Chapter 24

230 11 0
                                    



Nasa mall ako ngayon para bumili ng regalo for Rere. Tomorrow is her birthday. Excited na akong makapunta sa kaarawan ng anak ko. Namimis ko na din sya.

Kanina pa ako paikot ikot dito pero hindi ko pa din makita yung laruan na sinabi ni Rocco na paborito ni Rere. Yung doll na Sophia The First. Mahilig sya sa cartoon na yun at sabi ni Rocco kahit daw anong klaseng laruan ni Sophia, super happy na ang anak ko. Natutuwa ako dahil may mga kaibigan akong malapit kay Rere. Kahit na ilang taon akong nawalay sakanya ay may nakukuhaan pa din ako ng information about her. Pero mas gusto ko kung ako mismo ang makaalam ng mga gusto ni Rere. Kaya gumagawa talaga ako ng way para makilala pa sya ng lubos. At marami pa akong time para gawin yun. Marami pa.

Napadaan ako sa isang toy store. Doon ako nagtingin ng mabibiling regalo. May gondola dito na puro si Sophia. May mga pillows, kitchaine. Doll house na si Sophia ang character. Pero nakita ko yung isang doll na si Sophia. Halos kasinglaki ni Rere ito. Tingin ko magugustuhan ito ng anak ko.

Kinuha ko yung doll at pinagmasdang maigi. Excited na akong ibigay sakanya ang unang regalo ko. Sana magustuhan nya.

Nagpunta ako sa counter para bayaran yun. After kong magbayad umuwi na ako agad. Naabutan ko din na nagpapahinga pa si Gabbi. Mas mabuti.

Agad akong nagpunta sa kwarto ko para ayusin ang regalo ko kay Rere. Iniisip ko din kung paanong magpapaalam kay Gabbi na aalis ako bukas. Sigurado akong magtatanong yun sakin.



















"Oo, Rocs. Okay na ang lahat. Okay. Okay. Kita nalang tayo bukas." Binaba ko yung phone sa bedside table ko.

"Saan ang lakad mo bukas?" Napalingon ako sa pintuan. Si Gabbi. Hindi agad ako nakasagot. Alam kong maaapektuhan na naman sya pag sinabi kong pupuntahan ko ang anak ko.

"Gab. . ." I said, almost whispered.

"It's okay. Gusto ko lang magsabi ka sakin ng totoo, Ru. Hindi naman kita pipigilang makita ang anak mo. Special day nya yun."

"H-how did you know?"

"Sanya told me. Sila ang kasama mo bukas diba?" Ngumiti si Gabbi. Alam kong nasasaktan sya pero paano nya pang nagagawang maging nice? "Ru, hindi naman kita pinipigilang makita ang anak mo eh. Just please, be honest to me. Alam mo namang ayaw ko ng sinungaling. Ikaw nalang ang taong pinagkakatiwalaan ko ngayon."

Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Paanong hindi ko gagawin ito. Sobrang bait at maintindihin ni Gabbi. Pero hindi ko pa din magawang mahalin sya ng higit sa kaibigan.

"Thank you, Gab."

"Sanya invited me too na pumunta sa party ni Rere. Wala naman daw kaso kay Glaiza kung pupunta ako." Napatingin ako sakanya. "But I declined. Oras mo yun para sa anak mo. Ayaw kong makihati sakanya. Just enjoy the moment. Malapit na din tayong magkaanak at sigurado akong mahahati ang oras mo kay Rere at sa baby natin."

I took a deep breath. Wala pa man pero parang ang bigat na agad ng dala ko. Tama si Gabbi. Mahahati ang oras ko kay Rere at sa baby namin once na lumabas na sya.

"Aalis nga pala ako. Dadaanan ko yung organizer ng wedding."

"You want me to come with you?" I asked. Parang gusto kong bumawi kay Gabbi ngayon.

"No. Kaya ko na."

"You sure?"

"Yes."

"Okay. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ha."

"Yeah."

"Take care, Gab."

Ngumiti lang sya at lumabas na ng kwarto.
What did I do to deserved you? O deserve ko nga ba ang ganitong treatment mo sakin ngayon Gab? Do I?












//















Mga taong pumapasok sa pulang gate ng bahay. Malakas na sounds at tawanan ng mga tao. Yan ang bumungad sakin pagkadating namin nila Rocco, Sanya at Kylie sa bahay na isang beses ko palang napupuntahan. Bahay nila Glaiza.

Maraming bisita ang dumating at may iilan na pumapasok palang ng gate. Pero syempre kahit na maraming tao, iisang tao lang ang hinahanap ko. At hindi naman ako nahirapan hanapin yun.

Napalingon ako sa gilid ng mapansin kong pumunta na si Kylie kay Rere. Nilapitan nya ito at iniabot ang regalo nya. Agad naman na sumama ang bata sakanya at lumapit sakin.

"Tito Ruru." Sambit ni Rere ng makita nya ako. Yung nararamdaman ko? Masaya na masakit. Oo masaya ako na kasama ko na ulit ang anak ko. Pero masakit kasi hanggang ngayon Tito pa rin ang tawag nya sakin.

Yumuko ako ng kaunti para mapantayan si Rere. I kissed her sa forehead nya. "Happy Birthday, Baby Rere. For you." Iniabot ko yung regalo kay Rere. Pero dahil medyo magkasinglaki sila nung doll. Hindi ko na muna pinahawak sakanya.

Binuhat ko si Rere at niyakap ng sobrang higpit. "I missed you so much, baby." Bulong ko sakanya.

"Namis din kita, Tito." Naramdaman ko yung paghalik nya sa pisngi ko. Napapikit ako at muli syang niyakap ng mahigpit.













//

















Glaiza's POV











Pagkalabas ko ng bahay para sana kunin si Rere at ng mabihisan ko na. Isang hindi inaasahang tagpo ang nadatnan ko. Tagpong matagal ko ng hinahangad na maranasan ng anak ko. Tagpong pinangarap ko para kay Rere at ngayon mukhang nangyari na.

Nadatnan ko si Ruru ng buhatin nya si Rere at yakapin ito. Nakita ko din ang pagpikit ng mata nya at ang pagbuka ng bibig nya. Alam kong may binulong sya kay Rere. Nagtago ako sa gilid ng pinto. Gusto kong pagmasdan ang eksena sa labas na hindi maantala ng presensya ko. Aaminin ko, masaya ang pakiramdam ko ngayon.

"Anong sinisilip mo dyan, Ate?" I heard Yna. Sumilip pa sya sa labas kaya agad ko syang hinila papasok ng bahay.

"Ano ka ba naman, Yna. Bakit sumilip ka pa." Saway ko sakanya.

"Eh tinitignan ko kung anong sinisilip mo dun. Sila Kuya Ruru pala at Rere."

Tumingin si Yna sakin ng makahulugan.

"What?"

"You happy? Seeing Rere with her father sa ganung eksena sa labas?" She's refferring sa pagyakap ni Ruru sa anak ko.

"O-ofcourse, masaya ako. Hindi lang dahil sa ginawa ni Ruru. M-masaya ako dahil. . Dahil kay Rere."

"Ininvite mo sya?"

"No. Sanya is the one who invited him."

Hindi na sumagot si Yna. Ngumiti lang sya sakin at lumabas na ng bahay.

Muli akong sumilip sa labas. Nakita ko si Ruru na binubuksan ang regalo nya para kay Rere. Halata naman sa mukha ng anak ko na excited sya.

Napangiti pa ako ng makita ko si Rere na nagtatatalong dahil sa tuwa. Si Sophia The First kasi ang doll na regalo sakanya ni Rere. Tama yan, Ru. Bumawi ka sa anak mo.


The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now