Kanina pa si Glaiza sa tapat ng condo ni Ruru. Hindi nya alam kung kakatok ba sya o hindi. Kung kaya nya na bang harapin si Ruru at kausapin ito. Pero natatakot sya na baka hindi sya kausapin ni Ruru at ipagtabuyan lang sya nito katulad ng ginawa nya sa binata.
Aalis na sana si Glaiza ng biglang bumukas ang pinto. Halos kumawala ang puso nya sa katawan ng makita nya si Ruru.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ruru. Ramdam naman ni Glaiza ang galit sa boses ng binata.
"G-gusto ko lang sanang kamustahin ka." Kabadong sambit ni Glaiza. Hindi nya makayanang tumingin sa binata.
Ilang segundong katahimikan.
"Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis."
"N . . ." pumikit si Glaiza. Lakasloob nyang sinabi ang isang bagay na ayaw nya sanang sabihin kay Ruru. "N-namis kita, Ru."
"Ano?"
This time, tumingin na si Glaiza kay Ruru. Walang salitang lumapit sya dito at niyakap ng sobrang higpit.
"Namis kita." She whispered under her breath.
Ramdam ni Ruru ang pagtibok ng puso ni Glaiza dahil sa lakas nito. Binalik nya ang yakap sa dalaga. "Namis din kita."
Glaiza pulled away. Tumingin sya sa mga mata ni Ruru. "I'm so sorry. I know, hindi sapat ang sorry ko para mawala yung sakit na dinulot ko sayo. I'm sorry."
Hinawakan ni Ruru si Glaiza sa magkabilang pisngi nito.
Dahan-dahang nilalapit ni Ruru ang mukha nya sa dalaga hanggang sa maglapat ang labi nilang dalawa.
Ramdam ni Glaiza at Ruru ang temtasyong namumuo sa loob ng katawan nila.
Yung soft kiss unti-unting lumalalim at habang tumatagal gumaganti na rin ng halik si Glaiza.
Hinawakan ni Ruru ang dalaga sa likod at inalalayan na humakbang papasok ng condo. Kinakapa ni Ruru ang pinto at ng makapa na nya ito agad nya iyong sinara. Sinandal nya si Glaiza sa pinto at mas lalo pang idiniin ang halik sa dalaga hanggang sa parehas na silang mawalan ng hangin.
Bumitaw si Ruru sa pagkakahalik kay Glaiza. Pinagdikit nya ang noo nilang dalawa.
"I love you." Sambit nito.
"I love you too."
Napangiti si Ruru sa narinig mula sa dalaga. Hindi nya inaasahan na maririnig iyon mula sa dalagang minamahal nya.
Sa sobrang saya ng nararamdaman ni Ruru. Muli nyang hinalikan si Glaiza. Pero sa oras na yun mas ramdam na nila ang init sa katawan.
Ipinasok ni Ruru ang kamay sa suot na tshirt ni Glaiza. Binuksan nya ang bra nito at masuyong nilakbay ng kamay ang likod ni Glaiza.
Binuhat ni Ruru si Glaiza na para bang bagong kasal sila at naglakad sya papuntang kwarto nya.
Maingat nyang binaba sa kama si Glaiza. Pinagmasdan nyang mabuti ang dalaga.
"Mahal na mahal kita, Glaiza."
Ngumiti si Glaiza. Hinawakan nya si Ruru sa magkabilang pisngi at binaba nya ang mukha ni Ruru para halikan ito.
"Mahal na mahal din kita, Ru."
And they made love for the whole night.
Pagkagising ni Ruru ng umaga. Kinapa nya ang kabilang side ng kama pero wala na syang nakapang kasama. Dinilat nya ang mga mata. Wala na syang nakitang kahit na anong bakas ni Glaiza.
Panaginip lang ba yun? Pero hindi eh. Ramdam kong totoo yun. Totoong totoo. Yung mga yakap at halik nya. Yung haplos ng kamay nya sa pisngi ko totoo lahat. Pati yung pagsambit nya ng pangalan ko, totoo lahat eh. Imposibleng hindi.
Bulong ni Ruru sa isip nya. Inaalala nya ang nangyari last night. Pinikit nya ang mga mata para pigilan ang pagluha.
Muli syang humarap sa kabilang side ng kama at napansin nya ang isang papel na nakapatong sa sidetable. Kinuha nya yun at nakita nya ang pangalan nyang nakaimprenta doon.
Nandito ka nga. Sambit ni Ruru sa isip nito.
Binuksan ni Ruru ang papel at sinimulang basahin.
Ruru,
I'm so sorry. Hindi ko magawang paglabanan ang guilt na nararamdaman ko because of my past. Hindi ko magawang mag-stay sayo not because I don't love you. Mahal kita, Ru. Mahal kita but my love is not enough to fight for you, for us. Natatakot ako na baka kapag sinubukan kong mag-stay sayo then the other next day I realize na I'm not worth it.
Sorry kung masasaktan na naman kita sa pag-alis kong ito. I don't deserve your love, Ru. Puro sakit ang nabibigay ko sayo. Hindi sapat yung mahal lang kita. Hindi sapat kasi nasasaktan pa rin kita, Ru. Nakikita ko sa mga mata mo yung sakit na nadulot ko sayo. I'm sorry.
Sa pag-alis ko at sa pag-alis mo. Sana maging masaya ka na. Find your true love, Ru. You don't deserve me. But always remember, mahal na mahal kita.
Mag-iingat ka lagi.
Glaiza,
Napaupo si Ruru sa sahig habang yakap ang sarili nito.
//
"Oh pano, Ru? Sulat ka nalang ha?" Biro ni Rocco.
Hinatid nila si Ruru sa airport.
"Sira ka talaga. Ang tanda mo na talaga no? Kailangan sulat? May email naman." Natatawang sambit ni Pancho.
"Hahaha. Tama na nga kayo dyang dalawa. Yan ang mamimiss ko sa inyo eh. Puro kalokohan."
Lumapit si Ruru sa dalawa at niyakap ito.
"Balik ka agad, Ru. Pagbalik mo pwede ka ng mag-inom ulit. Uubusin natin ang lahat ng beer dito."
"Haha. Oo naman. Babawi ako sa inyo pagbalik ko ha. "
"Mag-iingat ka dun. Size 8 ang sakin." Sambit ni Rocco.
"10 naman sakin." Biro din ni Pancho.
"Mga siraulo. Hindi naman ako magtatrabaho dun."
"Hahaha. Syempre, Ru. Joke lang yun. Sige na. Pumasok ka na sa loob at baka maiwan ka pa ng flight mo."
"Sige. Ipaalam nyo nalang ako kila Kylie ha. Hindi na kamu ako nakadaan sa office. Maaga ang flight eh."
"Kaming bahala. Mag-iingat ka."
And for the last time. They embrace.