Chapter 31

176 9 0
                                    






Ruru's POV





Para akong lumulutang sa sobrang saya dahil sa sinabi ni Glaiza. Hindi ko mapigilang maging masaya. Handa na syang ipakilala ako sa anak namin, kay Rere.

"Lutang, brad ah?" Rocco tapped my shoulder. Nasa bar kami ngayon to unwind.

"Well. We have to celebrate." Pancho announced and he seems more excited than me. Sakanya ko kasi unang sinabi.

Tumingin sakin si Rocco at . . "Don't tell me, ikakasal na kayo ni Glaiza? Nagback out na ba si Gab?"

"Gag*." Binatukan sya ni Pancho. "Sa tingin mo ba magbabago pa ang isip ni Gabbi? Hindi na! Ikakasal na nga sila sa isang araw eh."

"Ano ba kasi yun? Nakakatampo ka ha. Sakanya sinabi mo." He pointed Pancho. "Sakin hindi?"

"Busy ka kasi kay Sanya."

"Inlove eh. Haha."then they both laughed.

"Ipapakilala na ako ni Glaiza kay Rere as her father." I cheerfully announced kahit na medyo napapaisip na din ako dahil sa mga sinabi nila. Mukha nga kasing malabo ng umatras sa kasal si Gabbi.

-

"Wala ka na ba talagang magagawa sa kasal nyo? Hindi ka ba pwedeng umatras?"tanong ni Rocco.

"Oo nga. Baka naman diba?"

"Paano? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong nasasaktan si Gab ngayon."

"Nahihirapan ka din naman ngayon diba? Wala ka na rin namang pananagutan kay Gabbi."

"Meron." Sagot ko. "Yung nararamdaman nya. Tsaka kahit naman hindi kami ikasal ni Gab alam kong hindi na babalik sakin si Glaiza. Okay na ako na alam ni Rere na ako ang tatay nya."

"Tsk. Nasubukan mo na bang kausapin si Glaiza about sa wedding mo?" Umiling ako. "Shoot! Then go! Talk to her."






//








Nasa harap ako ngayon ng unit ni Glaiza. Tama ba na nagpunta ako dito ngayon? Ikakasal na ako. Baka kapag nakita ko sya ngayon hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Baka hindi na ako bumalik kay Gabbi.

Pero bakit ba ako natatakot na subukan? Gusto kong makasama si Glaiza at Rere. Pero ayaw ko namang masaktan at iwan si Gab. Naiipit na ako sa sitwasyong gusto ko at ayaw ko. Ruru, isip! Isip!

Nababaliw na ata ako. Tinutuktukan ko na ang sarili ko kakaisip.

"Ruru?" Natigil ako sa pag-iisip ng may tumawag sa pangalan ko. Kahit hindi ko lingunin alam ko kung sino yun.

"Glaiza."

"Anong ginagawa mo dito?"

Walang sali-salitang nilapitan ko sya at niyakap. "Please tell me. . Sabihin mo saking gusto mo akong makasama. Gusto mo buuin ang pamilya natin. Gusto mong itigil ko ang kasal. Glaiza gagawin ko yun kung yun ang gusto mo." Hindi ko na napigilan pang maluha. Mahal ko si Glaiza. Mahal na mahal pa rin.

Tinulak ako palayo ni Glaiza. Nakita ko ang mga mata nyang lumuluha din. "Umalis ka na. Hwag mo na akong pahirapan pa. Please lang, Ru. Ayaw ko ng gulo."

"Paanong gulo. Wala ka na ba talagang nararamdaman. ."

"Drop it." Pagkasabi nun ni Glaiza biglang bumukas ang elevator at pumasok sya doon.

"Glaiza!" Hindi ko na napigilan ang pagsara. Pindot ako ng pindot sa mga button para magbukas yun. Ugh! Bakit ba ang tagal mong bukas! Kailangan kong habulin si Glaiza. Kailangan kong marinig ang sagot nya. Ito na yung last chance ko. Ito nalang. Ito na ang huli.

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now