Chapter 3

336 10 0
                                    



Ting



"Ay kabayo." Sambit ko pagkalabas ko ng elevator sa condo building. Bigla kasing sumulpot sa gilid ko si Ruru.


"Gwapong kabayo naman 'to." Sabi nya sabay ngiti. Ang hangin talaga nya kahit kailan.


"Don't tell me sasabay ka na naman sakin?" Tinaas-taas nya yung kilay nya as his answer.


3 days na sya sa trabaho at araw na yun, ganto lagi ang ginagawa nya. Hinihintay ako sa baba ng condo then sasabay sakin. Wala naman akong magawa dahil iisang company lang naman ang pinapasukan namin at isa pa, tipid pa sa pamasahe dahil sya ang nagbabayad. Practical lang ang lola nyo. Aba!


"Ako na." Sabi nya sabay bukas ng pinto ng taxi.


"You don't have to."


"Pero gusto ko."


I rolled my eyes. "Diba sinabi ko na sayo.."


"Na ayaw mong pinagbubuksan ka ng pinto ng sasakyan. Binubuhat ang bag mo. Pinag-aayus ng upuan pag kakain sa labas. Kasi kaya mo na." He added


"Alam mo naman pala eh. Ginawa mo pa."


"You know what Glaiza. Ikaw lang ang kilala kong ayaw sa mga ganun. Hindi ba pag ginagawa yun ng mga lalaki sa babae, they feel special like a princess?"


"Siguro sa iba oo. Pero ako? Thanks but no thanks. Bakit kailangan ko pang ipagawa sa iba eh kaya ko naman. Hindi naman nakakadagdag sa pagkababae namin ang mga ganung actions nyo."


Napangisi si Ruru. Yes! Nakita ko yun. "Sa iba pag hindi ginawa ng boys ang ganun sasabihin ang ungentleman. Tapos sayo.." napahawak pa sya sa noo nya. "Wow. Ibang klase ka. Siguro hindi ka pa nagkakaboyfriend?"


Nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko na sya pinansin. Ayaw kong makipagtalo ulit sakanya. Lagi kaming ganitong dalawa. Nagtatalo sa mga bagay bagay. 3 days palang kaming magkasama pero ang dami na naming hindi napapagkasunduan sa buhay.



"Sabay ulit kayo?" Puna na naman ni Kylie samin pagkadating namin sa office.


Pero himbis na sagutin sya umupo nalang ako sa desk ko. Inayos yung mga gagawin kong papers para mamaya.


"May hindi ka ba sinasabi sakin? Kayo na ba?"


"What? Ofcourse not. Sa tingin mo ba magugustuhan ko yang si Ruru?" Napatingin ako kay Ruru. May kausap sya sa phone nito at para bang problemado. "Look at him. For sure ako na yang kausap nya babae nya. Kaya ganyan ang mukha nya. Baka nahuli na may babae sya."


"Wow. Hahaha. Ang advance mo namang mag-isip Glaiza ha."


"Baka nga babae nya yan. Tinakbuhan nya dahil buntis."


"Wow. As in wow. What happened to you my dear friend?"


Himbis na sagutin si Kylie. Tinuon ko nalang yung atensyon ko sa computer.


Napatingin ako sa desk ni Ruru ng mapansin kong padabog syang umupo doon at hinihilot ang sariling batok. Ano kayang problema ng isang to. Ilang araw ko palang syang kilala pero ngayon ko lang sya nakitang nakabusangot ang mukha.


"Titig na titig ah. Inlove?"


"Never in mylife." Binalik ko na yung atensyon ko sa computer.


"Alam mo Glai, 2 years na tayong magkakilala pero ni minsan hindi pa kita nakikitang nagpaligaw or may naghatid sayo dito or boyfriend. Even your birthday. Hindi namin alam. Seriously? Ganun ba kaprivate ang buhay mo?" Said Kylie.


The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now