KABANATA 27: Revelation

82 3 0
                                    

KABANATA 27: Revelation

<Ayy POV>

Andito ako sa classroom at busy sa pag tetext habang hinihintay naming lahat si mam Ramos.

Alam nyo naman kaylagan kong malaman ang totoo sa kung sino yung babaeng gusto ni sir Gynn. Syempre joke lang yung suko na ako sa kanya. Diba sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao ipag laban mo.

If you love someone. Love someone okay?!

Kaya full force ko talaga syang ipag lalaban.

*toot toot

Text ni Sir Gynn: Masaya ako kasi makikita na kita ulit mamaya. Ang tagal kasi ng sabado at linggo eh."

Shemay nakakakilig! Namimiss nya ko... grabeh ang haba ng hair ko iba na talaga kapag nag shampoo ka ng joy.

Reply ni Ayy: Ayeeee si Si Gynn para kayong ice cream kasi nakakatunaw ka sa tamis.. I miss you too sir. Heart heart!

"Uy! Nakakapangselos ka na huh?! May pangiti ngiti ka pa dyan." Bulong sakin ng katabi at contract boyfriend kong si Matt.

"Matt alam mo naman yung tayo diba? And I'm sorry dahil doon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Alam ko. At masakit para sa akin yun Ayy. Ang hirap ikontrol ng nararamdaman ko para sayo. Isa pa, hindi ka lang umaasa sa wala nagmumukha ka pang tanga!" Sagot nya.

"Pinagtataasan mo ba ko ng boses Matt? Yan ang hirap sayo eh hindi mo macontroll yang pagkasiga mo. Tsaka anong ibig mong sabihing nagmumukha akong tanga?" Nagtatakang tanong ko.

"Look I'm sorry Ayy hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Kaylangan mong malaman ang totoo hindi si sir Gynn ang katext mo." Mahinahong sabi ni Matt.

"A--anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko?

"Si Devon, sya ang katext mo. Pinaglalaruan ka mg pinsan ko Ayy. Tama na andito naman ako eh hindi mo kaylangan mag sumiksik sa taong ayaw sayo." Pagpapaliwanag nya.

"Ano?! Seryoso ka ba? Paano mo naman nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

*FLASH BACK

*toot toot toot! (1 new message)

"Teka cellphone ni Devon yun ah? Haay si Devon talaga iniwang nakacharge ang cellphone nya tsk. Dangerous talaga yung babaeng yun." Sabi ko sabay hugot ng charger sa socket.

*toot toot toot! (2 new messages)

"Hmm importante siguro to kaya text ng text. Mabasa nga para masabi ko mamaya pag dating ni Devon na may nagtext sa kanya." Sabi ko sabay pindot ng read button.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon