Chapter 30

182 17 0
                                    






Glaiza's POV







I received a message from Ruru. Pinapaalam nyang sakanya muna matutulog ang anak ko. Tinititigan ko lang ang message nya sakin. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Hindi naman sa ayaw kong makasama ni Ruru ang bata. Pero nandun si Gabbi. Baka kung anong sabihin nya lalo pa't sa nangyari sa baby sana nila ni Ruru. Sa sobrang pag-iisip ko napasandal nalang ako sa upuan ko.


"Pagbigyan mo na si Ruru." Napatingin ako sa nagsalita. Si Ken.


Napaayos ako ng upo ko. "Kanina ka pa ba dyan?" Tumango sya as his answer. "Hindi man lang kita namalayan."


"You're too busy, Glaiza. Wala ka sa sarili mo. See? Nabasa ko pa yang message ni Ruru. Haha."



"Tsk. Privacy please." Sabi ko nalang sakanya.


"Ano ba kasing kinakatakot mo? Ang malaman ni Rere na tatay nya si Ruru? Natatakot ka bang kunin sayo ni Ruru ang bata?" Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sakanya. Ngumiti si Ken. "Sigurado akong hindi nya gagawin ang mga bagay na kinakatakot or kinakabahala mo sa mga oras na to, Glai. Sigurado ako dyan."



"Kung makapagsalita ka naman dyan parang kilalang kilala mo si Ruru."



"Siguro nga hindi ko sya kilala. Pero ikaw. Kilala mo sya. At alam kong alam mong hindi nya ilalayo sayo ang anak mo kahit gustuhin nya pang makasama ang bata."



"Paano ka naman nakakasigurado dyan?"



"Kung hindi ka nya iniisip. Sinabi nya na sana kay Rere na sya ang tatay nya. Pero hindi. Hinihintay ka nya, Glaiza. Hindi ka nya pinapangunahan sa mga desisyon mo. Kung anong gusto mo yun ang ginagawa nya. Kaya sigurado akong hindi sya gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala mo. Isipin mo nalang, ikaw ang nang-iwan sakanya noon. Pero hindi sya nagtanim ng sama ng loob sayo."



Tama si Ken. Ako ang nang-iwan. Pero si Ruru pa ang nakikisama sakin ngayon.



After ng pag-uusap namin ni Ken. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Bago ako humiga. Pikit mata akong nagreply kay Ruru.



"Ingatan mo si Rere. Ihalik mo nalang ako sa anak natin. "



Bago ko tuluyang ibaba ang phone ko, narealized ko agad ang sinabi ko sa message. Shocks!





Anak natin....






Anak natin....







Anak natin...







Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ko sa text. Baka kung anong isipin nya.









//








"Hi Mama." Agad na tumakbo palapit sakin si Rere pagkababa nya sa kotse ni Ruru.




"Careful anak." Sinalubong ko sya ng yakap. Isang araw ko lang hindi nakasama si Rere pero parang ang tagal nyang nawala sakin dahil sa sobrang pagkamis ko sakanya. "I miss you, baby."


"Namiss kita Mama. Bakit hindi ka sumama samin ni Papa Ruru kahapon?"



"Papa Ruru?" Ulit ko sa sinabi ni Rere. Tama ba ang dinig ko?



"Opo. Papa. Hehe. I know it's weird Mama but I like to call him Papa. Okay lang naman sakanya yun eh. Right Papa Ru?" Ngumiti si Rere at lumapit kay Ruru. Hinawakan nya pa sa kamay ito.



"Ofcourse baby. Gusto ko ding tinatawag. . ."




"Ru."pagpigil ko sakanya. Napatingin silang dalawa sakin.




Para naman akong nawala sa sarili ko ng sabay kong makita ang reaksyon nila. Hindi mapagkakailang si Ruru ang tatay ng anak ko. Ang daming nakuha ni Rere sakanya. Yung ilong, labi at pati na rin ata ang kilay. Mata ang nakuha sakin ni Rere.



"Galit ka po ba Mama?" Nawala ako sa pag-iisip ng magsalita si Rere.



"No baby. Pasok ka muna. Puntahan mo si Lola sa kitchen. Susunod na si Mama. Mag-uusap lang kami ng Tito Ruru mo."



Tumingin muna si Rere kay Ruru.




"Sige na baby. Pasok ka na." Hinalikan nya ang anak ko sa noo.




"Bye po. Take care."




Hinintay kong makapasok si Rere sa bahay bago ko muling lingunin si Ruru.



"Ru. . ." "Glaiza." Sabay naming pagtawag sa isa't-isa.




"You go first." "Ikaw muna." Sabay na naman kaming nagsalita. Umiwas na ako ng tingin sakanya. Lumalakas na naman ang pagtibok ng puso ko. Para bang katulad ng unang beses naming magkatinginan.




"About your message last night. Yung anak natin. Anong ibig sabihin nun? Sasabihin mo na ba sakanya na ako ang tatay nya?" Bakas sa mga mata nya ang saya at excitement. "Glaiza. . ."




"Oo."




Hindi ko na pwedeng bawiin ang naisagot ko. Wala ng bawian. Pero hindi ko inaasahan ng sunod na ginawa nya. He hugged me. Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko. Para bang this is the first time that he hugged me. Pero isa lang ang sigurado. Aaminin ko na. Namimis ko na sya. Namimiss ko na ang yakap nya. Namimis ko na. .

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now