Chapter 6

271 12 2
                                    



Ruru's POV





11:30 pm ng maisipan kong lumabas at magpahangin sa tabing dagat. May dala pa akong sapin para makahiga ako ng maayos. Nadaanan ko pa ang kwarto nila Kylie, Sanya at Glaiza. Wala sa sariling nag-eardrop ako sa loob. Wala akong marinig. Malamang Ezekiel! Tulog na sila. Sambit ng isip ko. Napailng nalang ako. This is not me. Hindi ko ugali ang nag-eeardrop sa kwarto ng may kwarto. Ngayon ko lang ginawa to.



Paglabas ko palang ng pinto. Agad na sumalubong sakin ang malamig na hangin. Nakakarelax dito. Ilang linggo palang ako sa trabaho pero para na akong stress agad. Buhay Ruru.



Malayo pa ako sa dalampasigan ng may mapansin akong nakaupo doon. Wait. Nakaupong puti. Napahito ako sa paglalakad ng maalala kong malapit na ang pyestang patay. Nagsitayuan ang balahibo ko sa braso ng biglang umihip na naman ng malakas ang hangin kasabay ng unti-unting paggalaw nung puti. Halos himatayin ako sa takot. Mahina loob ko pagdating sa horror. Napa sign of the cross pa ako ng konti nalang.. konti nalang at halos mag 360 na ang ulo ng nakaputi pero nawala ang lahat ng takot ko ng makilala ko kung sino yun. Si Glaiza. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga minumulto na ako.


Lumapit ako sa kanya. "Bakit nandito ka?" Tanong ko sakanya habang nilalatag ko yung sapin ko sa buhangin. May sarili naman syang dala.


"Kailan mo pa nabili ang resort ni Ms.Chua?" Sagot nya sakin. Napatingin ako sakanya. Pilosopo talaga ang isang to. Nakatingin lang din sya sa dagat.



"I mean. Bakit di ka pa natutulog? Tapos nakabalot ka pa ng puti dyan. Akala ko tuloy kanina minumulto ako."



"Kalalaki mong tao takot ka sa multo." Bulong nya pero rinig ko naman.



Humiga ako. Ang daming stars ngayon sa langit. Ang saya nilang pagmasdan dahil sabay sabay silang nagkikislapan.



"Ang ganda ng mga stars noh." Napatingin ako kay Glaiza. Nakatingin din sya sa langit ngayon.



"Ang ganda nga." Sabi ko habang sakanya nakatingin.



"Pero kahit anong ganda nya. Hinding hindi mo sya makukuha." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Yung makikislap ngayon. Baka bukas biglang mawala na ang kislap. Dahil wala namang permanente sa mundo. Akala mo malapit lang sila. Pero ang totoo, sobrang layo."



Habang sinasabi nya ang mga yan. Nakatingin lang ako sakanya. Para bang may isang bagay na naman sakanya na gusto ko pang malaman. Makikita mo sa mga mata nya ang lungkot.



Itinaas nya ang isang kamay nya at parang sinusukat ang laki ng isang star gamit ang hinlalaki at hintuturo nyang daliri.



"Sa gantong posisyon. Maliit lang sya. Pero pag nalapitan mo. Malaki pala. Niloloko lang tayo ng bawat bagay sa mundong to. Walang kasiguraduhan ang lahat mundong to. Ang mga bagay na hawak mo. Pwedeng mawala. Tulad nyang mga bituin. Mawawala din yan pagdating ng araw. Ang alon ng dagat, sa ngayon malakas pero darating yung oras na hihina din yan....."



"Te-teka lang Glaiza ha." Pagpigil ko sakanya. Hindi sya tumingin sakin pero alam kong naluluha sya. "Saan mo ba nakuha ang mga sinabi mo? Ang lalalim eh."



"Sa mundong to. Kailangan mong maging aware sa lahat ng bagay na pwedeng mawala sayo." Tumayo na sya tapos kinuha nya yung sapin na gamit nya.



"Saan ka pupunta?"



"Matutulog na ako. Masyado na akong nilalamig dito."



The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now