General's POV
Kalat-kalat na beer in can sa sahig. Ilang box ng pizza na walang laman. Wrapper ng mga junkfoods at magulong hotel room. Kalat-kalat na bed sheets at mga unan. Nagkalat ang buong hotel room ni Ruru. Halos wala ka ng matapakang malinis sa sahig.
Magulong buhok, bagsak na katawan at lubog na mata ang makikita ngayon sa dating masiglang Ruru. At halos hindi na nga sya naliligo at nasisinagan ng araw matapos nilang magtalo ni Glaiza. Ginagawa na din nyang tubig ang alak sa loob ng ilang araw nyang pamamalagi sa hotel. Hindi na rin sya kumakain ng maayos kaya bagsak na bagsak na ang katawan nya.
Dahan- dahang tumayo si Ruru at inabot ang telepono ng hotel. Tumawag sya doon at umorder ng makakain nya. After ng tawag, inabot ni Ruru ang isang beer in can at tinungga iyon. Pero agad nyang binato ng wala na itong laman. Sakto iyon na tumama sa salamin.
Lumakad si Ruru papunta sa salamin. Tinignan nya ang sarili nya dito.
You look so a mess, Ruru. Bastard! Sigaw ni Ruru sa isip nya. Wala sa sariling sinuntok nya ang salamin.
Napaupo sya ng maramdaman ang sakit sa kamay nya. Nagdurugo ito pero hindi nya ininda ang sakit. Tumayo sya at bumalik sa higaan nya.
Maya-maya lang, biglang may kumatok sa pinto. Dahan-dahan syang naglakad papunta dito. Nasa kalagitnaan palang sya ng kwarto ng makaramdam sya ng pagkahilo. Napailing sya, lumalabo na ang paningin nya. Nakakaramdam na sya ng pananakit sa katawan. Hanggang sa hindi na nya makayanan ang sakit. Bigla syang tumumba at nawalan ng malay-tao.
//
Glaiza's POV
Patakbo kong pinasok ang hospital na sinabi ng tumawag saking nurse kanina lang. Sinabi nya na sinugod doon si Ruru. Pagkarinig ko palang ng hospital at pangalan ni Ruru parang gusto ko na agad na bumagsak dahil sa kaba ko. Paanong napunta si Ruru sa hospital? Anong nangyari sakanya.
Pagkapunta ko sa nurse station tinanong ko agad ang room ni Ruru. Inabot din nya sakin ang phone ni Ruru. Sinabi nya na din na kaya ako ang tiwagan nya dahil ako ang nasa speed dial ni Ruru. Kumabog ang puso ko. Ano kayang naisip nya at ako ang nilagay nya doon.
Pagkadating ko sa room nya. Agad akong pumasok. Nanlambot bigla ang tuhod ko ng makita ang itsura ni Ruru. Ang dating kulay ng balat nya ngayon putlang-putla na. Lubog na din ang mata nyang dating mapupungay. Bagsak na din ang katawan nya. Pumayat si Ruru. Parang hindi sya ang nakikita ko ngayon. Ibang-iba ang itsura ni Ruru.
Sa sobrang titig ko sakanya, hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Nasasaktan akong nakikita syang nahihirapan ng ganito.
"Glaiza." I looked back. Sila Ruru at Pancho. Tinawagan ko sila right after ng tawag ng nurse sakin kanina. "Kamusta sya?"
"I don't know yet. Wala pang doctor na nagpupunta dito eh." Sagot ko sakanya. Nahihiya ako sakanila. Alam ko. Dahil sakin kung bakit nandito ngayon si Ruru.
"He look so mess." Rinig kong sambit ni Pancho na nagpakirot ng puso ko.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok doon ang doctor at isang nurse. May dala itong mga gamot.
"Doc, what happened to our friend?" Rocco asked. Nakikinig lang ako sakanila. Natatakot akong magsalita.
"Overdose. Nasobrahan ang pasyente sa pag-inom ng alak. Mabuti nalang at naisugod sya agad dito sa hospital. Kasi kung hindi.. pwedeng magkaroon ng complication sa lungs ng patient." Sagot ng Doctor.
Napatingin ako kay Ruru. Ganun ba sya kaapektado sa nangyari samin that day? Sobra ko syang nasaktan.
"Kailan po sya magigising?"
"Mamaya lang or bukas pwede ng magising ang pasyente. Huwag nyo nalang syang iwan mag-isa para paggising nya meron syang makikita dito." Bilin ng doctor.
"Okay Doc. Salamat."
"Mamaya babalik kami to check his condition. Kung umeepekto ba sakanya ang gamot na binibigay namin. Kasi sa totoo lang, halos hindi na nakikicooperate ang katawan nya kanina."
"Okay Doc. Thank you. Thank you."
Lumabas ang Doctor at yung nurse. Huminga ng malalim si Rocco. Si Pancho naman umupo sa sofa.
"Ano sasabihin ko ba 'to sa nanay nya?" Tanong ni Rocco samin.
Nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko din alam ang isasagot ko.
"I don't think that's a good idea, Rocs. Hintayin na nating gumising si Ruru before we call his mom." Sagot ni Pancho.
"Alright. Alright. Glaiza, umuwi ka na muna para makapagpahinga ka pa. Pupunta din naman dito sila Kylie mamaya after office." Sambit ni Rocco.
I nodded. "Okay. But please, Rocs. Give me an update about his condition. Babalik ako dito bukas."
"Okay. Panchsyy. Samahan mo na si Glaiza. Ako ng bahala dito."
"Alright. I'll buy you a coffee pagkabalik ko."
"Yeah thanks."
Lumabas kami ni Pancho ng kwarto. Dahan-dahang paghakbang ko. Ramdam ko yung bigat ng nararamdaman ko.
"Are you okay, Glaiza?"
"Yeah. Don't worry." Sagot ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makalabas kami ng hospital. Gumaan ang pakiramdam ko dahil okay na si Ruru. Pero hindi ko naman alam how to face him after what happened since we last saw each other. Hindi kami naging okay nun. Alam kong kasalanan ko lahat yun. Kasalanan ko.