Chapter 25

241 10 0
                                    



Habang nagsasalita si Yna sa harap bilang sya ang nagpresintang maging MC ngayon. Panay ang palakpak ko dahil natutuwa ako sa mga batang nakikisali sa mga palaro. Kahit si Rere ay masayang nakikihalubilo sa ibang bata. Kaya naman sobrang saya kong nakikita syang nakikipaglaro at hindi nahihiyang sumali. Hinahayaan ko lang din sya dahil nasa harap naman si Yna para alalayan ang anak ko. Sa Manila kasi lumaki si Rere at wala syang nakakalarong ibang bata.

"You okay here?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Kylie. Niyakap nya ako. "Namiss kita, G."

"Aw. Namiss ko din kayo ni Sanya." Sabi ko sakanya. Hinawakan ko sya sa kamay na nakayakap sakin.

Nakangiti kaming pinapanuod ang mga naglalarong bata sa gitna. Sabay pa kami ni Kylie na napatalon ng matalo si Rere sa game.

"Out na ang baby mo." Bulong ni Kylie sakin. Nakayakap pa rin sya at mukhang walang balak na bitawan ako. Hindi naman nya ako masyadong namiss noh. Haha.

"Uy sali ako." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Its Sanya na pasugod samin ng nakabukas ang braso. Handa ng yumakap samin. Group hug. "Miss you, guys." Sambit nya.

"Okay. Ang next game natin ayyyy. . . Sack race." Anunsyo ni Yna ng matapos na ang game para sa mga bata. Nakaupo na sila at halatang excited pa din sa susunod na laro. "At ang kailangan ko. . . Daddy, Mommy and Baby. 5 pairs ang kailangan ko. Unahan lang sa pagpunta dito sa harap. Game."

Sa pagbibigay ng hudyat ni Yna. Dali-dali namang nagpunta sa harap ang ilang Daddies at Mommies kasama ang babies.

Pero 3 family palang ang nandoon. Maraming tao dito pero hindi naman buo. Yung iba tatay lang ang kasama o hindi kaya ay Nanay nila.

"Kulang pa tayo ng dalawang group." Sambit ni Yna. Nagpalinga-linga sya sa mga nakaupo pa. "Wala na bang gustong sumali? C'mon guys." Dagdag nya pa ng wala na syang makitang gustong sumali.

"Ako po, Tita." Napatingin ako kay Rere. Tumayo sya at lumapit kay Yna.

Yumuko naman ng bahagya ang kapatid ko at hinawakan sa pisngi si Rere. Napakunot naman ang noo ko ng tumingin sya sakin bago ilapit ang mukha nya sa tenga ni Rere. May binulong ata sya. Pagkalaki-laki pa ng ngiti nya matapos nyang bulungan ang anak ko. Ano na naman kayang kalokohan ang sinabi nya sa bata.

Tumatakbo si Rere palapit kay Ruru. Hinawakan nya ito sa kamay at hinila patayo. Tumayo naman si Ruru at sabay silang naglalakad palapit sakin. Teka, oo palapit sakin.

Tinignan ko yung dalawa kong katabi na sila Sanya at Kylie. Wala na sila sa tabi ko. Nakita ko sila sa table nila at pumapalakpak na nakatingin sakin.

"Mama, sali po tayo nila Tito Ruru." Sabi ni Rere pagkalapit nila sakin.

Tumingin ako kay Ruru. Nakangiti lang sya habang nakatayo at hinihintay kami ng anak namin.

"Pero Re, diba sabi Mommy at Daddy ang dapat kasama."

"But Tita Yna told me na okay lang daw po na kasali si Tito Ruru."

Pagkasabi nun ni Rere. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. Nakathumbs-up sya sakin. Tuwang tuwa sa ginawa nya.

"Please Mama." Pagpapacute ni Rere sakin.

"Sige na, Glai. Birthday naman ng anak nat-" napahinto sya sa sasabihin nya sana. "A-anak mo." Nauutal nyang sabi.

Hindi na ako nagsalita. Binuhat ko na si Rere at nagpunta sa harap. Nagpalakpakan na ang mga tao dahil mag uumpisa na ang laro. Sila Rocco, Sanya at Kylie naman, ayun sumisigaw pa. Mga loko talaga.

"Humanda ka sakin after ng party." Pagbabanta ko kay Yna ng makalapit ako sakanya. Pero syempre binulong ko lang sakanya. Nakangiti pa nga ako habang sinasabi ko yan eh.

"This is not my idea, Ate. Ayun oh." Ngumuso sya sa direksyon kung nasaan ang nagsabi ng idea na yun. Nakita ko doon si Kennedy na nakatayo. Nakangiti sya sakin at kumaway pa. Oo nakangiti sya pero bakas sa ngiti nya ang lungkot. Dalawang birthday ni Rere na sya ang kasama namin at hindi si Ruru. Maging ako ay nasanay na din na sya ang kasa-kasama ng anak ko.

Pero bakit nya 'to ginagawa. Pwede naman na sya ang pumunta dito sa haral kasama namin at hindi si Ruru. Anong pumasok sa isip nya. I'll talk to him later nalang. Ayaw kong masira ang mood ko sa kahit na anong magiging dahilan nya. Kennedy is my friend at malaki ang utang na loob ko sakanya.

"Okay. Since kumpleto na ang families natin. Start na natin ang game."

Sinabi ni Yna ang mga rules na dapat gawin. Mauunang mag-uunahan ang mga bata. At kapag nakabalik na ang mga ito sa starting line ay sasama na ang Mommy at pagbalik ulit ang Daddies naman ang huli.

"Ready na, Babies?" Tanong ni Yna.

Napansin ko naman na yumuko si Ruru at hinalikan sa noo si Rere. Ganito ba talaga kalambing maging tatay si Ruru? Ang swerte naman ng magiging anak nila ni Gabbi.

"Baka matunaw, Ate." Bumalik ako sa ulirat ng bulungan ako ni Yna. Baliw talaga to.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Mabuti nalang at nakukuha sa tingin ang isang to eh. Kasi kung hindi sisipain ko to. De joke lang. Mahal ko tong kapatid ko na to kahit maloko.

Nagpeace sign lang sya at binalik ang atensyon sa mga bata na ready nang magtatatalon.

Binigay na ni Yna ang hudyat at nagsimula na ang mga bata na tumalon. Kanya-kanyang sigawan at pag-chicheer ang mga tao. Kami ni Ruru naman busy na pinapanuod at chinicheer si Rere. Sya kasi ang nahuhuli. Sya kasi ang pinakamaliit sakanila. Kitang-kita naman ang tuwa sa mukha ng anak ko kaya pati ako nag-eenjoy sa pinapanuod ko.

Pagdating ni Rere sa starting line. Sumakay ako agad sa sako at sabay kaming tumalon ng anak ko. Para akong bumalik sa pagkabata. Mas masaya nga lang ngayon dahil kasama ko sya.

"Go, G. Go Rere. Go." Rinig kong sigaw ni Ruru kaya naman napatingin ako sakanya. At ayun sya, malapad ang ngiti habang naghihintay samin ng anak ko na makabalik sakanya. Makabalik sakanya? Ngumisi ako dahil sa naisip ko. Sa laro lang kami pwedeng bumalik kanya ni Rere.

"Mama, go!" Bumalik ako sa ulirat ng hilain ni Rere ang damit ko. Nakabalik na pala kami sa starting line.

"Mamaya mo na ako titigan, G. Panalunin muna natin ang game." Mahanging sambit ni Ruru. Inirapan ko lang sya.

"Bilis mo, Mama. I want to win this game."

"Narinig mo anak natin?" Natatawang sambit ni Ruru.

"Stop it. Baka marinig ka nya." Giit ko.

Hindi ko na sya ulit pinansin. Nagsimula na kaming tumalon. May 2 nauna na nakatapos. May 2 din naman na natumba kaya nakakuha kami ng chance para manalo pa. Mas binilisan pa namin ang pagtalon.

Si Rere naman halatang gustong-gustong manalo. Panay kasi ang sigaw nya na

"Mama, bilis."

Konti nalang at malapit na kami sa finish line. Konting-konti nalang ng ma-out of balance ako. Tumaob kaming tatlo. Nagulat nalanga ko sa ginawa ni Ruru. Kinuha nya yung sako sakin at binuhat si Rere. Silang dalawa ngayon ang tumalon hanggang dulo. Nang makita ko silang nasa finishline na. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya nilang tignan dalawa. Akala ko hindi na mangyayari ang ganito.

"Mama! Mama! We won. We won." Masayang nagtatakbo si Rere sakin habang hawak ang kamay ni Ruru. Sabay silang tumatakbo palapit sakin kaya napatayo ako agad at sinalubong sya.

Yumakap sakin si Rere. Peri ikinagulat ko ang ginawa nya. Hinila nya si Ruru palapit samin dalawa at pinayakap din. Nakayakap samin si Ruru na sya naman ikanailang ko. But I need act normal. Hindi ko dapat ipahalatang hindi ako kumportable.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now