Paglabas ko sa sala. Nakita ko si Ruru na may hawak na gitara. Sya pala ang nagpapatugtog. Nakalimutan ko, kumakanta din pala sya noon.
"Cha, magaling din pala tong kaibigan mo kumanta. Pwede kayong gumawa ng banda." Sabi ni Tatay. I just smiled. Nilagay ko sa mesa yung kape na ginawa ko para kay Ruru.
"Matagal ko na pong tinigil ang pagkanta, Tay." I said, but deep inside.. Sadly!
"Pwede naman natin ulit..."
"Hindi na. Ikaw nalang." Putol ko sa sasabihin ni Ruru. Nakatingin lang sila sakin. Yung mga mata ni Nanay na alam ko na ang gustong sabihin. "Kwarto lang po ako. Medyo pagod ako. Si Ruru din pagpahingahin nyo na din ha. Wala pang tulog yan."
Tumayo na ako at pumunta ng kwarto. Pati sa kwarto na to.. it reminds me of so much memories. Memories I don't want to remember. It kills me inside.Mali ba na bumalik ako dito?
"Cha?" I heard Nanay. I wiped my tears away bago ako sumagot.
"Pasok ka Nay." I said.
Then the door slowly opened at pumasok dun si Nanay. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Walang salitang niyakap nya lang ako. Na nagpabagsak naman ng nararamdaman at ng luha ko. Namiss ko ang yakap ni Nanay.
"Shhh. Okay lang yan, Cha. Iiyak mo lang. Nandito lang ang Nanay." Pag-aalo nya sakin. Lalong lumakas ang paghikbi ko. Ang tagal kong kinimkim tong dinadala kong bigat sa loob ko.
I took a deep breath bago ako nagsalita. "Gusto ko po munang mapag-isa. Lalabas na din po ako maya-maya."
"Okay. Naiintindihan ko. Bago maglunch, tatawagin kita ha. Make sure na okay ka na." I nodded. Bago sya lumabas. Hinalikan nya ako sa noo. "Mahal kita, anak. Lagi mong tatandaan yan."
//
General's POV
Nasa kusina ngayon si Ruru kasama si Yna. Inaayos nila ang ilang rekado para sa lulutuin ng Nanay nila mamaya. At dahil walang alam si Ruru pagdating sa gawaing kusina, pinapanuod lang nya ang kapatid ni Glaiza sa ginagawa nito.
"Alam mo.. magkaiba kayo ni Glaiza no? Lagi kang nakangiti. Si Glaiza kasi minsan ko lang nakikitang nakangiti tapos stolen pa." Sambit ni Ruru habang pinagmamasdan ang mukha ng kapatid ni Glaiza.
"Hindi naman ganyan si Ate eh. Sa totoo lang, sya ang buhay dito sa bahay noon. Sya yung pinakamasayahin. Sya yung laging nakangiti." Sambit naman ni Yna na busy pa din sa ginagawa nito. "And thanks to you."
"Sakin? Bakit ako?" Takang tanong ni Ruru. Kinuha nya ang isang sibuyas at inabot yun kay Yna.
"Alam mo kasi, Kuya. Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti ng ganun si Ate. Yung kanina? Nahuli ko yun. Habang naggigitara ka. Nakita ko syang nakangiti. Yun yung ngiting nawala sakanya ng matagal ng panahon."
"Ano bang nangyari kay Glaiza at nagbago sya?"
Tumingin si Yna sa pinto ng kusina. Sinisigurado nyang wala si Glaiza doon o kahit na sinong makakarinig sakanila. Napalingon din si Ruru sa pinto.
"Hindi ko kasi alam kung nasa tamang pwesto ba ako para sabihin sayo ang nangyari 4 years ago. Baka kasi magalit si Ate sakin. Matagal nyang iniwasan yun eh." Nag-aalangang sambit ni Yna. Napatigil pa sya sa ginagawa at nagpunas ng luha. "Nakakaiyak talaga tong sibuyas. Hehe."