KABANATA 29:

73 2 0
                                    

KABANATA 29

Pagkatapos ng pangyayaring iyon halos pitong araw rin akong nahiyang pumasok sa school. Nagdahilan na lang ako kay mama na masama ang pakiramdam ko para hindi niya ako piliting papasukin.

Nabalitaan ko kay Nerdine na ngayon ang 3rd periodical exam namin. Napipilitan tuloy akong pumasok ngayon dahil kapag hindi ako nakapag-exam hindi ako makakagraduate.

Habang naglalakad ako papunta sa school ay pakiramdam ko parang bibitayin ako sa mga issue noong nakaraan. Tinatamad din ako at gusto ko ng lumakad pabalik sa amin. Pero hindi pwede. Nakakaasar bakit pa kasi nangyari 'to eh.

Sa paglalakad ko ay nakita ko si Sir Gynn sakay ng kanyang itim na sports car. Huminto ito sa tapat ko at tinawag ako. Pero hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Unti-unti akong kinabahan at nagsimula akong magpanic dahil nahihiya ako kay sir Gynn sa nangyari last time.

Binilisan ko ang paglalakad ko at humakbang ako ng malalaki pero sinusundan pa rin niya ako sakay ng kanyang kotse. Mga ilang saglit pa ay bumangga ako sa poste ng meralco. Grabe! Solid ang sakit sa ulo! Agad akong tumayo kunwari hindi ako nasaktan. Pero dahil sa lakas ng impact ng pagkabunggo ko ay nakaramdam ako ng hilo. Kahit nahihilo ako ay patuloy pa rin ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin pinapansin si sir Gynn. Hanggang sa sobrang pagkahilo ko ay napasubsob ako sa basurahan.

"Yuck! Kadiri!" Sigaw ko sa sarili ko nang matanggal ko sa aking mukha ang gamit at mapanghing diaper.

"Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni sir Gynn. Bumaba pala siya sa kanyang sasakyan niya para lang tanungin ako kung okay lang ako. Ang sarap sanang isipin na concern siya pero mahirap ng mag-asssume dahil ako lang naman ang masasaktan ulit.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Isa pa nakakahiya rin kung papansinin ko siya at makikisabay ako sa kanya. Ang panghi pa naman ng mukha ko dahil sa diaper na iyan. Nakakainis naman! Ngayon na nga lang ako papasok, ganito pa nangyari sa akin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo Ayy!" Biglang sigaw ni sir Gynn. Pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin, bride style.

"Ibaba nyo po ako sir Gynn kaya ko po mag-isa." Pagdadahilan ko. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil pagnakikita ko siya pakiramdam ko kikiligin lang ako.

Hindi niya ako pinansin at isinakay lang niya ako sa kanyang kotse. Habang nagmamaneho si sir Gynn ay binabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang din ako sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Ayy?" Malambing na tawag niya sa akin. Lilingon ba ako o hindi? Shemay ano bang gagawin ko? Lupa please lang lamunin mo na lang ako.

"Okay lang kahit ayaw mo akong pansinin. Alam ko namang naririnig mo ako. Nag aalala ako sa'yo. Dahil mahal kita." Dagdag niya. Tama ba ang narinig ko? Nabibingi yata ako.

"Oo sir alam ko. Mahal nyo ko bilang estudyante. Bilang nakakabatang kapatid. 'Yun lang wala ng iba. Alam ko naman po may ibang nakakapagpatibok ng puso mo. Nasabi mo na po 'yan sa akin dati. Hindi na ako umaasa sir na sana kahit minsan mapansin mo ko." Sunod-sunod kong sagot sa kaniya.

"Hindi ito ang tamang panahon. We'll see if true love can really wait." Sabi ni sit Gynn.

"Ano sir? Minumura mo ba ko? Pwede bang pakitagalog? English kasi eh hindi ko magets." Nagtatakang tanong ko.

"Basta sana mahintay mo ko sa tamang panahon." Tipid niyang sagot. Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Bakit ko naman siya hihintayin? Eh sabay na nga kaming papasok sa school ngayon.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Kasalukuyan akong nasa loob ng aming classroom at naghihintay sa ibang classmates ko at sa teacher ko.

"Hoy Ayy! Buti pumasok ka na." Masayang bati ni Nerdine. Kararating lang niya at agad siyang lumapit sa akin.

"Oo sabi mo kasi may exam." Walang ganang sagot ko.

"Bakit wala kang gana? Teka may bago akong chika sa iyo. May boyfriend na ko." Kwento ni Nerdine.

"Ha talaga? Sino? Si Chin?" Nagtatakang tanong ko. 'Tong Nerdine na 'to one week lang akong nawala naglumandi na.

"Si Man Lee Daw. Taga section one siya. Mamaya ipapakilala kita sa kanya. Balik na ko sa desk ko ha. Maglalaro pa ko ng flames eh." Masayang sabi ni Nerdine.

Mga ilang saglit lang ay dumating na si Devon at ang pinsan nitong si Matt. Inirapan lang ako ni Devon. Si Matt naman ay mukhang naguilty ng makita ako. Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin dahil dumating naman si Chin.

"Bebs tagal mong nawala ha. Naku war kami ng nerd na 'yan!" Pagoopen niya ng topic

"Ni Nerdine? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Paano kasi kaya pala ako kinaybigan noong Man Lee Daw na iyon ay para makaporma kay Nerdine. Eto namang nerd na 'to. Kerengkeng akala mo mauubusan ng lalaki sinagot agad. Kunwari pa siya na mahal niya ko yun pala ang bilis din niyang magmove-on." Pagkwekwento niya.

"Selos ka naman kasi hindi ka na gusto ni Nerdine? Eh bobo ka pala bakla eh! Kung gusto mo rin pala si Nerdine sana noong una pa lang hindi mo na pinakawalan." Sermon ko kay Chin.

"Wow sa'yo talaga nang-galing na bobo ako bebs? Anyway wala akong gusto kay Nerdine eww! Si Man Lee Daw ang gusto ko. Ako ang nauna sa kanya. Pero beauty ko ang nafriendzone?! Ang sakit lang girl! Parang mang inasal. Tagos hanggang buto!" Pag-eemote niya. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya sa akin.

"Hoy bakla! Diba sabi mo gusto mo kong sumaya para tantanan na kita? Sabi mo pa nga makakahanap din ako ng iba. Ngayon nahanap ko na. Bakit hindi ka pa rin masaya?" Galit na sabi ni Nerdine at nagpamewang pa sa haran namin ni Chin.

"Oo sinabi ko iyon. Pero ayaw ko namang agawin mo ang sa akin!" Sigaw ni Chin.

"There was never on... Teka namental block ako. Tatagalugin ko na. Walang sa'yo Chin. Akin ang boyfriend ko." Sagot naman ni Nerdine.

"Hoy tama na nga 'yan. Lalaki lang 'yan. Ipagpapalit niyo ba ang pagkakaybigan natin?" Pag-awat ko sa kanila.

"Syempre hindi. Ewan ko lang kay Chin." Sagot ni Nerdine at saka nilahad ang kamay kay Chin para makipagkamay.

"Sorry na Nerdine. Sige na sa'yo na si Man Lee. Basta pagnakahanap ako ng fafa 'wag mo ng aagawin ha?" Sabi ni Chin at nakipagkamay din kay Nerdine.

Bigla naman dumating si Ma'am Ramos dala ang exam papers namin. Nagsimula ang exam pero tanging pagtitig lang ang nagawa ko dito. Hindi ko kasi alam ang sagot. Isa pa naalala ko si sir Gynn. Ano kayang ibig sabihin ng sinabi niya?

"Okay class ten minutes na lang. Finish or not finish ipapasa niyo na mamaya ang test papers ninyo." Paalala ni ma'am Ramos.

Tenminutes na lang?! Eh one hour ang time limit ng exam ah. Ganoon ako katagal nakatitig dito sa exam ko? Agad kong binilugan ang exam ko. Hinulaan ko na lang lahat. Kahit ano rin naman kasing pag-iisip ko hindi ko rin masasagutan ng tama. Pagkatapos ng ten minutes ay pinasa na namin ang exam. At umalis na si ma'am Ramos. Pwede na kaming umuwi. Nag-aayos na ako ng gamit ko ng bigla akong tinawag ni Matt.

"Ayy. Sorry ulit. Mahal lang kita. Gusto ko palagi kitang napoprotektahan." Malungkot na sabi ni Matt.

"Huwag mo ng isipin 'yon naiintindihan ko na. Pero sana lumayo ka muna sa akin." Sagot ko at saka umalis palayo sa kanya. Hindi ko ineexpect na masasabi ko iyon sa taong ang ginusto lamang ay mahalin ko rin tulad ng pagmahal niya sa akin. PAG-EBEG NGA NAMAN!

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon