Chapter 2

509 15 3
                                    



Pasara na ang elavator ng biglang may humarang dito na lalaki.

"Pasabay ako, Miss." Sabi nya sabay ngiti sakin. Parang naaalala ko sya pero hindi ko matandaan saan ko sya nakita.

Napansin kong pipindutin na nya sana yung button na number 5 pero napahinto sya.

"Same floor pala tayo eh." Sabi nya sabay ngiti na naman na halos lumalim na ang pisngi nya. Literally dahil ang lalim ng dimples nya.

I just smiled back. I don't know him yet. Listen kids, don't talk to strangers!! Yan ang kasabihan ko. Hehe.

Tahimik lang kaming dalawa. 3rd floor na ng may magsipasukan na emplayado. Dumami bigla yung tao sa loob kaya ayun napunta ako sa gitna at yung lalaki nasa likod ko na. Nakikita ko sya sa reflection ng pinto ng elevator. Parang ang nice nya naman. Naka-smile lang sya. Siguro bago lang.



Ting..



Touch down 5th floor. Mabuti nalang at nasa gitna lang ako kaya hindi na ako masyadong nahirapan makipag siksikan sa mga tao sa loob. Nakalabas ako agad. Kasunod ko pa rin yung lalaki. Hindi ko sya tinitignan pero alam kong nakasunod lang sya sakin.

Pagdating ko sa desk ko, binaba ko agad yung bag na dala ko. Kinuha ko yung tasa ko at nagpunta ako sa pantry to make my own coffee. Medyo inaantok pa ako. After kong magtimpla palabas na sana ako pero pagbukas ko ng pinto halos kumawala ang kaluluwa ko dahil sa gulat..

"Ay juskooo! Papatayin mo ba ako?" Tanong ko dun sa lalaking kasabay ko sa elevator kanina. Nakatayo sya sa harap ng pinto na parang ewan.

"May sakit ka ba sa puso?" He asked

"Bakit ba nandito ka? Anong kailangan mo?"

"Pantry, right? Magcocoffee sana ako."

Tsk. Pilosopo din pala ang isang to. Kung sino man ang may hawak sa taong to. Goodluck.

"So if you'll excuse.. dadaan sana ako. Baka kasi mamaya lang ipatawag na ako ng boss ko."

Hinawi nya ako sa gilid nya at pumasok na sya sa loob ng pantry. Nilingon ko sya sa loob. Mukhang bago lang talaga sya dito kasi hindi nya alam kung saan nakalagay yung mga cups.

"Sa right side ang cups. Sa baba naman ng drawer yung mga coffee. Tsk." Turo ko sakanya.

"Thanks." He said.

Bumalik na ako sa desk ko. Binaba ko yung mug na hawak ko.

"What's up?" Sabi ko ng mapansin kong nakayuko si Kylie sa desk nya.

"Masakit ang ulo. Nalasing ata kagabi." Sagot naman ni Sanya na kumuha ng tubig at iniabot yun kay Kylie. "Here. Uminom ka muna ng gamot mo. Tigas kasi ng ulo eh." Sermon nya pa dito.

Kinuha ni Kylie yung gamot at ininom. "Kasi naman kung sumama sana kayo sakin kagabi sana hindi ako nalasing. May kahati sana ako sa drinks ko."

"Wow. Sinisi pa kami." Sanya said with sarcastic tone.

Bumalik na silang dalawa sa ginagawa nila. So I did the same thing. Pero bago ko pa ma-open yung computer ko dumating bigla si Klea para papuntahin ako sa office ni Ms.Chua

"Glaiza, Meet Ruru Madrid. Sya yung iti-train mo...."

"Ikaw?" "It's you." Sabay naming sambit at tinuro pa ang isa't-isa.

Yung lalaking nakasabay ko sa elevator sya yung ititrain ko ngayon. Sya yung bagong sali sa team namin.

"Wait.. you know each other?" Tanong samin ni Ms.Chua.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now