Kringggg Kringgggg Kringgggg
Napadilat ako dahil sa ilang beses na pagtunog ng doorbell sa condo ko. Sunday ngayon at sino naman ang bibisita sakin? Ang alam ko nasa Tagaytay sila Mama at hindi sya makakapunta dito sakin ngayon.
Tumayo ako ng isang beses pang tumunog ang doorbell.
"Sandale."
Pagkabukas ko ng pinto. Para bang nagising ang diwa ko.
"G-glaiza?"
"Goodmorning." Bati nya sakin.
"Wait lang. 5 minutes." I shut the door close again.
Nakakahiya yung condo ko. First time nyang mapadaan dito. Tapos yung itsura ng condo ko
Ang kalat. Napailing ako. Lalaki ka nga Ruru. Kinuha ko yung laundry basket sa bathroom. Oo meron din ako nito. Kahit di naman nagagamit madalas. Dinampot ko yung mga damit ko sa sofa na nakakalat at sa kwarto ko. Kinuha ko din yun mga kalat sa mesa. Sana di sya mainip dun. After kong maligpit kunwari nagsuot ako ng tshirt na hinugot ko sa drawer ng room ko.After nun bumalik ako sa pinto. Pero bago ko buksan ang pinto inayos ko muna itsura ko at buhok. Ayaw ko namang magmukhang ewan sa harap ng pakakasalan ko. Haha.
"Ang tagal mo." Bungad nya sakin pagkabukas ko ng pinto. "Ano bang ginawa mo?" Dire-diretso lang syang pumasok sa loob. Feel at home. Yeah. You're my home now.
"Eh nagbihis ako. Bakit kasi ang aga mo pumunta dito."
"Don't tell me kakagising mo lang?"
"Eh sunday naman ngayon eh." Sagot ko sakanya. Pinulot ko yung kalat na nadaan ko.
Pumunta si Glaiza sa kitchen. Ano na naman kayang trip nya.
"Hoy Mr.Madrid. Bakit walang kalaman-laman tong mga cabinet at ref mo? Wala ka ring bigas? Paano ka nakakakain?" Sigaw nya mula sa kusina. Para syang si Mama. Napailing nalang ako.
"Nagpunta ka ba dito para tignan yan? Makikikain ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Paano ka nabubuhay ng ganito?"
"Well, nagpapadeliver ako ng food. Malapit lang din ang fastfood dito. Minsan pag dumarating si Mama, may dala syang grocery."
Nakita ko yung pag-iling nya. "Walang mangyayari sayo. Alam mo. Hindi ka talaga pwede mag-asawa eh. Hindi healthy ang lifestyle mo."
"Mag-aasawa lang naman ako kung papayag kang magpakasal sakin eh." Hirit ko.
"Kung ikaw lang din ang mapapangasawa ko. Mas gugustuhin ko ng tumanda mag-isa. Sakit ka na nga sa ulo. Gugutumin mo pa ako."
"Pwede naman ako maggrocery araw-araw pag kinasal na tayong dalawa eh."
'Tse. Maggogrocery tayo ngayon. Magbihis ka na."
Hindi na ako nakasagot. Lumabas na sya ng condo ko. Napabuntong hininga nalang din ako at ngumiti. Kung sya talaga ang makakatuluyan ko. Mapapasabak ako sa gera araw-araw. Haha
//
Glaiza's POV
Nagpunta kami sa super market sa mall. Inuna na namin na kunin ang mga kailangan sa lulutuin naming adobo.
"Marunong ka naman sigurong magsaing no?" Tanong ko sakanya habang nagtitingin ng mga karne na gagamitin namin.
"Sa rice cooker lang."
"Okay na rin yun."
Nilagay ko yung karne sa cart namin. "Lets go. Sa condiments nalang tayo."
Nauna na akong naglakad. Sya ang nagtutulak sa cart since hindi naman nya alam ang mga kailangan namin bilhin.