakitang nag suot ng damit pambabae. Ang alam kasi ng tatay nya pure boy sya.

"Bebs anong ginagawa mo dito?" - tanong ko

"Nagpatransfer dito sa school mo. Dahil balik Laguna na kami." Sabi nya habang bakas sa muka nya ang napaka lapad na ngiti.

"Wow talaga bakit?" - galak na galak na sabi ko.

"Dahil dito na ulit kami nakatira. Andito na kasi yung work ng parents ko.. And guess what?" - excieted na sabi nya.

"Ano guess what? Naku bebs di ako nagsusuot ng branded na damit" -paglilinaw ko.

"Ayy jusko walang nagbago sayo, hindi brand ng damit ang tinutukoy ko. Ok sasabihin ko na nga. Mag classmate tayo dahil nalaman ko sa list of student ang section mo kaya sabi ko dun ko gusto at eto ready na akong rumampa sa classroom." - masayang pag babalita ni Chin.

Pagkatapos namin mag usap ay naglakad kami papunta sa classroom ni Chin para pumasok.

Mga ilang minuto pa hindi pa rin dumadating si Mrs Ramos. Sya kasi ang first subject eh kaya nag hantay kami kay crush este kay sir Gynn pala.

"Good morning class. Nabalitaan ko may bagong student tayo. So punta ka sa unahan at mag pakilala ka." Biglang salita ni sir Gynn na hindi ko nalamalayan dahil busy ako sa pag laro ng FLAMES hahaha. Alam mo na crush ko si sir Gynn at gusto ko malaman ang feelings nya sa akin hahaha.

Tumayo naman si Chin at nag lakad sa unahan malapit kay sir Gynn para mag pakilala. Ang loka halatang pigil na pigil sa temptation dahil sa kagwapuhan at pagiging yummy nito ni sir.. Tsss! 'Tong beki na to balak pa ata akong agawan ng fafa.

"Magandang araw sa lahat. Ako si Chin. 16 years old galing ako sa Manila at nagpatransfer dito sa Laguna. Dati rin kaming nanirahan dito sa Laguna at ngayon ay bumalik lang kami dahil sa work ng parents ko. Sana maging kaybigan ko kayo. Salamat." -pagpapakilala ni Chin at nagbigay pa ng isang killer smile para itago ang kanyan tunay na kaanyuan..

Nagtilian naman ang mga babae lalo na si...

Si Devon?! Hmmm mukang may gusto sya kay Chin hahaha natatawa ako. Ano kayang gagawin nya pag nalaman nya na bading si Chin?

Bumalik na si Chin sa bakanteng upuan na pinag upuan nya kanina nagiisang bakante lang naman kasi yun kaya malamang dun din sya pauupuin. Saan yung pwestong tinutukoy ko? Sa tabi ni Devon. Kakaloka lang.

"So may assingment kayo diba? Ok mag tatawag na ako ng mag sasagot sa black board" - biglang sabi ni sir Gynn habang naghahanap ng tatawagin dun sa listahan nya ng mga estudyante.

Shemay! May homework pala? Bakit di ko alam yun. Naku wag sana akong matawag..

"Ayy Tangarin on the board." - sabi ni sir Gynn at naghahanap ulit ng iba pang matatawag.

Anak ka ng! Naman eh kakasabi ko lang na wag akong tawagin tsk!

Tumayo ako at naglakad papunta sa black board. Ganun na rin yung mga iba pang tinawag ni sir Gynn.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon