Ruru's POV
"ANO BA RURU! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYONG HINDI MO NA KAILANGANG GAWIN 'TO? HINDI NA NATIN ITUTULOY ANG KASAL. WALA NA ANG BATA. WALA NA ANG ANAK KO. WALA KA NG PANININDIGAN SAKIN. WALA NA!!! SO PLEASE. STOP THIS NONSENSE STUFF!!!!" sigaw ni Gabbi habang binabato ang mga pictures na inabot ko sakanya para sana kasal namin. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon nya.
"Pero Gab. . ."
"Leave, Ru. Leave me alone please." This time naging mahinahon na ang boses nya. Umupo sya sa kama at napasapo nalang.
Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ni Gabbi. Pero hindi ko inaasahan talaga na ganito kagrabe ang reaksyon nya. Kahit ang kasal ay ayaw na nyang ituloy.
Nakokonsensya ako dahil alam kong may kasalanan ako dito. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng magiging anak sana naming dalawa. At kahit gustuhin ko mang gawin na itigil ang kasal ay hindi ko magawa. Kinausap ako ng tatay nya last night at sobra ang galit sakin. Sinabi nya na kahit anong mangyari ay itutuloy pa rin ang kasal. Sa ayaw man o sa gusto ni Gabbi.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta nalang ng kitchen para ipagluto sya ng makakain nya.
Ano bang nagawa kong kasalanan para magkaganito ako? Bakit nangyayari sakin ang lahat ng ito? Bakit kailangang madamay ni Gabbi at ng magiging anak namin?
Bandang tanghali na ng lumabas si Gabbi sa kwarto nya. Bihis na bihis at mukhang may lakad.
"Aalis ako." Paalam nya sakin. Akala ko hindi nya ako kakausapin eh.
Binaba ko yung hawak kong baso sa mesa. "Saan ang punta mo? Kailangan mo ng pahinga, Gab."
"To our wedding coordinator." Para akong nabingi sa sagot nya sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. I'm still in a shock. "Itutuloy ko ang kasal."
"But I thought. . ."
"No, Ru. I changed my mind. Nawala na sakin ang anak ko. Hindi ko na hahayaang pati ikaw mawala sakin. So be ready to our wedding. Kung ayaw mong maki-cooperate sa paghahanda that's fine. Presensya mo lang ang kailangan doon at ang I do mo." Sunod-sunod na litanya ni Gabbi.
Hindi na ako nakasagot pa. Lumabas na sya ng condo at naiwan akong tulala. Seryoso ba sya? Or it was my. . . .naguguluhan na ako sa nangyayari.
//
Glaiza's POV
Nabalitaan ko ang nangyari sa magiging anak nila Ruru at Gabbi kila Rocco. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanila. Nang awa for Gabbi. Hindi ko pa man nararanasan ang mawalan ng anak pero mukhang hindi ko na kakayanin pag nangyari pa.
Nasa mall ako ngayon to buy some stuff para sa kwarto ni Rere. May nabili na akong dalawang unan na may print ng Sophia The First. Ofcourse, Rere's most favorite. Kumot at ilang gamit nalang ang kailangan kong hanapin. Darating na kasi sila ulit dito sa manila bukas. Gusto kong maayos ulit ang kwarto ni Rere.
Paliko na ako pakanan ng biglang may nakabanggaan ako. Hindi naman kami natumbang dalawa dahil medyo mahina lang ang pagkakabangga namin sa isa't-isa. And to my surprise. . Si Gab ang nakabanggaan ako.
"Hi." She greeted me awkwardly. Alam kong nabigla din sya sa pagkikita naming dalawa.
"H-hi." I greeted her back.
"What are you doing here? I mean. . .nasaan ang baby mo? Hindi mo ba sya kasama? Gusto ko pa naman syang mameet."
"Ah. .a-ano. Ahm. ." Bakit ba ako nauutal. Bakit ako kinakabahan na kaharap sya.
"Maybe next time. Kung meron kayong free time ni Rere. You can visit us sa condo. I'll cook for you guys. I'm pretty sure na miss na miss na ni Ruru si Rere." Ngumiti si Gabbi.
"Oo naman. Pag dumating na ang anak ko. Dadalhin ko sya sa inyo. P-paano m-mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako."
Lalakad na sana ako nang magsalita ulit si Gabbi.
"Oh by the way, Glaiza." May kinuha sya sa bag nya na maliit na envelope at inabot sakin yun.
Bago ko kunin. Napatitig pa ako. Sa harap ng card nakita ko yung name nilang dalawa ni Ruru. It's an invitation.
"Punta ka sa kasal namin ni Ruru. Kayo ng anak mo. Oh by the way, flower girl nga pala si Rere ha. Kaya sa practise ng wedding dapat nandun din sya. I'll text you the details nalang."
"W-wala ka namang number ko."
"Kukunin ko kay Ruru." Sagot nya sakin. Bumeso pa sya sakin bago sya tuluyang umalis.
Hindi ako agad nakapagreact. Pinanuod ko lang sya habang papasok sa elevator ng mall. Hawak ko ang wedding invitation nilang dalawa ni Ruru and I must admit. . .masakit. pero dapat hindi ako nasasaktan because of that. Dahil lang sa ikakasal sila kundi dahil. .para kay Rere. Gustong mameet ni Rere ang Daddy nya pero paano ko ipapakilala si Ruru sa anak ko kung ikakasal sya sa iba. Siguradong magtataka yung bata.