Chapter 26

245 13 5
                                    





"Thank you talaga sa pagpunta, Sans, Ky. Kahit na malayo to. You made time para lang makapunta kayo." I hugged them. Niyakap din nila akong dalawa.

"Sus. Si Rere pa ba."

"Basta para kay bagets."

Sabi ni Kylie at Sanya pagkabitaw nila sa pagkakayakap sakin.

"Talagang para lang kay Rere ha?" Taas ang isang kilay kong tanong sakanila saka ako ngumisi.

"Hahaha. Selos ka naman. Sige na nga. Basta para sa inyo ni Rere." Sabi naman ni Sanya.

"Baliw. Sige na. Umuwi na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan."

Pagkasabi ko nyan. Sakto naman ang paglapit samin ni Rocco galing sa loob.

"Tara na?" Aya nya sa dalawa. "G, balik ka agad sa office ha."

Niyakap nya ako.

"Oo naman. Sa monday, papasok na ako. Yung free lunch ko ha." Biro ko sakanya.

"Kuripot ka talaga. Hahaha." Natatawa myang sabi.

"Sige na. Ingatan mo yang dalawa ha. Umuwi na kayo agad. Baka kung saan mo pa dalhin yang sila Kylie at Sans ha."

"Ito naman. Oo na po, Nay. Uuwi kami agad."

"Sira. Go na. Bye."

Bumeso sakin sila Sanya at Kylie. Nauna din silang pumasok sa kotse dahil pinagbuksan pa sila ng pinto ni Rocco. Gentleman talaga. Haha

"Bye." Kumaway pa si Rocco bago tuluyang pumasok sa kotse at nagdrive na.

Pinanuod ko lang ang pag-alis nila hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila.

Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si Ken na nakaupo malapit sa garden ng bahay namin. Kanina pa kaya sya dyan? Akala ko nakauwi na sya.

Naglakad ako papalapit sakanya. Mukha namang naramdaman nya agad ang presensya ko at tumingin sya sakin.

"G. . ." Ngumiti sya.

"What's up? Sorry ha. Hindi tayo nakapagkwentuhan kanina. Daming tao eh." I smiled at him. "Thank you sa pagpunta."

"Ano ka ba. Okay lang. Hindi kayo iba sakin. Haha." Natawa sya sa sinabi nya.

Katahimikan. Katahimikan ang namamayani samin ngayon ni Ken. Paano ko ba itatanong sakanya ang ginawa nya kanina sa party? Paano ko itatanong sakanya kung bakit?

"Sige na, G. Pumasok ka na sa loob. Samahan mo na si Rere. Uuwi na din ako. Good night, G." Tumayo si Ken at naglakad na palayo sakin. Pinanuod ko lang din sya na makaalis.

Bakit pakiramdam ko, ang unfair ko sakanya? Bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali sakanya? Ang unfair ko ba? Ano nga bang nagawa ko?

Napaiwas ako ng tingin ng bigla syang lumingon sakin. I feel guilty pero hindi ko alam kung bakit.

Paglingon ko ulit sakanya. Wala na sya sa gate. Umalis na talaga sya.

Nag-stay pa ako sa labas ng ilang minuto. Nagmumuni-muni. Masaya ako sa araw na to. Sobrang saya. Makita ko lang ang anak ko na masaya. Masaya na din ako.





Pagpasok ko sa loob. Naabutan ko si Rere na tulog habang yakap sya ng natutulog na si Ruru.

Bakit nandito pa sya? A-akala ko nakaalis na sya kanina pa?

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Sayang naman ang ating nakaraan." Pakanta-kantang sambit ni Yna. Nasa tabi ko sya ngayon. Siraulo talaga.

"Tumahimik ka nga dyan, Yns. Baka magising yang si Ruru. Kung ano pang isipin." Saway ko sakanya.

"Asus. Deny. Alam ko naman na you still love him, diba? Kita ko sa mga mata mo. Don't deny it, Ate G. Transparent ka masyado. Haha."

"Ang dami mong napapansin. Magligpit ka na nga lang sa kwarto ni Rere." Utos ko sakanya. Kaso ang kapatid ko dakilang malisyosa.

"Doon mo patutulugin si Kuya Ruru?" Pinandilatan ko sya ng mata. "Nagtatanong lang eh. Bakit ka namumula? Ayiiieh, si Ate."

Naiiling akong lumapit kay Rere para kunin sya. Hindi ko kinakaya ang pagiging malisyosa ni Yna. Tsk.

Sa pagbuhat ko kay Rere. Nagising din si Ruru. Nagtagpo ang mga mata namin. Pero agad akong nag-iwas. Yung pakiramdam ko. Bakit ganito? Hindi ko na dapat to nararamdaman pero namimis ko na sya. Miss na miss ko na sya. Pigilan mo Glaiza. Pigilan mo.

Pagkakuha ko sa anak ko. Naglakad ako agad papunta sa kwarto nya. Pero narinig ko pa yung sinabi ni Yna kay Ruru.

"Miss ka na nyan. For sure."

Napapikit nalang ako. Pinipigilan ko ang luhang gustong magbagsakan dahil totoo naman ang sinabi ni Yna.

Pumasok na kami sa kwarto ni Rere at doon na bumagsak ang luhang kanina ko pa gustong ilabas. Hindi ko na dapat to nararamdaman. Hindi na dapat. Mali eh. Maling -mali. Ikakasal na sya. Ikakasal na sila ni Gabbi at magkakapamilya na. Tama na, G. Tama na.











//











Ruru's POV








Umalis ako kila Glaiza ng bagsak ang balikat ko. Akala ko kasi makakausap ko sya. Pero iwas na iwas sya sakin na para bang meron akong sakit na nakakahawa.

Aasa ba ako sa sinabi ni Yna sakin na namimis din ako ni Glaiza? O hindi dapat?

Pero kahit na hindi kami nakapag-usap ni G. Masaya pa din ako dahil nakasama ko sila ni Rere. Nakasama ko ang anak ko sa pinakamahalagang araw nya.

.












Pagpasok ko sa condo. Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng makitang may mga maleta na sa sala. Dumating na kaya ang mga mgaulang ni Gabbi?

Maya-maya pa. Napatingin ako sa kwarto ni Gab ng bumukas iyon. Lumabas doon ang tatay ni Gabbi.

Lalapit na sana ako pero bigla nalang nya akong sinuntok sa mukha at napaupo ako sa sahig. What's wrong with him? Hinawakan ko yung labi kong sinuntok nya. May dugo.

"P-para san po iyon?" Lakas loob kong tanong. Napansin ko pa yung kamay nya na nakasara pa rin. Nagpipigil siguro ng galit. Halata naman sa mukha ni Tito na galit sya sakin ngayon. Pero bakit?

"May gana ka pa talagang magtanong kung para saan yun!" Nagtitiim na ang bagang nya sa sobrang pagpipigil ng galit. Tumayo ako. "Bakit iniwan mo si Gabbi mag-isa? Alam mo ba kung anong nangyari sakanya? Paano kung hindi kami dumating ng Mama nya?"

Sa sinabi palang na iyon ni Tito. Kinabahan na ako agad. Alam kong hindi maganda ang kondisyon ni Gabbi.

"A-ano po bang nangyari?"

"Naabutan namin syang nakahiga sa sahig at puro dugo ang hita nya. And now. I'm asking you. Nasaan ka the whole day? Nasaan ka? Bakit iniwan mo ang anak ko? Bakit mo sya pinabayaan." Sigaw ni Tito sakin.

"I-im sorry po. ."

"Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang anak nyo?"

Napatingin ako sa kausap ko bigla. W-wala na ang magiging anak namin? Anong nagawa ko? B-bakit kailangan mangyari to. Ang selfish mo, Ru. Ang gago mo!

"D-dad?" Sabay kaming napalingon ni Tito sa likod ng may magsalita. Si Gabbi. Pilit syang naglalakad. Nakahawak pa sya sa pinto para may balans sya. Pinilit din nyang ngumiti ng makita nya ako. "Ru, n-nandyan ka na pala."

"Ano pang ginagawa mo dyan. Alalayan mo si Gabbi at dalhin sa loob ng kwarto. Hindi sya pwedeng mag-gagagalaw."

Nagising ako sa sarili kong katangahan ng marinig ko ulit si Tito na magsalita. Agad akong lumapit kay Gabbi at hinawakan ang kamay nya. Bakit kailangan mangyari to sakanya?

Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now