"Shit! Shit!"
Napabalikwas ako ng bangon ng bigla akong magising dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa balat ko. Napatingin ako sa orasang nasa bedside table ko. It's almost 9 in the morning. At 30 minutes nalang late na ako sa trabaho. Ang dami pa namang pinapagawa ngayon ng Presidente ng company namin sa team namin!
Yung halos isang oras kong pag-aayos kapag nagigising ako ng maaga ngayon halos natapos ako sa lahat sa loob lang ng 15 minutes! Bakit ba kasi nagpakapuyat ako kagabi sa walang kabuluhang bar na yun!
After kong mag-ayos ng sarili ko.. Chineck ko pa rin ang ayos ko sa whole body mirror na nasa gilid ng cabinet ko. Okay na to!
Nagmamadali akong lumabas ng building ng condo at pumara ng taxi. Mabuti nalang at saktong paglabas ko may nakahinto ng taxi! Kaya nakaalis kami agad. Wala pang 10 minutes at nakarating na kami sa company. Medyo malapit ang company sa condo ko. Pwedeng walking distance kung masipag ka. Pero kung hindi naman. Taxi! Mabilis kong inabot ang 100 pesos sa driver at hindi ko na kinuha yung sukli kong 39 pesos sa sobrang pagmamadali ko.
Pagdating ko sa entrance agad akong nagsign in sa log book ng guard namin.
"Good morning Ma'am Glaiza. Mukhang nagmamadali ka ngayon ah." Bati sakin ng guard namin. Medyo kaclose ko na to dahil nauna pa sya sakin dito. At halos araw-araw nya akong binabati tuwing papasok. Walang palya!
"Oo Kuya Neil. Late na kasi ako eh. Sige. Sige. Pasok na ako ha. Bye."
Nagpaalam na ako sakanya. I waved my hand as my goodbye to him and he did the same thing.
Pagpasok ko sa elevator agad kong pinindot yung 5th floor kung nasaan ang office namin. Tumingin ako sa suot kong wrist watch at 3 minutes nalang 9:30 na. Mabuti nalang at mala-ninja pa rin akong kumilos katulad ng dati. Good job! Puri ko sa sarili ko.
Ting!
Bumukas na yung elevator. Palabas na ako ng biglang may pumasok at nagkabanggaan kaming dalawa.
"Sorry Miss. Nagmamadali lang."
Hindi na nya ako nahintay na makapagsalita. Pumasok na sya sa loob at nagsara na yung elevator pero nasulyapan ko pa yung mukha nya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa sakanya. Pumunta na ako sa desk ko. Naabutan ko doon sila Kylie at Sanya na busy na sa computers nila.
"Look who's here." Bungad ni Kylie sakin. Tumayo sya at lumapit sakin to make beso with me.
"Good morning." Bati ko sakanya.
"Good moring to you too, Lady!"
Napatingin ako kay Sanya. I think she didn't notice me. Masyado syang busy sa ginagawa nya.
"Busy ang lola mo! May date ata mamaya with Rocco." Biro ni Kylie. Yeah.. Rocco is Sanya's crush since first day. And I think hanggang ngayon naman.
"Narinig ko yun Ky! Stop mentioning his name. Baka marinig ka nun. Alam mo naman yung ugok na yun. Malakas pa sa hangin ang kayabangan." Bira naman ni Sanya kahit busy pa din sa ginagawa.
"Pero mahal mo." Sagot naman ni Kylie.
"Tsk." Si Sanya.
Napailing nalang ako sa dalawa. Nagsisimula na naman silang mag-asaran. Umupo na ako sa desk ko at inopen na yung computer. Kailangan kong tapusin ang lahat ng trabaho ko ng maaga. Medyo inaantok pa kasi ako kaya gusto kong makauwi agad. Baka mag-over time na naman ako pag hindi. Pass muna ako sa OT na yan.
"Ms.De Castro."
Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Klea, yung secretary ni Ms.Chua ang presidente ng company na 'to.
"Ms.Chua wants to talk to you. Pumunta ka nalang daw sa office nya.
"Okay. Susunod ako."
Klea gave me a genuine smile tapos umalis na.
"Goodluck." Sabi ni Sanya.
"Kay Ms.Chua o kay Klea? Hahaha." Sabi naman ni Kylie sabay tawa at nag-apir pa yung dalawa.
"Mga siraulo. Tigilan nyo si Klea ha. Kaya hindi lumalapit satin eh."
"Bakit? May sinabi ba kaming mali?" Tinaasan ako ng kilay ni Kylie.
"Whatever."
"Hahahaha. Pikon."
Tumayo na ako at pumunta na sa office ni Ms.Chua. Iniwan ko na yung dalawa kong kaibigan na baliw.
After ng pag uusap namin ni Ms.Chua, bumalik na ako sa desk ko. Sinabi nya lang naman na may bagong empleyadong papasok bukas sa team namin. At ako ang naka-assign para turuan sya sa lahat. Kahit ata ayaw ko, wala na akong choice. President na ang nagsabi sakin na ako dapat. Edi.. okay ako.
"So may bago pala tayong ka-team?" Kylies asked. So I nodded!
"Sana lalaki tapos gwapo yung pwedeng jowain. Haha." Sabi ni Sanya na natatawa pa.
"Ay Korek." Pagsang-ayon naman ni Kylie. "What do you think Glai?"
"Gusto ko nalang matapos ang pagtuturo ko sakanya agad. Sana madaling matuto." Sagot ko.
"Bitter. Hahaha."
Inismiran ko si Kylie. Kahit kailan talaga ang isang 'to. Naiiling nalang akong lumabas ng elevator pagkabukas nito.
"So what's the plan now? It's too early para umuwi agad. We finished our work so we deserve a drink. What do you think?" Kylie asked.
"Ky, I think that's a bad idea." Sagot naman ni Sanya.
"What?" Bakas sa mukha ni Kylie yung pagkagulat. Yeah, kahit ako nagulat din sa sinagot ni Sanya. Kapag nag-yayaya kasing lumabas si Kylie lagi syang uma-agree dito. "Why? Glaiza?" She looked at me and giving me a questioning look or.. naghihintay sya na ako naman ang um-agree sakanya this time.
"I think.. Sanya is right. I'm tired Ky. Ayaw ko munang lumabas tonight."
"Oh c'mon guys. Just one shot." Pagpipilit samin Kylie.
"Next time, Ky. I need to go home early. Nagluto si Mommy for our dinner eh. Una na ako ha. Bye. Take care guys." Paalam ni Sanya samin tapos sumakay na sya ng taxi na pinara nya.
Right after umalis ni Sanya ako naman ang kinulit ni Kylie. "Glaiza? Ayaw nyo ba talaga?"
"I told you, not now. I'm tired. I want to rest. Bye, Ky. Bawi kami next time. Umuwi ka na din. Love youuu."
Ako naman ang sunod na sumakay ng taxi.
Pagdating ko sa condo. Binaba ko yung bag sa kama at nagpunta ako ng closet ko at nanguha lang ako ng loose shirt at short. After kong magpalit ng damit ko. Humiga na ako ng kama. Tinignan ko yung oras. 7 pm palang pero yung katawan ko bagsak na bagsak na. Pagod ako. Pagod na. Gusto ko ng magpahinga. So I closed my eyes and I felt the water fallen into my eyes. I wiped the tears away at nagfocus nalang ako sa pagtulog ko.
Goodnight!