General's POV
Tahimik na nakaupo sila Rocco at Pancho sa sofa. Hinihintay nalang nila ang paggising ng kaibigan. Dumating na din sila Kylie kasama sila Sanya at Mikee. Pero agad ding umalis dahil may trabaho pa sila kinabukasan. Naiintindihan naman iyon nila Rocco kaya sila na muna ang nagbantay. Pinagpaalam nalang din sila ng mga kaibigan sa office nila na hindi sila makakapasok muna dahil sa kondisyon ni Ruru.
"R-rocs..." nanghihinang sambit ni Ruru.
Agad naman nilang napansin ang paggalaw ng binata. Tumayo si Rocco at Pancho at lumapit sa kaibigan.
"Ru, a-anong kailangan mo?" Natatarantang tanong ni Rocco.
"Tubig?" Si Pancho at agad kumuha ng tubig.
"P-prutas?" Kumuha naman si Rocco ng orange na dala nila Kylie at iniabot yun kay Ruru.
Nangisi naman si Ruru dahil sa dalawa. "Sira. Paano ko makakain yan kung may balat pa?"
Napatigil si Rocco at napakamot ng ulo. "Oo nga no. Sorry. Hehe. Natataranta lang. Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at nagpunta ka ng Subic samantalang nandito ka sa Manila."
"Gusto ko lang mapag-isa." Sagot ni Ruru.
"Sira pala tong kumag na to eh. Ano pa at naging kaibigan mo kami?"
"Oo nga naman, Ru. Nandito naman kami eh. Pwede ka naman naming tulungan ubusin yung alak na yun. Hindi mo kami tinawagan. Nakakatampo ka ha." Pakunwaring pagtatampo ni Pancho.
"Sorry, guys. Gulong-gulo na kasi ang isip ko that time. Ang alam ko lang gusto ko lang mapag-isa."
"Gusto mo palang mapag-isa ang layo naman ng narating mo." Sambit ni Rocco habang binabalatan ang orange na hawak nya. "Nga pala. Ako ng nag-ayos ng bill mo dito. Gago ka! Alam mo bang halos magmukha akong tanga dun sa harap ng may-ari ng hotel. Pinakiusapan ko lang na huwag ng ituloy ang kaso sayo. Ang dami mong sinira doon nakikitulog ka na nga lang." Sermon ni Rocco. "Oh yan. Kainin mo yan. Nang mahimasmasan ka."
"Thank you, guys. Don't worry. Hindi na mauulit to."
"Mabuti naman."
"Yeah. Kasi paglabas ko dito. Susunod na ako sa Canada kila Mama."
Nagkatingin si Pancho at Rocco sabay balik ng tingin sa kaibigan. "Seryoso?" Sabay nilang sambit. Tumango si Ruru.
"P-paano si Glaiza? Alam mo bang sobrang nag-aalala yung tao sayo nung nawawala ka." Sambit ni Rocco.
Ngumiti si Ruru. "Malaki na sya. Kaya nya ng sarili nya." Mapait nitong sambit. Binalik ni Ruru ang natirang orange na hawak nya kay Rocco. "Tulog muna ako guys. Medyo masama pa pakiramdam ko."
Hindi man sabihin ni Ruru. Pero ramdam ng dalawa ang pag-iwas nito sa usapan nila. Pinabayaan nalang nila Rocco ang kaibigan na makapagpahinga.
Nagpaalam na din si Rocco na aalis muna sya dahil may kailangan syang gawin na utos ni Ms.Chua na dapat ay trabaho ni Ruru.
//
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ruru pagkagising nya ng makita si Glaiza na kausap si Pancho.
"Labas lang ako." Paalam ni Pancho.
Hinintay ni Glaiza na makalabas si Pancho ng pinto bago sya lumapit kay Ruru.
Umiwas naman ng tingin ang binata ng magtama ang tingin nilang dalawa.
"K-kamusta na ang pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong ni Glaiza sa binata.
"Mas bumigat." Sagot nito.
"Ru, I'm sorry." Tears started to fall. "I'm so sorry." She covered her face. "I don't know how to move on to my past, Ru. Sobrang hirap para sakin yun. He died on my birthday, sa harap ko pa mismo. But I tried. I tried."
"Bakit mo sinasabi sakin yan ngayon?"
"Pagbalik ko dito, at nung nalaman kong you're not around. Sobra akong nag-alala sayo. Sabi ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung merong mangyayaring masama sayo." Said Glaiza, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha nya.
Tumingin si Ruru sa dalaga. "Bakit? Ano ba ako sayo? Hindi ba wala lang naman ako sayo? Ako lang tong nagpupumilit dyan sa buhay mo? So bakit ka mag-aalala sakin ngayon?" Pagmamatigas ni Ruru. Alam nyang nasasaktan si Glaiza ngayon pero mas nasasaktan sya dahil nasasaktan ang babaeng mahalaga sakanya. "Ito naman yung gusto mo diba? Yung malayo ako sayo?"
"No, Ru. Believe me. H-hindi. Yung nangyari satin. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko sayo. I'm sorry. It's okay kung hindi mo ako mapapatawad. Nasaktan kita at dapat lang na masaktan din ako. I'm sorry."
Lumabas si Glaiza ng kwarto ni Ruru. Nasalubong nya si Pancho. Nagtanong pa ito kung anong nangyari pero hindi sya sinagot ni Glaiza. Tumakbo lang ito palabas ng hospital.
Sumakay si Glaiza sa taxi at nagpahatid sa condo nya.
//
Nag-aayos sila Rocco at Pancho ng gamit ni Ruru. Lalabas na kasi ang binata sa hospital at silang dalawa ang nag-asikaso dito.
"Ano, Ru. Ready ka na bang bumalik sa office at masermunan ng sobra ni Ms.Chua?" Rocco teased him.
Ngumiti si Ruru. "Yeah. Yeah. Ano pa nga ba. Mali ko din naman."
"Loko ka. Pinahirapan mo kami ni Pancho sa trabaho m. Mabuti nalang at alam naming gawin yun."
"Sorry, guys. Bawi ako sa inyo pagbalik ko sa office. I treat you both for our lunch hanggang makaalis ako."
Rocco and Pancho kept them silence.
"I know guys. Don't worry, kakausapin ko sya bago ako umalis." Sambit ni Ruru.
"Halika nga dito." Inakbayan ni Rocco at Pancho si Ruru. "Mamimis ka namin."
"Yung lunch ha. Huwag mong kakalimutan." Sambit ni Pancho.
"Tigilan nyo nga akong dalawa. Oo na. Ako ng bahala sa lunch nyo."
"Loko ka kasi talaga."
//