Ruru's POV
Ilang araw na rin simula ng makabalik ako sa pinas with Gab. Iba nga lang ngayon dahil magkakababy na kaming dalawa.
At first, hindi ako makapaniwala sa binalita sakin ni Gabbi. Kasi isang gabi lang yun eh. And lasing ako nun. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Wala ako sa wisyo that time. Pero wala eh. Nangyari na. Nandyan na yung baby. So bumalik kami dito sa Pilipinas para sa wedding preparations at sa panganganak nya.
5 months ng buntis si Gabbi kaya nag-iingat kami ng sobra ngayon lalo na at sinabi ng doctor nya sa Canada na masama sakanya ang ma-stress. Kaya nga as long as kaya kong umiwas sa binibigay na topic na nila Rocco at Pamcho about G. Umiiwas ako. Ayaw ko namang mapano yung baby namin.
"Ru, okay ka lang?" Tanong ni Gabbi sakin.
"Yeah. Why?"
"Kanina ko pa kasi napapansin na sobrang tahimik mo. What's bothering you?"
"Wala Gab. Wala. Ano nakapili ka na ba?"
"Ah yeah. Nasa counter na. Babayaran ko nalang. Wait lang."
"Okay."
Nandito kami ngayon sa mall. Bumibili ng gamit ng Baby boy namin. Excited maging parental si Gab. Well, ako din naman pero. . May part sakin na nagsisisi. Pero mahal ko ang magiging anak ko. Its just that. . Ugh. Hindi ito yung pinangarap kong pamilya. Hindi ito.
Palabas na kami ng shop ng may marinig akong umiiyak na bata. Sinundan ko yung iyak and then I saw a little girl na nakaupo sa tabi at umiiyak. Baka nawawala.
Lalapitan ko na sana yung bata pero nauna pang lumapit si Gab sakin.
"Hi Baby girl. Are you lost?" Tanong ni Gab dun sa bata. Tumango lang sya. "Aww. Sinong kasama mo?"
"My lola and Tita." Sagot nung bata. Ayaw tumigil ng bata sa kakaiyak.
Tumayo si Gab at humarap sakin. "Dalhin natin sa mga guard. Baka makatulong sila."
"Okay."
Bago pa man kami makaalis. May lumapit na samin na dalawang babae.
"Oh my gosh, Baby Rere."
Napatayo yung bata at lumapit sakanila. "Tita, Lola."
I was shock. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Yna? Tita Cristy?" Sambit ko.
Tumingin sila sakin.
"Kuya Ru?" Si Yna.
"You know them, Ru?" Tanong sakin ni Gab.
Pero bago pa ako makasagot. Kinuha na ni Yna yung bata at umalis na sila. Hahabulin ko sana pero bigla akong pinigilan ni Gab.
"Sino sila?"
"K-kapatid at Nanay ni G-glaiza."
Hindi sya agad nakasagot. Halata din sakanya na nashock sya sa nalaman. Simula kasi ng bumalik kami dito iniiwasan ko talaga na banggitin ang pangalan ni Glaiza pero wala na. Nasabi ko na.
//
Pag-uwi namin sa condo ni Gabbi. Tumuloy sya sa kwarto. Hindi ko na sya pinigilan. Pagod din sya sa pagshopping.
Kinuha ko yung phone ko and tinext si Rocco at Pancho. Hindi ako mapakali sa nakita ko kanina. May kasama silang bata. Imposibleng anak ni Yna yun. Sana. . . Sana mali ang hinala ko. Sana! Kasi kung tama man. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
8:30 pm nagkita kami ni Rocco sa isang Resto malapit lang sa condo ko. Dun na muna ako uuwi.
"Oh Ru, biglaan ata? May problema ka ba?"
"I saw Glaiza's Mother and sister kanina sa mall. . ." I looked at him straight. "May kasama silang batang babae."
Halata sa mukha nya ang pagkabigla ng sabihin kong may kasama silang batang babae.
"Ru. . ."
"C'mon, Rocs. Tell me, anak ba ni Glaiza yun?"
He nod.
"M. .may asawa na si Glaiza?" Yung tanong ko. . Bakit masakit. Umiling si Rocco. "May alam ka ba?"
"Sorry, Ru. Hindi kaya dapat si Glaiza ang magsabi sayo nyan? Ang alam ko doon pa din sya nakatira sa condo nya. Hindi pa ba kayo nagkikita?"
Pero himbis na sagutin sya. "Bakit hindi mo sinabi sakin? Lagi tayong nagkakachat. Nag-uusap. Pero bakit isang hint lang wala kayong binigay sakin?" I am so desperate na malaman ang totoo.
"Nakiusap sya samin. Ru. . ."
"Alright. Enough. Naiintindihan ko. Mas matagal nyo na syang nakasama. . ."
"Hindi naman sa ganun, Ru. Hindi din kasi naging madali yung pinagdaanan ni Glaiza noon."
"Lets drop this for tonight. Thank you sa pagpunta." I tapped his shoulder as my good bye.
//
"Huy Ruru, loko ka. Ang tagal nyo ng nakabalik dito sa pinas pero ngayon ka lang nagpunta dito." Kylie said. She walked towards and hugged me.
"Sorry. Hehe. May mga inasikaso lang ako. Kamusta? Looking great ha?" I teased her. Pero totoo, sobrang laki ng pinagbago nila. Lalo na si Sanya.
"Well." Pinakita nya sakin yung ring finger nya na may suot na engagement ring?
Literal na nanlaki ang mata ko. "Wow." Yun nalang ang nasabi ko.
"Late ka na kasi dumating eh. May nauna na. Hehe." Kylie joked
"Haha. Sayang naman. Balak ko pa naman na magkaron ng lahi sayo. Hahaha." Pagsakay ko sa trip nya.
Pinalo nya ako ng mahina sa braso ko. "Sira. Ayaw ko naman maging katulad mo magiging anak ko. Mahangin."
"Ouch. Haha."
"Just joking."
We both laughed.
Ang tagal na din since umalis ako dito. Marami ng nagbago sa office namin. May mga bago ding employee. Pero sila Kylie ang tatag. Hindi pa din umaalis.
"Uy Ken. Why are you here?" Tanong ni Kylie dun sa lalaking kadarating lang. May kasama syang bata. Naningkit yung mata ko. Naaalala ko yung bata. Sya yung kasama nila Yna.
"Ahh. Susunduin lang namin si Glaiza. May lakad kami today."
"Hi Baby Rere." Bati ni Kylie dun sa bata. Hinalikan nya pa ito sa noo. Para akong nafroze sa kinakatayuan ko.
"Hi po Ta Kylie. Where is my Mama Glaiza?" I smiled when I heard the kid na hinahanap ang mama nya.
"Ahh." Tumingin sakin si Kylie. "Papunta na dito yun Baby Rere. Just wait okay. Huwag kang bibitaw kay Papa Ken mo ha."
"Okay po."
The two walked away. Nagpunta sila elevator at sumakay doon.
Gusto ko silang sundan. Gusto kong yakapin yung bata. Kahit hindi pa ako sigurado pero malakas ang kutob ko.
"Go." I looked at Kylie. "Sundan mo sila. Alam kong gusto mo syang yakapin."
I smiled to what Kylie said. "Thanks."