Kabanata 28: End of Contract

85 2 0
                                    

Kabanata 28: End of Contract

<Matt's POV>

May mga bagay na sadyang kahit ano pilit mong kunin... Hindi parin mapapasa'yo... Lalo na kung hindi talaga para sa'yo..

Hindi ko alam kung saan ako nag kamali.. Minahal ko lang naman si Ayy. Kahit alam kong may gusto sya kay sir Gynn. At kahit alam kong masasaktan ako sa set up namin bilang contract boyfriend nya, pinilit ko parin mag pikit mata sa katotohanan na ako lang ang nag mamahal sa kanya. Ang sakit pala ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam na ayaw mo nang maranasan kahit kaylan.

Sabihin na ng iba na nakakabakla para sa aming mga lalaki ang mag drama at umiyak kapag nasasaktan. Pero sa aking palagay hindi sukatan ito ng aking pag kalalaki. Eh ano kung nasasaktan ako? Eh ano kung umiiyak ako? Tao lang rin ako may kahinaan din.

Sabi sa akin ni lolo ang tulay na lalaki hindi takot magpakita ng kaduwagan, hindi takot magpakita na nasasaktan sya. Dahil ang tunay na duwag ay ang taong marunong umamin na natatakot sya.

Siguro nga hindi ko masisi si Ayy na magalit sa akin dahil itinago ko ang tungkol sa kalokohan ng pinsan kong si Devon. Pero nagawa ko lang naman itago iyon dahil ayaw ko syang nasasaktan. Isa pa hindi rin ako sigurado noon na si Devon nga ang nag papanggap na si sir Gynn. Nalaman ko na lang noong nawrong send sya ng text sa akin kaya doon ako nag lakas ng loob na sabihin kay Ayy ang totoo. Akala ko kapag sinabi ko yun sa kanya hindi na sya aasa kay sir Gynn. Akala ko mamahalin nya na ko katulad ng pag mamahal ko sa kanya.

Hindi ko alam kung nagsisi ba ako sa ginawa ko kung bakit nasasaktan si Ayy ngayon..

"Matt? Matt Lino?! Nakikinig ka ba?!" Sigaw ni sir Gynn sa akin.

Tiningnan ko lang sya ng matalim naiinis ako sa kanya. Sana hindi na lang ako pumasok dahil naaalala ko lang yung nagyari. Isa pa sinong hindi gaganahan pumasok kung wala sa tabi ko yung taong mahal ko?

"Sige dahil hindi ka nakikinig sa lecture ko. Go to the board and answer problem number one." Galit na sabi ni si Gynn.

"Sir hindi ko alam ang sagot. At ayaw kong sagutan." Madiing sabi ko.

"Matt hindi dahil wala si Ayy mang kakaganyan ka na. Teacher mo parin ako igalang mo ko!" Sigaw ni sir Gynn

Sa galit ko ay lumabas ako ng campus. Bahala na si Batman kung bukas ipaguidance nila ako. Kami yata ang may ari ng school na ito kaya kahit anong gawin nila hindi ako maeexpel.

"Matt?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ni sir Gynn na sumunod pala sa akin.

Sya yata ang may problema. Bakit nya pa ako sinundan hindi ko naman sya kaylangan.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Dahil sayo nasaktan ang babaeng mahal ko. Dahil sayo hindi nya ko magawang mahalin. Dahil sayo umasa sya sa wala!" Sigaw ko sa kanya habang tinitingnan ko sya ng masama.

"Hindi nya kaylangan umasa sa wala. Akala mo ikaw lang nasasaktan dito. Mas nasasaktan ako dahil mahal ko si Ayy pero hindi ko sya pwedeng mahalin." Nanlulumong sagot nya na ikinabigla ko.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon