KABANATA 13: Decorations

171 3 0
                                    

Happy 5k reads :)

picture of Chin on the side -->

<Matt POV>

Linggo ngayon at eto rin ang araw na gagawa kami ng decorations para sa classroom namin.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at tintiningnan ang aking kabuoan.

Ang gwapo ko naman pero bakit si sir Gynn pa ang nagustuhan ni Ayy... (sigh)

Darating ang panahon magbabago din yan nararamdaman mo Ayy at ako na ang gugustuhin mo at kapag nangyari yon...

Hinding hindi ko na itatago kahit kanin ang nararamdaman ko para sayo. Magiging akin ka din..

Tumingin ako sa suot kong G-Shock na kulay itim na relo, alas-9 na ng umaga.

Kaylangan ko ng sunduin si Ayy.

Lumakad ako at lumabas ng aking kwarto. Pagkatapos ay lumabas ako ng aming bahay at nagtungo sa parking lot. Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay ako ng sports car kong kulay pula at minaneho ko ito.

Mga ilang kanto lamang ay nakarating na ako sa bahay nila Ayy.

"Tao po?! Tao po?!" - sigaw ko para marining ako ng tao sa loob ng bahay nila Ayy.

Lumabas naman ang babaeng naka green na daster. Siguro ito yung nanay ni Ayy.

"Magandang umaga po, si Ayy po?" - nagtatakang tanong ko sa babae.

"Ay pasok ka iho." - sabi nung babae at pinatuloy ako sa bahay.

Hindi naman ako nag atubili at pumasok ako sa loob ng bahay. At ganun na din ang nanay ni Ayy.

Pag pasok ko ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakasalamin, katamtaman ang katawan pero ang laki ng tiyan at nagbabasa ng dyaryo Eto siguro ang tatay ni Ayy.

"Magandang umaga po sir." - bati ko sa lalaki.

"Magandang umaga iho. Ang aga aga naman ata ng panliligaw mo sa anak ko. Hindi ka naman excieted nyan?" - tanong nung lalaki habang patuloy na nag babasa ng dyaryo.

"Ay hindi po ak-----" naputol na sabi ko dahil sa tunog na ito..

Blaaaaaaaaaag! "Aaaaaaah!"

Isang malakas na tili at kalabog.

Sino pa ba ang pinaka epic na babaeng nakilala ko kundi si Ayy. Nalaglag mula sa ikatlong baitang ng hagdan at kasalukuyan nakasubsob ang muka sa sahig.

Cute pa naman kaso tanga lang, buti na lang mahal ko yan.

"Ayy anak ngayon ka pa inatake ng katangahan mo andito pa naman yung manliligaw mong gwapo." - sabi nung lalaki habang nakatingin kay Ayy na nakasalpak parin ang muka sa sahig.

Gusto kong tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang.

Tumayo naman sya at tumingin sa akin.

"Matt? Ang aga mo ah?!" - nagtatakang sabi nya. Teka anong nakakagulat? Eh sinabi ko naman na dadaanan ko sya dito ng umaga.

"Papa si Matt po classmate ko." - sabi ni Ayy habang nagtatanggal pa ng muta. Grabeh ewan ko ba bakit minahal ko tong klase ng babaeng to.

Tumango lang ang tatay nya.

"Sandali lang maliligo lang ako. Tapos aalis na tayo." - sabi ni Ayy buti naman at naalala na nya.

Makalipas ang 123456789... Tapos na si Ayy maligo at nagpaalam na kami sa nanay at tatay nya at tuluyan na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse kong nakaparada sa tapat ng bahay nila. Pag sakay namin ng kotse ay minaneho ko na ito.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon