Chapter 28

175 15 3
                                    

General's POV

"What?" Tanging nasagot ni Ruru matapos sabihin ni Gabbi na nagtagpo ang landas nila ni Glaiza sa mall at sinabi nya dito ang tungkol sa kasal nila.

"Why? Mali ba na malaman ni Glaiza ang tungkol sa kasal natin? Na tuloy pa rin yun?"

Huminga ng malalim si Ruru to control his tempered. Kahit pilit kasi nitong intindihin si Gabbi sa ganun nitong asal ay hindi na nya magawa minsan dahil mas lumalala pa ito.

"What now, Ru? Ayaw mong malaman nya. ."

"Hindi sa ganun, Gab." Tanging nasagot ni Ruru. Napahawak nalang sya sa batok nya at minasahe iyon. Umupo sya sa sofa at isinandal ang sarili doon. "Pero sana hinayaan mo nalang na ako ang nagsabi sakanya. . ." Napahinto si Ruru ng may maalala ito. Bigla syang tumingin kay Gabbi na ngayon ay nasa kaharap nyang sofa nakaupo. "Si Rere kasama nya ba?" Bakas sa boses ni Ruru ang pag-aalala sa anak nito.

"No. Mag-isa lang sya."

Nakahinga ng malalim si Ruru. Tumayo sya tinalikuran si Gabbi. "Next time. . .hayaan mong ako ang magsabi sakanya. Specially to Rere." Hindi na nya hinintay na sumagot si Gabbi. Naglakad na sya at pumasok sa kwarto nya.

-

Ruru's POV

Busy ako sa phone. 11 pm na rin pero hindi pa ako dinadalaw ng antok ko. Nakikipagtitigan lang ako sa kisami ng kwarto at hinihintay na dalawin ako ng antok pero mukhang malabo pa sa ngayon. So I decided to go outside para kumuha ng tubig na maiinom.

After ng pag-uusap namin ni Gabbi kanina, hindi na ako ulit lumabas ng kwarto. Ayaw kong mag-away na naman kaming dalawa. Hanggat maaari at hanggat kaya ko, iintindihin ko sya.

Pabalik na ako ng kwarto ko ng mapansin kong bukas ang pinto ng condo. Baka naiwan lang na bukas ni Gabbi. Lumapit ako doon at isasara na sana pero may narinig akong nag-uusap and hindi ako pwedeng magkamali. It was Gab's  voice. A very sweet voice.

Sisilip na sana ako ng biglang sumalubong sakin si Gab papasok.

"Ruru. ." Halata sa mukha nya ang gulat ng makita ako. "K-kanina ka pa ba dyan?"

Umiling ako as my answer. "Sinong kausap mo?"

"Ha? Ah-ano. . .yung sa kabilang unit. M-may tinanong lang. Papasok na ako." Nagmamadali syang pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi ang panuorin nalang syang maglakad papasok ng kwarto nya.

Nang tuluyan ng makapasok ng kwarto si Gab dun lang ako bumitaw ng tingin sakanya. Isasarado ko na sana ang pinto ng mapansin ko yung lalaki sa dulo ng floor namin. Hinihintay siguro nyang bumukas ang elevator. Tinitignan ko lang sya ng bigla syang mapatingin din sakin. Bakit parang ang sama ng tingin nya sakin? Sya kaya ang kausap ni Gab? Pero pamilyar ang mukha nya sakin. Parang nakita ko na sya somewhere. But never mind. Sinarado ko nalang ang pinto at nagpunta na din sa kwarto ko. Dinalaw na rin ako ng antok sa wakas.

//

"Any plans tonight?" Napatingin ako kay Gabbi ng bigla syang magsalita. Kumakain kami ngayon ng breakfast.

"Magkikita kami ni Rocco." I answered her.

"Cancel it." Walang ganang tugon naman nya.

"What? Why?"

"Kakausapin tayo ni Daddy about sa kasal natin."

Nakatingin lang ako sakanya pero sya busy pa din sa pagkain nya.

"Bakit biglaan?"tanong ko ulit sakanya.

"Ask him." Sagot naman nya. Binaba nya ang utensils nya at uminom ng tubig. "Sabay tayong pupunta sa bahay namin." Dagdag nya pa bago sya tumayo at pumunta ng sala.

Naiiling nalang din akong tumayo at nagligpit ng kinainan naming dalawa. Ganito kami araw-araw ni Gabbi. Alam kong galit pa rin sya sakin hanggang ngayon dahil sa nangyari. Pero hanggang kailan ko ba dapat pagdusahan yun? As if ginusto ko ang nangyari. Anak ko din yun. Ayaw ko syang mawala pero nangyari na. Nasaktan din naman ako.





//








Kaharap namin ngayon ni Gabbi ang Mama at Papa nya. Nasa bahay nila kaming dalawa tulad ng sinabi ng Papa nya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako kumportableng kaharap sila ngayon.

"So, kelan ang kasal?" Mom's Gab finally broke the silent. Pero napatingin ako sakanya dahil sa tanong nya samin.

"Soon, Ma." Gab answered.

"I need an exact date, Gabbi. Hindi pwedeng yung soon lang." Sabi naman ng Papa nya. Matigas pa rin sya sakin. Alam kong pati sya, ako ang sinisisi. Actually, silang lahat.

Tumingin sakin si Gab. "Next week to be exact. Right, Ru?"

Hindi ako agad nakasagot. Nabigla ako sa sinabi ni Gabbi na next week na. Next week na? Agad?

Napatingin na naman ako sa Papa nya. "O-opo."pagsuko ko sa matalim nyang tingin sakin.

Next week. Hanggang next week nalang akong pwedeng makapag-isip.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now