Hindi mahanap ni Glaiza ang dahilan kung bakit maagang pumunta sa unit nya sila Kylie at Sanya. Kanina pa sila nakikipaglaro kay Rere habang sya litong-lito pa rin.
Hindi naman lingid sa kaalaman nya na ngayon ang wedding nila Ruru at Gab at sa buong pagkakaalam nya invited ang dalawa sa kasal with Pancho and Rocco.
"Bakit nandito pa din kayo?" Glaiza finally broke her silence. Mukhang nakakaramdam na syang wala talagang magsasalita sa dalawa kaya inunahan na nya.
Napahinto naman sa pakikipaglaro ang dalawa at tumingin kay Glaiza ng seryoso.
"Hwag nyo akong tignan ng ganyan. I'm fine."
"Ofcourse you are."sabay na sabi ng dalawa. Tumayo sila at lumapit sa kaibigan kasama si Rere. Kinandong naman ni Kylie ang bata.
"Glai, we're here because kaibigan mo kami. We support you all the way and always. Kung ayaw mong magpunta sa wedding, edi sasamahan ka namin."
"Hindi ka namin pipilitin na magpunta."sabat naman ni Sanya.
Ngumiti si Glaiza. "Thanks."
Tumayo si Glaiza at nagpunta ng kitchen para maghanda ng makakain nila.
Nagkatinginan naman sila Kylie at Sanya. Alam na nila ang tunay na dahilan kung bakit umalis si Glaiza. Umiiwas ito sa mga pwede nilang itanong at sabihin sakanya.
Nagdecide ang dalawa na sundan ang kaibigan sa kusina.
"Glai. ."pagtawag ni Kylie sakanya.
"Dun muna kayo sa sala. Magluluto lang ako ng kakainin natin. For sure gutom na kayo."
Himbis na sundin ang sinabi ni Glaiza ay lumapit pa ang dalawa para yakapin sya. Nabanggit na kasi nila Rocco ang tungkol sa pagpunta ni Ruru sa unit nito kagabi.
"Alam naming hindi ka okay."sabi ni Kylie. "Mahal mo pa diba?"
Hindi sumagot si Glaiza. At kahit wala silang nakuhang sagot, alam na nila ang sagot sa tanong nila.
"Alam naming nagkita kayo kagabi. Pinuntahan ka nya. Rocco told us."
"Pero hindi na dapat sya pumunta dito. Hindi na dapat."Glaiza said at humarap sa dalawa. "Ikakasal na sya. Ayaw kong makapanakit ng iba."
"Pero sarili mo naman ang sinasaktan mo?"sabay na napatingin ang tatlo sa nagsalita. Si Cristy. "Anak, pwede bang this time sarili mo muna ang isipin mo bago ang iba." Lumapit ang ginang sa anak nito. Nagbigay naman ng pwesto sila Kylie at Sanya para sa Nanay ni Glaiza.
"Ma. . ."
"Hindi kita pipigilan, Glai. Kung anong maging desisyon mo susuportahan kita. Pero sana wag kang magdedesisyon base sa ibang tao o sa sarili mo lang. Wag mong kakalimutang may anak ka na. Kung mahal mo si Ruru at mahal ka nya dapat lang na kayong dalawa. Nasa huli ang pagsisisi Glaiza. Kung sinabi nyang mahal ka nya, dapat ipaglaban mo sya. Mahal mo naman diba?" Glaiza nodded. "Ganyan naman talaga sa pagmamahal, anak. Kailangan mong magsakripisyo. Pero hindi sa lahat ng oras dapat sarili mo ang isasakripisyo mo. Wala ka namang pananagutan sa nararamdaman ng iba. Pero sa sarili mong nararamdaman meron."
"Tanga ba ako dahil hindi ko sya pinigilan?" Tumingin si Glaiza sa dalawang kaibigan. Tumango naman ang mga ito. Bahagyang bumagsak ang balikat ni Glaiza dahil sa naging sagot ng mga kaibigan nya.
"Pero mas magiging tanga ka kung hindi mo pa sya pupuntahan ngayon para pigilan sya." Napatingin ang tatlo sa ginang.
"Tama si Tita."pag-agree ng dalawa.