"GLAIZAAAAA." I heard someone shouted. I looked back and saw Ruru running towards me. He look so tired. "Buti naabutan pa kita." He said, hingal na hingal pa dahil sa pagtakbo.
"Bakit ka nandito?" I asked. "Here." Inabutan ko sya ng tubig.
"Ano kasi. Dala ko yung kotse ni Mama. Hatid na kita."
"Seriously, Ru? Bagiou yun. At 12 am na. Anong oras pa tayo makakarating nun. For sure, hindi ka na makakapasok bukas. Tsaka, wala ka pang tulog."
"Okay lang ano ka ba. May tulog naman ako kahit papaano eh. Tsaka hahayaan ba kitang bumyahe mag-isa ng gantong oras? Tignan mo nga. Wala ng tao. For sure bukas pa ang byahe nito."
Napaisip ako. Hindi ko na nga naabutan ang last trip pabagiou. "Pero Ru...."
"No buts. Gusto mo bang hindi makaabot sa birthday ng kapatid mo?"
I just look at him. Pursigido talaga syang ihatid ako. Pero hindi ko pwedeng mamissed ang birthday ni Yna. Hindi pwede.
"Fine. In one condition."
"Ano yun?"
"Akong magbabayad sa gas natin. At sasabihin mo sakin kapag inaantok ka na. Ako naman ang magdadrive. Baka kung mapano pa tayo sa daan."
"Sus. Hahayaan ko bang mapano ka. Eh pakakasalan pa kita."
"Umuwi ka na nga lang. Maghihintay nalang ako dito...."
"Oooh. Joke lang. Tara na. Magbago pa isip mo dyan."
Kinuha ni Ruru ang dala kong bag. Ilang araw din ako samin. Nakaleave na ako kaya wala ng problema. Habang tinitignan ko sya papasok ng kotse. Hindi ko maiwasang mapaisip. Paano ko madedeserve ang gantong treatment kung hindi ko naman kayang ibalik sakanya. He deserves better than me. He deserves more.
"Kwentuhan mo naman ako." Said Ruru. Nakatingin lang sya sa daan. Good!
"Ano naman ikikwento ko sayo? Eh halos araw-araw na nga tayong nag-uusap. Nanggugulo ka pa sakin sa condo ko minsan."
"Hmm." He paused. "About sa kapatid mo. Para naman may alam ako pagdating sakanya. O kaya kahit na ano. Para di ako antukin."
"Ang kulit mo kasi eh..."
"Dali na..."
"Fine." I said, I always gave up to this guy.
//
Nagising ako ng maramdaman kong huminto ang sasakyan namin. Napatingin ako sa paligid namin at...
"O my god! Ruru, bakit hindi mo ako ginising? Hinayaan mo akong matulog."
"Nasa bagiou na tayo. San ba dito ang sa inyo? Hindi ko alam eh." He said. Nakangiti sya at napakamot pa sa ulo.
"Hays. Pasaway ka talaga. Sige na. Dito tayo sa kanan." Naiiling kong sagot sakanya.
Habang nasa daan pa kami. Nakikita ko sakanya lamig na lamig na sya. Nakasuot lang kasi sya ng tshirt at maong pants. Wala naman akong dalang extra panlamig. Kinuha ko yung bag ko na nasa likod. Nilabas ko dun yung isang body towel. Okay na to. Mas makakatulong na to para mabasawan ang lamig nya.
"Lagay mo sa likod mo." Inangat nya ng konti yung likod nya.
"Paki nalang please." Sabi nya.
Oo naman Glaiza, nagdadrive sya. So inayos ko sa likod nya yung towel.
"Thank you. Sabi na nga ba eh. May care ka din sakin." He said.
"Sira. Magdrive ka na nga lang dyan. But seriously, Ru. Thank you..."
Tumingin sya sakin. Nakita ko yung ngiti nya. Sobrang gandang ngiti. "Pogi ko no?" He said.
"Tse."
"Hahaha. Come on, Glaiza. Admit it. You care for me right?" He teased me. Argh Ruru.
"Ru, eyes on the road please." I said. Hindi ko kinakaya yung mga tingin nya sakin. Those eyes gave me a butterflies in my stomach. Na dapat kong iwasan. I'm sorry, Ru. I'm not the one for you.
//
Huminto kami sa isang bahay na sobrang tagal kong hindi nakita. 3 years kong iniwasan ang lugar na to. And here I am now. Nakatayo na ulit sa harap nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. So much pain came into my heart. I slowly closed my eyes but the voice of Ruru interrupted me.
"Glaiza, dito ka na ba? Alis na ako." He said.
"Aalis ka na? Teka lang, Ru. Magpahinga ka muna sa loob. Malayo ang binyahe natin. Hindi pwedeng hindi ka magpahinga."
"Pero hinatid lang talaga kita dito, Glai..."
"Cha?" That name.. the voice.. alam kong kanino boses yun. Kahit hindi ko pa nakikita ang tumawag sakin.
"G-good morning po." Bati ni Ruru.
"Magandang umaga din sayo, hijo."
I faced the person na kausap ni Ruru. "Nay..." I said. Almost whispered. I bit my lower lip. Nararamdaman ko na yung luha na papatak sa mata ko.
"Ate?" Napatingin ako sa tumawag pa sakin. "Ate buti nakadating ka. I miss you so much." Niyakap nya ako. Namiss ko din ang isang to.
"Happy birthday, Yna." I greeted her and gave her a super hug.
"Who is he? Boyfriend mo, ate?"
Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kapatid ko. Tumingin ako kay Ruru na halatang ginaw na ginaw na.
"Ah Nay, Yna.. si Ruru officemate ko. Hinatid nya ako dito dahil di ko na naabutan ang last trip kagabi. Magthank you ka sakanya dahil hinatid nya ako dito. Kung hindi baka hindi ako nakadating dito." I said.
"Ikaw ba si Yna? Happy birthday ha. Sorry wala akong dalang gift."
"Naku Kuya, yung paghatid mo palang kay Ate dito gift na yun for me. Thank you, Kuya. Pasok ka muna sa loob. Halata kasing ginaw na ginaw ka na eh. Pasensya na dito sa Ate ko ha. Inabala ka pa nya." Said Yna tapos inaya na si Ruru sa loob.
Tumingin si Ruru sakin. Yung tingin na para bang nagpapaalam na papasok na sya. Nakangiti sya.. halatang nahihiya sa pamilya ko. I just nod.
Pagdating namin sa loob. Agad na pumunta si Nanay sa kwarto at kumuha ng jacket. Ako naman pumunta sa kusina para ipagtimpla ng kape si Ruru. Kahit ilang taon akong hindi nakabalik dito, parang wala pa ring pinagbago. Ito pa rin yung bahay na kinalakihan ko. Yung bahay na iniwan ko 3 years ago.
"Ate...." I looked back. "Thank you talaga at pumunta ka." Yna said.
"Halika nga dito. Namisa kita, bunso." Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"Daming nagbago sayo, ate."
"Like what?"
"Yan.. yung ngiti mo. Yung..."
"Yna not now."
"Alright. Just saying. Tara na dun sa sala. Nagkakantahan na sila eh." Aya sakin ni Yna. Nauna na syang pumunta sa sala. Naririnig ko na nga ang tunog ng gitara. Bawat tunog may tama sa puso ko. Kaya ayaw ko pang bumalik sa lugar na to eh. Hindi pa ako ready. Hindi pa ako handang harapin ang lahat.