Chapter 12

223 10 0
                                    




Natatakot si Glaiza. Ito ang kauna-unahang beses syanh magpupunta sa puntod ni Marx. Hindi nya alam kung paano haharapin ang katotohanang wala na ang kasintahan kahit ilang taon na itong namatay.

Huminga ng malalim si Glaiza. At dahan-dahang lumapit sa puntod. Nagsimulang bumagsak ang luha nya ng makita ang pangalan ni Marx sa lapida. Nanginginig na binaba nya ang dalang bulaklak sa tabi ng lapida. Umupo sya sa damuhan.


"Love..." panimula ni Glaiza. Pakiramdam nya ay may mabigat na nakadagan sakanya at hindi nya alam kung paano iyong bibitawan. "Ang tagal na din. 4 years? Simula ng iwan mo ako. Pero eto pa rin ako. Umaasang baka sakaling bumalik ka. Pero hindi na talaga." Hinawakan ni Glaiza ang lapida. "Sorry, Marx. Sorry. Hindi ako nakapunta sa burol at libing mo. Naduwag ako eh. Naduwag akong harapin ka. Harapin ang pamilya ko at ang pamilya mo. N-natakot ako. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sayo. Kasalanan ko ang lahat eh." Pinunasan ni Glaiza ang luha nya. Pero patuloy pa rin itong bumabagsak. Walang humpay na pagluha. "Hanggang ngayon. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari sayo." Ngumiti si Glaiza at tumingin sa langit. "S-siguro magkasama na kayo dyan ngayon ni Emmanuelle. Right? Magkasama na kayo ng baby natin. Sorry Marx. Hindi ko sya napanindigan....." yumuko si Glaiza at ipinatong ang ulo sa yakap nyang tuhod nya.










Flashback



"Really? You're pregnant? Magiging daddy na ako?" Hindi makapaniwalag tanong ni Marx kay Glaiza ng ipakita nya rito ang PT na hawak nya. Tumango ng ilang beses si Glaiza. "Yes." Hinawakan ni Marx ang tyan ni Glaiza. "Hi Baby Emmanuelle. Ako ang Daddy mo."


"Teka. Emmanuelle?" Takang tanong ni Glaiza.


"Yup. Emmanuelle ang gusto kong pangalan ng baby natin." Nakangiting sagot ni Marx. Inalalayan nyang umupo si Glaiza.


"Paano kung babae tong anak natin? Anong ipapangalan mo?"


"Emmanuelle pa rin." Sagot ni Marx.


"Love, umayos ka naman."angil ni Glaiza.


"Seryoso ako, Love. Emmanuelle ang gusto kong pangalan ng magiging baby natin. Kung babae yan.. lalagyan lang natin ng "LE" sa dulo. Diba?"


Ngumiti si Glaiza. "Ang dami mong alam. Haha."


"I love you, Love." Sambit ni Marx ng may matamis na ngiti sa labi.


"I love you too, Love."


Hinawakan ni Marx sa chin si Glaiza at unti-unting nilalapit ang mukha sa dalaga hanggang sa maglapat ang labi nilang dalawa.





End of flashback






"Sorry, Marx. Hindi ko napanindigan si Baby Emmanuelle. Pati sya nadamay sa kalungkutan ko. Nadamay sya sakin. Sorry. Kapag nagkita kayong dalawa. Ihalik mo ako sa kanya ha. Ihalik mo ako sa anak natin."



Nilabas ni Glaiza sa dala nyang bag ang sing-sing na dapat ibibigay sakanya ni Marx. Pati ang litrato nilang dalawa at ang PT na ginamit nya noon. Nilabas nya din ang dinala nyang kutsara na panghukay sa lupa sa tabi ng lapida ni Marx.



"Ang tagal kong dinala tong mabigat sa loob ko. Tama siguro sila. I need to let you go. Kailangan ko ng magsimula muli para sakin. Sorry kung ilelet go na kita. Pero pangako sayo. Hindi naman kita makakalimutan eh. Ikaw pa rin ang great love ko."



Naghukay si Glaiza sa tabi ng lapida ni Marx. At nilagay nya doon ang sing-sing, litrato at PT na dala nya. Muli nya itong tinabunan ng lupa.


"For the last time, Marx. Mahal kita. Pero kailangan ko ng bitawan to. Kailangan ko ng magmove on sayo." Ngumiti si Glaiza kasabay ng pagpatak ng luha nya. "Good bye Marx."



//


Bago umuwi si Glaiza. Naisipan nyang pumunta sa bahay ng pamilya ni Marx. Pagdating nya doon, naabutan nya ang nanay nito na abala sa pagdidilig ng halaman. Nang makita sya ng ginang. Agad syang niyakap nito at pinapasok sa loob. Nagkamustahan sila at doon na din kumain ng pananghalian si Glaiza dahil na rin sa pagpupumilit ng kapatid ni Marx na si Arra. Malapit si Glaiza sa pamilya ni Marx kaya hindi mahirap para sakanila ang pakisamahan ang isa't-isa.



Pagkatapos ni Glaiza sa pamilya ni Marx. Nagpunta sya sa bar kung saan sila madalas mag-gig noon. Naabutan nya ang dating mga kabanda na nagrerehearse. Hindi na sya nagpakita sa mga kaibigan. Ayaw nyang makaistorbo sa mga ito. Alam nya ang hirap ng banda. Alam nya dahil dati nadin syang naging isa sa mga ito.



//





"Kamusta ang lakad mo, Cha?" Tanong ng Nanay ni Glaiza pagkadating nya sa bahay nila. Tanging yakap lang ang isinagot nya dito. "Everything going to be fine. Ang importante ngayon, napatawad mo na ang sarili mo sa mga nangyari noon."

"Thank you, Nay. For not giving up on me. Kahit na ako sumusuko na sa buhay ko. Salamat. Mahal na mahal ko kayo. And sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Pangako. Babawi ako."

"Hindi mo kailangan bumawi samin, anak. Masaya na akong bumalik ka na sa dati at pinalaya mo na ang sarili mo. Masaya ako para sayo."

"Soooo. Out of the picture ako ganun?" Sabay na tumingin sila Glaiza sa kapatid nyang kadarating lang. Lumapit si Yna sa dalawa at yumakap din.

"Mahal na mahal ko kayo."

"Mahal ka din namin, Ate."




//





Pumasok si Glaiza sa kwarto nya. Ito na ang huling araw nya sa bahay nila. Babalik na ulit sya sa manila. Haharapin naman nya doon si Ruru. Ang lalaking nasaktan nya dahil sa pagtulak nya rito ng palayo. Magkikita ulit silang dalawa at hindi nya ito alam kung paano harapin. Natatakot sya na sa pagbalik nya doon, ang taong nagpakita sakanya ng special ay biglang magbago. Aminin man nya o hindi, mahalaga sakanya si Ruru. Pero hindi nya ito kayang suklian. Kaya natatakot syang harapin si Ruru. Kung magbabago ba ang pakikitungo nito sakanya o hindi. Huling beses silang nagkita. Kitang-kita nya sa mga mata ni Ruru ang galit sakanya. Kaya alam nyang nasaktan nya ito.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now