Chapter 29

185 12 1
                                    

"G, pwede ba akong magtanong?" Napatingin ako kay Kylie.

"Hmm? Ano yun?"

"Hindi ba naghahanap ng tatay si Rere?" Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sakanya.

"Huy Ky. Seriously? Kailangan mo bang tanungin yan?" Sanya said.

"Why? What's wrong with that? Lets face it, G. Unti-unti ng nagkakaron ng isip ang anak mo. And we all know na alam ni Rere na hindi si Ken ang Daddy nya. What if one day hanapin nya sayo? Lalo na ngayon at malapit ng pumasok si Rere sa school for sure maraming batang magtatanong sakanya." Sunod-sunod na lintanya ni Kylie.

"Kylie has a point. What's your plan, G?" Pag-agree naman ni Sanya sakanya.

"Tsk. Kanina pinapatigil mo akong mag-ask sakanya. Ngayon naman magtatanong ka kung anong plano nya."

"Curious lang. Bakit ba?"

Hindi ako makapag-isip dahil sa pagtatalo nilang dalawa. Pero tama si Kylie. Alam kong maghahanap si Rere ng tatay nya isang araw. And I don't know if ready na ba ako para dun.

//

"Mama! Mama!" Nawala yung iniisip ko kanina pa dahil sa pagsalubong sakin ni Rere pagdating ko ng bahay. Yumuko ako to hug her at binuhat din sya. "It's getting late na baby. Why you still awake? Did you wait for me?"

"Opo. Saan ka po ba galing? Lola told me na wala ka pong work. Nagkita po ba kayo nila Ninang Kylie?"

"Yup. At may pinapabigay sila for you."

"What is it, Mama?" I winked at her at sabay hinalikan sya sa pisngi.

"Ikiss daw kita sabi nila."

"I love Ninang Kylie and Ninang Sanya."

"Sila lang ang love mo?"

"Ofcoure I love you the most, Mama. You're the best mama in the world."

"I love you too baby." I kissed her forehead. "And you are the best baby in the world too."binaba ko sya. Naglakad na kami papasok ng kwarto.

Kahit anong gawin kong pagpikit, hindi ko magawang makatulog. Paulit-ulit parin sakin ang iniwang tanong ni Kylie. What if one day hanapin na nga nya ang tatay nya. What should I say? What should I do. Ayaw kong maging selfish sa anak ko. Pero ayaw ko din syang saktan pag nalaman nyang may ibang asawa ang tatay nya.

//

"Here. Eat your sandwich na Rere." I handed the sandwich to Rere.

Kinuha naman nya yun at sinimulang kainin. Habang kumakain si Rere, nagtimpla naman ako ng coffee for me. Hindi ako makakapag-isip ng maayos without coffee. Isa pa, kulang ako sa tulog last night. May kailangan pa akong tapusin sa trabaho today.

"Mama, anong oras ka po uuwi? Gusto ko pong magpunta sa park."

"Hindi ako sigurado, Re. Pero sasabihan ko si Tita Yna mo na samahan ka ha." I took a sip on my coffee.

"Wala si Yna ngayon, Glaiza. Nakalimutan mo bang may pinuntahang seminar ang kapatid mo?" Bungad ni Nanay samin.

Napatingin ako sa anak ko. Oo nga pala. Wala si Yna ngayon.

"Mama, please." Baligtad na ang nguso ng anak ko.

"Alright. Just wait here okay?"

"Yehey. Thank you, Mama." Sa tuwa ng anak ko. Bigla nalang syang bumaba ng upuan nya at kumandong sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Anything for my Rere."

//

Ruru's POV

I'm on my way sa condo unit ni Glaiza. Bigla nalang akong nagulat ng tumawag sya sakin. Pero mas masaya nung sabihin nya saking ilabas ko muna si Rere habang nasa trabaho sya. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Chance ko na yun na makabonding ang anak ko. Ayaw kong palagpasin yun. Sa sobrang tuwa ko nga, hindi na ako nakapagpaalam kay Gabbi. After kasi namin mag-usap ni Glaiza kinuha ko na agad yung susi ng kotse at umalis na.

//

"Ikaw ng bahala kay Rere ha. Tinawagan ka ni Glaiza dahil may tiwala sya sayong iingatan mo ang anak nya."

"Anak po namin, Tita." Pagtatama ko sa sinabi ni Tita Cristy sabay ngumiti ako.

Nginitian nya ako pabalik. "Wala namang kaduda-duda dun, Ruru. Osya. Umalis na kayo at excited na yang si Rere maglaro sa labas. Mag-iingat kayo ha."

"Salamat po."nagmano muna ako sakanya bago kami umalis ni Rere.

//

"Rere, slow down. Baka madapa ka." Sabi ko habang nilalapag ang gamit ng anak ko sa isang bench malapit sa pinagtakbuhan nya.

"Maglalaro lang po ako Tito Ruru."

Napangiti nalang ako ng kumaway sya sakin. Hinayaan ko muna syang makipaglaro sa mga batang nasa park din. Hindi ko maalis ang mata ko sakanya. Sana ganito nalang kami palagi. . .kasama si Glaiza. Kaming tatlo. Yung masaya lang. Pinapanuod si Rere na maglaro habang kaming dalawa pinag-uusapan ang future naming pamilyar.

Nang mapagod na si Rere sa kakalaro, lumapit na sya sakin. Agad ko namang kinuha ang bimpo na pampunas sa pawis nya at pinunasan sya.

"Nag-eenjoy ka ba, Re?" I asked her habang pinupunasan sya ng pawis sa likod.

"Opo, Papa."parang tumalbog ang puso ko dahil sa narinig kong tawag nya sakin. Papa? Ang sarap pakinggan.

"Did. . .you call me Papa? Say it again please, Rere."hinihintay kong tawagin nya ulit ako sa ganun.

She looked at me. "Sorry po Tito Ruru."

"It's okay. If you want to call me Papa. It's okay. Gusto ko din."

"Talaga po, Tito?" Parang nagningning ang mga mata nya sa sinabi ko.

"Ofcourse. Gustong gusto kong tawagin mo akong papa. Yun nalang itatawag mo sakin ha. Okay ba yun?" Tumango tango sya ng ilang beses. I hugged her. Yung sobrang higpit.

'I love you, My Rere'

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now