Chapter 4

279 9 0
                                    




"Okay guys. Nandito tayo ngayon sa resort para sa team building natin. Pero.. bukas pa naman yun....."


"YOWN!"


Natawa ang lahat sa naging reaksyon ni Rocco at Pancho.


"Tuwang-tuwa ang mga bata." Komento naman ni Kylie.


"Enough, Kylie and Rocco. For now, enjoy the moment. Lumanghap na kayo ng sariwang hangin. At mamayang gabi... kayo ng bahala sa gusto nyong gawin. Do whatever you want guys. Basta bukas, start na tayo ng mga activities. Are we clear, guys?" Nakangiting tanong ni Ms.Chua sa lahat.


"Yes Ms.Chua." sabay sabay na sagot ng lahat habang sila Pancho at Rocco ay pumapalakpak pa.


"Tuwang-tuwa talaga ang mga boys." Sambit ni Ms.Chua.


"Naku Ms.May naisip na kasi silang gagawin para mamaya. Haha." Pambubunyag naman ni Kylie sakanila.


"Ow. I see. So paano. Hindi ko na patatagalin to ha. Sa cottage nandun na ang lunch ninyo. Enjoy guys. And see you tomorrow. Bye."


"Bye Ms.Chua. Thank you." Paalam nila Kylie.


Pagkaalis ng boss nila. Nagkanya-kanya na silang gawain. Ang ilang dumiretso sa kwarto at magpapahinga. Habang sila Rocco at Pancho tumakbo agad sa dagat para maligo at damahin ang lamig ng tubig. Hinila din nila si Ruru at Phytos na hindi naman nakatanggi.


Sila Kylie, Glaiza, Sanya at Mikee naman nasa cottage at pare-parehas na gutom. May ilan din silang kasama sa cottage na sa kabilang team.


"Titig na titig, Glaiza?" Puna ni Kylie sa kaibigan ng mapansin nya kung saan nakatingin si Glaiza.


Nakatingin ito sa mga kaibigang lalaki na nagkakatuwaan sa tubig. Pinagmamasdan nya si Ruru na shirtless at kitang kita ang katawan nito na ma-abs.


Nag-iwas ng tingin si Glaiza. "Ano bang sinasabi mo dyan, Ky. Don't make any issues between me and Ruru."


"Oh yan ha! Hindi ko nilagyan ng pangalan. Ikaw ang naglagay. Haha. Gotcha." Pang-aasar ni Kylie sa dalaga. "Pwede namang si Phytos ang tinitignan mo diba? Hahhaa." Dagdag pa nito.


Tila umatras naman ang dila ni Glaiza ng marealized nya ang sinabi ng kaibigan.


"Ikaw ang gumagawa ng issue. Not me." Kylie said.


"Whatever." Naiiling na sambit ni Glaiza.


"Uy, tignan nyo yung SEXy ni Ruru. My gosh! Ganyan yung mga...."


"Mikee.." saway ni Sanya sakanya dahil alam nyang sya ang tinutukoy ni Mikee.


"What? Ate Glai diba tama naman ako? he's so goddess...."


"I don't think so. Para lang naman na baby fats ang meron sya not abs." Sagot ni Glaiza.


"Owww." Nasambit nalang ni Kylie.


"What? Ate Glaiza, I thought you and Ruru have a romantic.."


"What? No. Wala kaming romantic relationship ni Ruru. Okay. Hindi pumasok sa isip ko yan. Never."


"Hays. Kailan ba ako makakatapos ng sasabihin dito?" Pabulong na sambit ni Mikee.




//





Nasa buhanginan ngayon sila ang magkakaibigan kasama ang ibang team. Ang ilan naman hindi na sumama dahil maagang nagpahinga.


Nakapaikot sila ngayon sa bonfire na ginawa ng mga boys. Ang pwesto nila from Kylie to left,
Sanya, Glaiza, Mikee, Phytos, Rocco, Ruru, Pancho and the rest is from other team na.


"So guys. Are you ready for tonight?" Tanong ni Kylie na halatang excited sa gagawin nila.


"Simulan na yan. Wag ng patagalin. For sure mag-eenjoy ang dalawa satin ngayong gabi." Nakangiting sambit ni Rocco.


"Ano bang gagawin?" Bulong ni Ruru sakanya. Pero himbis na sumagot ay ngumiti lang ito at tinanguan ang kaibigan.


"Abang ka nalang." Bulong naman ni Pancho sakanya.


"Owkay. If you can see. Meron akong ditong two fish bowls." Itinaas ni Kylie ang hawak nyang fish bowls. "At may mga papers sa loob. At nakasulat dito ang pangalan nating lahat. One for boys and one for girls."


"Ow. Mukhang gusto ko yan ha." Pagkukunwaring walang malay na si Rocco sa gagawin nila.


"Bubunot ako ng isa sa boys at isa girls. Then kung sino ang mabubunot ko, kailangan nilang makulong in one room hanggang bukas ng 7 am...."


"What? Seriously, Ky?" Gulat na tanong ni Sanya sakanya.


"Ay bongga." Pumapalakpak na sambit ni Mikee.


"Yes. Nakalock ang pinto. No tv's. Phones or kahit na ano. Just the two of you. Merong wines, syempre bed. Kayo ng bahala kung anong gusto nyong gawin. Do whatever you want. Malalaki na kayo. Hahaha." Natatawang paliwanag ni Kylie sa lahat. "Let start this. Game."


"GAME."


"Sana gwapo mabunot. Ow.. hindi sana si Ruru mabunot at ako. Omg. Kahit hindi na ako humiwalay sakanya." Kinikilig na sambit ni Mikee sabay kapit pa sa braso ni Glaiza.


"Umayos ka nga dyan, Mikes. Ang bata mo pa ha."saway naman ni Sanya.


"Tse."inirapan nya si Sanya.



"Give me a drum sound Rocs habang bumubunot." Request ni Kylie. Nagsounds naman na parang drum si Rocco at Pancho na ikitawa ng iba nilang kasama.


Bumunot si Kylie sa lalaki. "And for boys, Ow. What a warm welcome for Ruru ha." Ipinakita ni Kylie ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Ruru.


"Wooooah. Nice. Goodluck, Ru." Sabay siko ni Rocco sa kaibigan.



"Ru, dito ka sa tabi ko. Bubunutin natin ang lucky girl na makakasama mo for tonight.. or not just for tonight.. malay mo naman forever na."


"Asa namang may forever sakanya." Bulong ni Glaiza.


"Omg. Sana ako ang mabunot." Parang kinikiliting sambit ni Mikee.


"Drum rolls again boys... and for the lucky girl..." bumunot si Kylie ng isa pa.. "Ow. What a nice pair. Glaiza." Pinakita nya dito ang papel na nabunot nya.


"What? Bakit ako?" Iritang tanong ni Glaiza.


"Ask mo sa fish bowl, Ate. Hehe. Go ate." Sambit ni Mikee.


"Glaiza, dito ka sa tabi namin. Tabihan mo yung partner mo. Daliiiii."


Walang nagawa si Glaiza kundi ang tumayo sa tabi nila Kylie at Ruru. Pero hindi nya pinansin si Ruru.


"Palakpakan naman natin ang pair natin tonight."


"Woah. Galingan nyo ha." Sigaw ni Ruru.


"Ru, be a man!" Sambit naman ni Pancho.


Naiiling nalang na napatingin si Ruru kay Glaiza na hanggang ngayon ay iwas pa din sakanya.



The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now